Chapter 4

1541 Words
"Angelique, Noah, tara na't umalis na tayo. Magluluto ako nang kaunting handaan sa bahay para sa celebration," pag-aagaw ng atensyon sa amin ni mama. Napalingon kami sa kanila. Si Noah naman ay lumapit sa kanila, nagmano ito kina mama't papa. "Pagpalain ka ng Panginoon, hijo... Mabuti at nakapunta ka? Ang sabi ni Angelique ay busy ka raw kung kaya't hindi mo siya mapupuntaan ngayong araw. Hindi ba 'to abala sa 'yo?" singit ni Papa. "Ah, natapos ko naman po lahat ng kailangan kong tapusin kaya ayos lang po 'iyon," tugon naman ni Noah pagkatapos ay bumalik ito sa tabi ko at ipinalupot ang kanyang kaliwang kamay sa aking baywang. Bahagya akong napakislot sa kanyang ginawa ngunit hindi ko ipinakita. Lagi siyang ganito, kung hindi maraming hirit, marami siyang mga aksyon na ikinagugulat ko. Hindi kasi ako gano'n sanay, naiilang ako at nahihiya. Sa aming dalawa, siya ang mas clingy, siya ang mas nagsasabi ng matatamis na salita tulad ng 'I miss you' at 'I love you', at siya rin ang mas gumagawa ng paraan para lang magkita kaming dalawa o magtuma ang mga schedules namin. "Osya, tara na at nang makapagluto na ako nang makakain natin," sabat ni mama. Nagsitangunan ang lahat at pagkatapos ay umalis na kami. "NOAH, saan ba kasi tayo pupunta? At ba't kailangan nakapiring pa ako? Saan mo ba talaga ako dadalhin, ha?" sunod-sunod na pagtatanong ko kay Noah. Pagkatapos kasi naming kumain sa bahay kanina ay pinagpaalam niya ako kina mama na lalabas kami sandali dahil may sorpresa raw siya para sa akin. At wala akong kaide-ideya kung ano ang binabalak niya dahil wala naman akong maalala na may okasyon ngayon, hindi ko naman birthday, at mas lalong hindi namin anniversary. "Malalaman mo mamaya," aniya habang inaalalayan ako sa aking paglalakad. "Careful, baby." Pinaghila niya ako ng upuan at inalalayan pa rin na maupo roon. "Nasaan ba kasi tayo?" tanong kong muli dala ng kuryosidad. Gustong-gusto ko nang tanggalin ang piring ko para makita kung ano na namang pakulo ang ginawa niya. I just heard him chuckled without answering my question. Mas lalo tuloy akong na-curious. Pagkaraan ng ilang minuto, sawakas ay tinanggal na rin niya ang piring na suot ko. Pagkabukas ng mga mata ay malabo sa una ang naaninag ko ngunit luminaw rin 'yon pagkatapos. At napanganga ako nang inilibot ko sa paligid ang aking paningin para tignan kung nasaan kami, at nakasakay kami sa isang Cruise Ship! "P-paano tayo nakapunta rito? A-anong meron?" nanlalaking matang tanong ko. Malapad ang kanyang ngiti nang maupo sa harapan ko. "Date?" A date? How can he afford it, eh, ang mahal mahal ng gastos dito! "Date? M-marami namang ibang lugar diyan, ha? Saan ka kumuha ng pera?" 'Yon agad ang unang pumasok sa isip ko, saan siya kumuha ng pera? "Nakapag-ipon na ako para rito. Lagi na lang kasi tayong nagd-date sa bahay, gusto kong maiba naman ngayon kahit isang beses lang. Para memorable at... gusto kong makita kitang masaya." Muling umawang ang bibig ko sa kanyang sinabi. Anong dapat kong maramdaman pagkatapos nito? Nag-effort siya, gumastos siya. Anong magiging reaksyon ko? "Noah, hindi ka na sana nag-abala pa." Ayoko siyang ma-offend o ano pero kung hindi naman talaga niya afford ang ganito, maganda nang hindi niya 'to ginawa. At alam ko namang hindi naman talaga niya afford dahil tulad ng sinabi niya, nag-ipon lamang siya. So sayang lamang ang pera niya dahil una sa lahat, panandalian lamang lahat ng ito. Hindi niya ako kailangang pagkagastusan dahil mas kailangan niya 'yon. "H-hindi mo ba nagustuhan?" naga-alangan niyang tanong. "Nagustuhan ko naman, maganda." Totoo namang nagustuhan ko pero. "Thank you, but hindi ka na sana nag-abala pa nang sobra." Nakita ko na parang nabunutan ng tinik kahit papaano ang itsura niya dahil sa paliwanag ko. "Ayos lang." Hinawakan niya ang kamay ko na nasa taas ng table. Ngumiti na lamang ako sa kanya at kinalimutan na lamang ang bagay na 'yon. Wala naman na akong magagawa pa, eh, nagawa na niya, nandito na 'to. Siguro ay enjoy-in na lamang talaga namin para masulit ang ibabayad niya. