Mercedes SINAGOT naman ni Kirill ang lahat ng katanungan ko sa kanya. Mahirap pakinggan na ang sarili kong ama ang gustong magpapatay sa akin dahil sa mababaw na dahilan niya pero nagawa ko namang tanggapin. Siguro dahil matagal-tagal ko na ring alam na gusto akong mawala ng aking ama kaya hindi na ako nasaktan pa. “And you didn’t kill me because?” “I…” Huminga nang malalim si Kirill. “I don’t want to hurt you. Maybe I fell for you and developed these feelings and emotions toward you, but they were so foreign to me na hindi ko maintindihan o maipaliwanag iyon…hanggang ngayon. I have a hard time deciphering my feelings, Mercedes. Bear with me.” Hindi ko maitago ang pagngiti ko. Kung noon, iiwasan ni Kirill ang mga ganitong topic, ngayon naman ay nakikita ko na sinusubukan niya talaga ka

