Mercedes I AM taking my vitamins diligently. Mabait naman si baby at hindi ako binibigyan ng sakit sa ulo masyado. Nagkakaroon ako minsan ng morning sickness pero hindi naman araw-araw kaya masasabi ko na mabait pa siya sa akin ngayon. My bump isn’t showing yet, but I keep wearing loose clothes. Praning lang siguro ako at first baby ko kahit alam ko naman na pwede pa akong mag-pants ngayon. Nagse-s*x pa rin naman kami ni Kirill, pero mas maingat na ako. Wala pa rin siyang alam. Malaki lagi ang ngiti ko sa tuwing iniisip ang surpresa ko sa kanya. “Aba, blooming ka, ah?” Malawak ang ngiti ni Dra. Karla nang magkasalubong kami. “Iba talaga kapag buntis.” Marahan akong tumawa. Wala namang nakarinig sa kanya kaya safe pa rin ang pagbubuntis ko. “Hindi ba nakakahalata ang asawa mo?” Umil