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang may lumabas na mga lalaki sa kung saan at tumapat sa amin, may hawak silang violin at guitara. Pagkatapos ay nag-umpisa na nila 'yong patugtugin. Kahit papaano, may saya akong nararamdaman. He gave effort for this, for me. Parang hinahaplos ang puso ko sa bagay na 'yon. Not bad, aaminin kong nasisiyahan naman ako sa kanya, sa piling niya. At sa totoo lang, masarap din talaga siyang magmahal, maalaga siya at parang napaka-perpekto dahil napakapuro ng puso niya, ng pagmamahal niya para sa akin. Ngunit tulad nga ng sabi ko, siguradong mawawala rin 'yon at hindi ako mapapakain ng pagmamahal niya. Money, practicality, abundance, 'yan ang mas priority ko, saka na ang pag-ibig. Nang matapos ang mga musika ng kanilang pagtugtog ay siyang luhod ni Noah sa aking harapan. Nagtaka ako sa kanyang ginawa. At lahat ng atensyon ng ibang mga kasama namin sa Cruise ay nakatingin sa amin, we became the center of attention in a snap. "Noah, anong ginagawa mo?" agarang tanong ko habang kitang-kita sa gilid ng mga mata ko ang pagbaling pa rin ng atensyon ng ibang tao sa aming puwesto. "Angelique, mahal na mahal kita," paunang salita niya. Nakatingin lamang ako nang deretso sa kanya at hindi pa rin makagalaw lalo na nang maglabas siya ng isang maliit na box na satingin ko ay ang laman tulad ng nasa isip ko. "Will you accept this ring as a sign of my love for you? Angelique, gusto kitang pakasalan." Tila napantig ang aking tainga sa aking narinig. Rinig ko ang pagtibok ng puso ko, ang hiyaw ng ibang mga tao. Sandali akong nawala sa huwisyo habang iniisip ang bagay na kanyang inaalok. Kasal? Never in my entire life na naisip kong pakakasalan ko siya. Ni ang pagiging mag-boyfriend girlfriend nga namin ay hindi ko pinag-isipan at pinaghandaan. At kasal? Simula nang maging kami at hanggang ngayon, hindi ko pa naisip ang tungkol sa bagay na 'yon. Kailanman ay hindi 'yon pumasok sa utak ko, lalong-lalo na ang isiping sa kanya ako magpapakasal. Hindi ko alam. Nalilito ako. May kung ano sa akin na masaya ako, at mayroon ding hindi. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Para bang tila nagtatalo itong nararamdaman ko at hindi ko mawari kung ano ang mas nangingibabaw ngayon. "N-Noah, a-ano bang ginagawa mo?" Lumingon ako sa paligid, bigla kong naramdaman ang pressure dahil lahat sila parang hinihintay ang sagot ko at 'yon ay ang matamis kong oo. "Angelique, wala akong ibang gustong makasama kung hindi ikaw. Wala akong ibang gustong makita sa tabi ko tuwing umaga kung hindi ikaw lang. Nang sumagot ka sa tanong kong oo noon," tukoy niya sa pag-anyaya niya sa akin na maging kami. "Pinangako kong sa ikalawang pagkakataon ay oo rin ang makuha kong sagot sa 'yo, ngunit ngayon mula naman sa pag-anyaya ko sa 'yo sa isang kasal." "N-Noah, s-sigurado ka na ba sa akin?" Dahil ako, hindi. Never akong naging sigurado sa kanya. Ni kahit nga sa nararamdaman ko ay hindi ako sigurado dahil laging may pagdadalawang isip sa akin, may pagtataka at paga-alinlangan. Is he really sure about me if while me, am not? Hindi ba'y masyadong mabilis ang lahat? O ako lang ang nag-iisip na oo? "Hindi ako kailanman nagalinlangan sa 'yo, Angelique," seryosong tugon niya habang nakalahad pa rin sa akin ang singsing niyang hawak. Napalunok ako ng ilang beses, hindi alam kung ano ang sunod na sasabihin. Gulong-gulo ngayon ang utak ko, tila ba pati puso ko ay nagkabuhol-buhol. Wala akong maintindihan, pero ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng damdamin ko. Para akong maiiyak pero hindi ko alam kung saan nagmumula, kung sa saya ba o ano? "Angelique, alam kong hindi pa tayo tapos sa pag-aaral. Pero gusto kong harapin ang bawat araw nang kasama ka, harapin ang bawat pagsubok nang may pinanghahawakan ako, at ikaw 'yon... I want you to be my wife. I want to take care of you and to the family we will build. So... will you marry me?" He asked again. While I'm listening on his speech, I found myself crying, I felt that my tears started to fall onto my face. And I'm crying because of... happiness? I'm not really sure, but I know... it is. "Woah, say yes!" "Yes na 'yan!" Napuno ng hiyawan, sigawan ang mga nasa paligid namin. Iba't ibang komento, ngunit iisa lang ay tinutukoy at 'yon ang um-oo ako. "Angelique, I want to ask you again... Will you marry me?" Nataranta muli ako sa tanong niya. "A-alam ba 'to nina mama't papa?" wala sa sariling tanong ko. Hindi siya sumagot, ngunit nakangiti siya. So silence means yes. They're all know about this proposal of his! "Noah," I murmured and looked around at the people around us then returned my gaze to him. I let out a deep sigh. Without thinking, I answered his question which I also did not expect to answer. "Yes," I said. The happiness formed on his face while he wears the ring on my finger. Wala na rin akong nagawa no'n kung hindi ang ngumiti na lamang habang pinapalakpakan kami ng mga tao at habang nakayakap sa akin si Noah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD