Mercedes “WHY are you here, Kirill?” Alam ko naman kung bakit siya naandito at nilinaw niya sa akin na gusto niyang maayos ang relasyon naming dalawa. Hindi ko pa siya nabibigyan ng kasagutan doon pero nakakagulat na magpapakita siya sa lahat at sasabihin na asawa ko siya. Gulat na gulat ako kanina na hindi ako nakapagsalita. Hindi ko inaasahan ang ginawang aksyon ni Kirill. “Didn’t I tell you I want to be a better husband to you. Naandito ako para suyuin ka at ayusin ang relasyon nating dalawa. Umawang ang aking labi pero hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya. Huminga ako nang malalim nang mapagtantong hindi ko na dapat sabihin sa kanya ang kung ano mang nasa isipan ko. “Totoo ba ang sinabi ng mga nurses?” Pag-iiba kong topic. “Ikaw ang nagbigay ng dugo noon sa bata a

