Mercedes “ANG sasakyan ko!” Nagsimula nang magsisigaw si William nang makita niya ang kondisyon ng kanyang kotse. Lumapit siya rito at halos yakapin ang sasakyan. Hindi siya pinapansin man lang ni Kirill. Nanatiling nakatingin si Kirill sa akin at akala mo ay kaming dalawa lamang ang tao sa mundo. “What did you do?!” Sinugod ni William si Kirill. Hinawakan ni William ang kwelyo ni Kirill at doon lamang napatingin si Kirill sa kanya. Malamig ang ekspresyon ng mga mata ni Kirill at alam ko na hindi iyon magandang indikasyon. Bumuntong-hininga ako at lumapit sa kanila. “If I were you, hindi ko gagawin ang ginagawa mo ngayon.” Kalmado man si Kirill sa pagsasalita niya pero mararamdaman mo pa rin doon ang diin sa bawat salita niya. “Ikaw na nga ang naninira ng kotse ko ay ikaw pa a

