Mercedes PUMAYAG naman ako na rito matulog si Kirill. Sa sofa siya natulog at dahil malaki naman ang sofa namin, pakiramdam ko ay makakatulog naman siya roon ng komportable. Nasa loob na ako ng kuwarto pero hindi ako makatulog. Kanina ko pa sinusubukan na matulog pero dahil sa kakaisip ko sa lalaking nasa living room ay mulat na mulat pa rin ako. Hindi ko makalimutan ang nangyari kanina at ang mga pinag-usapan namin. Nanghihingi ng second chance si Kirill. Gusto kong bigyan siya nito, pero may halong takot ang nararamdaman ko kahit na sinabi niya na susubukan niya. Paano kung hindi niya magawang makalaya sa nakaraan at kahit kailan ay hindi niya ako matutunan na mahalin? Umiling ako sa aking sarili. That’s why he was asking for you to help him, Mercedes. Umilaw ang cellphone ko. Nili

