KABANATA 82: FOR YOU

1916 Words

Mercedes “DOKTORA!” Parating naandito si Kirill sa bahay. Minsan nga ay rito na siya natutulog. Kung hindi sa sofa, sa maliit na sofa sa kuwarto ni Vasya niya pinipiling matulog. Tumayo ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pagtawag ni Kapitan. Alam ko kaagad na hindi magandang pahiwatig iyon. Napatingin pa sa akin si Kirill at alam ko na nahihiwagaan siya sa kung bakit umagang-umaga ay naandito si Kapitan. “Magandang umaga, Doktora. Pasensya na po sa abala,” sabi ni Kapitan sa akin. “Magandang umaga po. Ano pong problema?” Iniisip ko na baka kailangan ako sa ospital pero mukha namang hindi iyon ang ipinunta nila rito. “Si William po kasi. Pumunta siya sa barangay kanina at sinasabi niya na iyong parte ng lupain kung saan kinatitirikan ng ibang kabarangay natin ay umpisahan ko na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD