Chapter 7

1594 Words
I LOOKED at myself in the huge mirror. I smiled a little bit while looking down slowly in the gown I'm wearing. Ilang buwan na ang nakakaraan nang toga lamang ang suot ko pero ngayon ay isang mahabang puting gown na, damit na siyang isusuot ko sa kasal... sa kasal mismo naming dalawa ni Noah. Yes, it's our wedding day today. And I can't believe until now, that after this day, he will be my husband, that we will live under one roof and start to build our new memories in our own home. When I agreed to his proposal, he already planned everything after that. Agad niyang inasikaso ang kasal naming dalawa at ito na nga, after a long preparation, after a long wait, ito na, ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat lalo na siya, ang makita akong maglakad sa mahabang pasilyo patungo sa kanya sa altar. Ngunit ako, hinintay ko nga ba ang araw na 'to? Hinintay ko nga bang mangyari 'to? Nang sagutin ko siya na pumapayag na ako, na handa na ako, hindi naman ako nagkaroon ng paga-alinlangan pagkatapos kong sabihin 'yon. Nagulat man din sa naging desisyon ko dahil parang ang bilis ng lahat, ngunit sa huli ay nangibabaw pa rin sa akin ang saya at excitement para sa araw na 'to. At normal lamang naman siguro 'yon sa isang babae, hindi ba? Mararamdaman mo talaga ang excitement sa isiping ikakasal ka na ano mang oras sa lalaking hindi mo inaasahang mamahalin mo. And finally, after being a girlfriend boyfriend in 2 years, ngayong mismong araw na 'to ang lalong nagpalinaw sa aking nararamdaman. Pagdating kay Noah noon pa man, lagi akong may pagdadalawang isip, lagi akong naga-alangan, lagi akong hindi sigurado pero ngayon, ngayon ay nilinaw ng kasal ang nararamdaman ko para sa kanya. Kaya mas lalo ko ring na-appreciate ang pagmamahal niya para sa akin ngayon. Kaya panahon naman na siguro para suklian ko 'yon nang walang pagdududa, nang walang pag-aatubili at walang pag-aalinlangan. "Ang ganda-ganda naman ng anak ko," papuri ni mama nang bumukas ang pinto ng kwarto kung saan ako inayusan. Sinundan ko lamang siya ng tingin sa repleksyon ng salamin habang naglalakad siya patungo sa aking kinaroronan. Nagtungo siya sa aking likod at tinapik-tapik ang aking kanang balikat. "Marami pa kaming pangarap para sa 'yo ng papa mo. Ayaw ka pa muna naming mag-asawa, oo, kasi marami ka pang puwedeng gawin. Kaso ay naisip naming tumatanda na kami, kailangan ay bago kami mawala ay may isang tao kang masasandalan, matatakbuhan sa oras ng problema. Kaya talaga panatag ang loob namin dahil alam naming maiiwan ka sa mabuting kamay—" "Ma!" putol ko agad sa pagsasalita ni mama. Ayaw na ayaw ko talagang pinag-uusapan ang tungkol sa buhay o sa kamatayan ng isang tao. Hindi pa ako handa, at kailanman ay hindi ako magiging handa kapag dumating ang oras at araw na mawawala na sina mama at papa sa tabi ko. Hindi ko kaya, hindi. "Ano? Nagsasabi lang ako ng totoo, anak. Alam naman natin na gano'n ang buhay, hindi ba?" aniya animong handa na ang sarili niya para sa bagay na 'yon. "Pero kapag nangyari man nga 'yon, masaya kami ng papa mo para sa 'yo dahil alam naming mahal na mahal ka ni Noah. At alam naming hinding-hindi ka niya iiwanan at pababayaan." Napangiti ako sa kanyang sinabi. Pagmamahal, pananatili, at pag-aalaga, lahat yata ng tao ay gusto ang bagay na 'yon, miski ako ay gustong makamit 'yon at ang gusto kong pumuno no'n ay si Noah. Hiniling ko noon na sana mahanap ko ang isang taong mamahalin ako nang totoo, 'yong hindi ako lolokohin at sasaktan at mukha naman ngang natupad 'yon dahil may isang Noah ngayon sa buhay ko. "Huwag mo kaming isipin ng papa mo, anak, ang kaligayahan at buhay mo ang unahin mo ngayon, ok? Ang buhay ninyo bilang mag-asawa ang isipin mo. Masaya na kaming nakapagtapos ka. At alam naman naming kahit may asawa ka na, magagawa mo pa rin naman ang mga gusto mo lalong-lalo na ang pagtuturo o ang pagtatrabaho." Nasa plano ko pa rin naman 'yon, itutuloy ko ang pagtatrabaho ko ngunit hindi na siguro sa ibang bansa marahil ay dito na lamang sa Pilipinas dahil hindi ko alam kung kaya ko bang malayo ngayon kay Noah gayong mag-uumpisa pa lamang ang buhay namin bilang mag-asawa pagkatapos nito. Bahala na, pinag-iisipan ko pa rin naman ang tungkol doon, eh. Nire-ready ko pa rin lang ang sarili ko sa pagiging isang guro. "Ma, bilang anak ninyo, gagawin ko pa rin at tutuparin ko pa rin ang mga pangarap ko para sa inyo ni papa. Hindi ko kayo hahayaan dahil utang ko sa inyo ang lahat ng mayroon ako ngayon sa buhay ko. Pinakain niyo ako, binihisan at pinag-aral, kaya pangako ko sa inyo, susuklian ko ang lahat ng 'yon." At nang kasama na rin si Noah. Hindi na lamang ako isa ngayon dahil dalawa na kami ni Noah na haharapin ang lahat. Naging magaan ang loob ko sa isiping kasama na ngayon sa pangarap ko si Noah, nang mga lumipas na buwan ay araw-araw akong nagkakaroon ng realization na nalilinaw naman din pagkatapos. Kaya ngayon, sobra ang saya ko, para bang hindi na 'to isang pagkukunwari... Mahal ko naman talaga si Noah, sadyang nalilito lamang siguro ako nang una. But at least now, everything is fine. There's no hesitation anymore, there's no doubt, there's no indecision and there's no nervousness. Lahat ng pagdadalawang isip ko noon ay naglaho na ngayon. Saya lamang ang gusto kong maramdaman ngayon habang hinuhuli lahat ng mga pangarap ko, nang kasama siya, nang kasama si Noah, ang lalaking magiging asawa ko. "Wow, ang gaganda naman ng mga mahal ko." Naudlot ang eksena namin ni mama nang mapalingon kami kay papa na kakapasok lang. Malapad ang ngiti nito sa amin nang lumapit sa kinaroronan namin ni mama. He's also now wearing his lighter-hued suit. "Batang-bata ang itsura, mahal, ha?" sabi ni mama na siyang ikinangisi ni papa. "Aba, ako pa ba?" Nag-pogi face pa siya. "Minsan lang 'to kaya susulitin ko na, mahal." Taas-babang kilay niyang sinabi. "Bata man ang itsura mo o hindi, araw-araw ka pa rin namang guwapo, papa," singit ko. "Nako, sasakyan ko 'yan, anak!" natatawa niyang sambit saka pumagitna sa amin ni mama at inakbayan kami pareho. "Handa ka na ba, anak? Isang oras na lang at mag-uumpisa na ang kasal mo." Bumuntong hininga ako bago sumagot sa tanong ni papa. "Kinakabahan po pero ready naman na po ako," nakangiting sambit ko. Ngayon pa lang ay halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. Paano pa kaya mamaya kapag naglakad na ako sa aisle? Sa mga napapanood ko kasi sa mga pelikula, naiiyak ang bride kapag nag-umpisa na silang maglakad patungo sa altar. Gano'n din kaya ang mangyayari sa akin? Mararamdaman ko rin kaya 'yon? Maiiyak din kaya ako tulad nila? 'Yon din kaya ang mangingibabaw sa akin sa mga oras na 'yon, naiiyak nang dahil sa saya, sa sobrang tuwa? Siguro oo, iyakin pa naman din ako. Kaya malayong hindi mangyari 'yon dahil bukod sa mabilis akong maluha, eh, maiiyak pa ako nang dahil isa ang araw na 'to sa especial na mangyayari sa buong buhay ko. "Nako, ako rin ay excited na rin para sa 'yo, anak. Baka nga ay maiyak pa ako roon habang hinahatid ka patungo kay Noah, eh." Malabong hindi mangyari 'yon, kay papa ko namana ang pagiging iyakin ko, eh. "Basta, wala kaming ibang handad para sa 'yo, anak, kung hindi ang kaligayahan mo. Kaya maging masaya ka lamang sa magiging bago mong tahanan, ok?" mungkahi ni mama. Hinaplos naman bigla ang puso ko at parang gusto kong maiyak dahil doon. "Pinapaiyak mo naman ako, mama, eh." Tumingala ako para mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko, baka kasi'y masira ang koloreteng nasa aking mukha basta't ay ilang sandali na lamang ay aalis na kami patungo sa kasal. "Nako, ang anak namin..." Niyakap ako ni mama, kahit siya ay narinig ko ang pagsinok niya. Mami-miss nila ako, alam ko, pero mas mami-miss ko sila ni papa. Nakakapanibago ngayon pa lang, pero alam kong masasanay din ako sa magiging bagong buhay ko. "Hay, nako, tama na nga ang iyakan na 'yan. Kayo talagang mag-ina." Gamit ang tissue ay pinunasan ni papa ang aming mga mata. Tumigil kami sa page-emote ni mama at iniba na lamang ang usapan para hindi na kami maiyak pa. At napuno nga ng tawanan ang pag-uusap naming tatlo sa mga lumipas na minuto nang matigil naman kami dahil may kumatok bigla sa pinto. Lumapit doon si papa at siya na ang nagbukas no'n. "Uhmm, ma'am, excuse me po. Pero may naghahanap po kasi sa inyo sa labas," sabi no'ng babaeng isa sa nag-ayos sa akin kanina. Nagkatinginan kami nina papa at mama dahil wala naman akong ibang inaasahan na bisita o kung sino man na tao na pupunta rito ngayon mula sa aming kinaroronan. "Baka kaibigan mo 'yon, anak. Gusto mo bang papasukin ko na lang dito?" suhestiyon ni papa. Tumango na lamang ako dahil baka mahirapan lang ako sa paglabas para kitaan 'yong taong sinasabi nila dahil may kabigatan din 'tong suot kong gown. Pareho nang lumabas sina mama at papa pagkatapos. At hinintay ko na lamang nga sa loob ng silid na 'yon ang sinasabi nilang "naghahanap" sa akin. Tatlong katok mula sa pinto ang naging hudyat na may papasok dito sa kwarto. Inabangan ko lamang nga na bumukas 'yon. At gulat ang naging reaksyon ko sa taong hindi ko inaasahan na nasa harapan ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD