Mercedes “WHERE’S my baby?” tanong ko kay Crystal, isa siya sa mga nurse rito. “Nasa nursery po, Doc. Dadalhin po siya rito mamaya.” Napangiti ako. Hindi ko rin mapigilang maiyak kanina nang unang beses kong narinig ang pag-iyak ng aking anak. Ginawa ko ang lahat para hindi mapahamak ang anak ko. Sinubukan kong lumayo stress at nagpakapositibo—kahit ang iwan si Kirill. Ayokong manatili sa tabi ni Kirill lalo na at buntis ako at mas nangingibabaw ang pagiging emosyonal ko. Kung sa iba ay iisipin nilang mababaw lamang iyon, big deal sa akin ang nangyari. How can I live with someone who may be a threat to your life? Bukod pa roon, hindi ko makayanan na isiping maaaring hindi niya ako mahal. Nang umalis ako sa bahay ni Kirill, sinabi ko na gagawin ko ang pangarap ko. Naalala ko ang Lour

