Mercedes THE past days were great. Malapit na kaming matapos sa preparations sa kasal at sobrang excited ko. Pakiramdam ko nga rin ay para bang sumasang-ayon sa amin ang lahat. Ang payapa ng buhay at masaya lang. Hindi ko mapigilang mangamba minsan. Paano kung may kapalit ang lahat ng kasiyahang ito? Naniniwala kasi ako na kapag sobrang saya mo, may kapalit na kalungkutan iyon. I know, that’s gloomy. Hindi ko dapat dinudungisan ang kasiyahan ko ng mga bagay na hindi naman dapat iniisip pero minsan ay napapatanong ako. Masyado kaming masaya na nakakalimutan naming may mga bagay na maaaring sumira nito Nasa ospital ako. Ang mga nakakaalam na ikakasal ulit ako rito sa Pilipinas ay kino-congratulate ako. “May flowers na naman!” Natawa ako nang dumating sina Lara dala ang bouquet ng bul

