Chapter 5

2168 Words
ILANG buwan na ang nakakalipas at nag-umpisa na rin ako sa huling taon ng kurso ko. Mas lalong naging mahirap lalo pa't Bachelor in Secondary Education ang kukuhanin ko. Napakahirap ng ibang mga subjects, kahit yata minor ay major subjects pa rin 'yon para sa akin. May mga terror teachers pa ako na sobrang nakakainis. Bukod doon, hinahanda ko na nga rin ngayon pa lang ang sarili sa teacher certification exam. Kaya sayang ang iginugol ko sa pag-aaral ng ilang taon kung hindi ako makakapasa sa examination. "Angelique!" Natigil ako sa paglalakad habang nakikipag-usap din sa kaibigan nang mabilis na napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa aking pangalan. At agad nga na kumunot ang noo ko nang matanaw sa kabilang daan si Harold habang nakasandal ito sa mamahalin niyang kotse, isa siya sa mga manliligaw ko noon at hanggang ngayon dahil hindi pa rin niya ako tinitigilan. Palihim lamang dahil ayoko nang malaman pa ni Noah, baka magalit 'yon sa akin at mag-away pa kaming dalawa bigla. Saka, 'di naman na rin niya siguro kailangang malaman pa dahil hindi ko naman gano'n pinapansin si Harold, hindi ko rin naman sineseryoso ang 'panliligaw' na sinasabi niya, eh. Pero, anong ginagawa niya rito ngayon? Anong kailangan niya? "Uhmm, Carmella, mauna ka na, ha? 'Di na ako sasabay sa 'yo pauwi, may pupuntahan lang ako saglit," paalam ko sa close na classmate ko. Tumango lang siya sa akin saka na umalis pagkatapos. Nang wala na siya ay doon ko na pinuntahan ang kinaroronan ni Harold. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko agad nang makalapit na sa kanya. Umayos siya ng tayo at inilagay ang mga kamay sa kanyang mga bulsa. "I heard the news," 'yon kaagad ang bungad niya sa akin. News? About what? "Anong news?" I asked out of curiosity while not looking at him, mas busy kong tinitignan ang mga mata ng ibang mga studyante sa amin. "You're engaged," simpleng tugon niya. Ng dahil doon ay napaharap ako bigla sa kanya. "He proposed to you," dagdag pa niya, nahihimigan ko pa sa kanyang boses ang lungkot at pagkadismaya. Pero teka't, paano't nalaman niya ang tungkol doon, eh, kami-kami lang naman magpa-pamilya ang may alam tungkol sa bagay na 'yon? "Are you a spy kid?" I joked. Natawa siya bigla at gano'n din ako. "Hmm..." Tinagilid niya ang ulo na para bang may iniisip. "Medyo?" Mas lalo kaming natawa pareho sa kanyang sagot. "But, it's true, right?" he asked seriously, parang naninigurado pa kahit na pakiramdam na niya'y totoo nga ang bagay na 'yon. Dahan-dahan lamang akong tumango sa kanya bilang pagsagot. "And... why did you ask?" Importante pa bang malaman niya 'yon? I mean, ano naman sa kanya? 'Yon ba ang pinunta niya rito, para tanungin ako kung totoo ang nasagap niyang balitang 'yon? "Uhmm... Nothing..." Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, wala naman din kasi akong sasabihin, siya lang naman ang hinihintay kong magsalita. "Wala ka na bang sasabihin?" Kung wala na ay aalis na ako. May mga kailangan pa kasi akong tapusin para bukas. "Angelique... are you really sure you want to be with him for the rest of your life?" Hindi ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin nang una kung kaya't hinihintay ko pa ang sunod niyang sasabihin. "I mean, Angelique, I'm here, I'm waiting for you... I'm waiting for you, you know that." "Huh? W-what do you mean?" I'm starting to get confused. "Angelique, bakit hindi na lang ako ang piliin mo?" walang paligoy-ligoy niyang sinabi. "B-bakit siya pa? Bakit hindi na lang ako?" kwestiyon niya. Nagsusumamo ang kanyang mga tingin at nagmamakaawa ang kanyang boses. Hinuli pa niya ang mga kamay ko at mata sa mata akong tinignan. Bakit hindi na lang siya? Noon pa man na nagkakilala kami ni Harold, may pagtingin na rin ako sa kanya, at masasabi kong mayroon pa rin naman hanggang ngayon dahil tulad nga ng lagi kong sinasabi, hindi naman ako gano'n kaseryoso sa relasyon namin ni Noah kung kaya't siguro ay may kaunting nararamdaman pa rin ako para sa kanya. Kaunti, hindi malaki tulad ng kay Noah. At sa totoo lang, mas hangad ko ang mga tulad ni Harold dahil siya 'yong tipo ng lalaking hinahanap ko, guwapo siya, mabait, at higit sa lahat mayaman, tipong nasa kanya na ang lahat at wala ka nang mahihiling pa. Pero hindi ko alam kung bakit mas pinili ko si Noah kaysa sa kanya, eh, kung tutuusin ay mas lamang naman si Harold sa lahat ng bagay. Naalala ko tuloy bigla ngayon ang nangyari nang araw na mag-proposed si Noah sa akin. Hanggang ngayon kasi ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit nasabi ko ang salitang oo sa tanong niya sa halip na 'hindi' ang itugon ko. Pero traydor yata ang bibig ko at 'yon ang lumabas doon. Kaya nang umuwi kami sa bahay no'n dala ang balitang fiancee na niya ako, ang daming tumatakbo sa isip ko. Tila ba pagkatapos no'n ay araw-araw na gumugulo sa utak ko ang pagsagot ko ng oo sa kanya. It's bothering me every second. Minsan ay hindi ako makakilos at iniisip na bawiin ko kaya 'yong sinabi ko? Pero sa tuwing susubukan ko naman, umaatras ang dila ko para ilahad 'yon. Kaya ito ngayon, hanggang ngayon ay parang pinoproblema ko pa rin ang tungkol sa bagay na 'yon. "I already said yes to him, Harold." Wala na akong magagawa pa roon gustuhin ko man na bawiin. Siguro, maaari ko naman 'yong iatras pero sa ngayon, wala pa naman akong dahilan para gawin 'yon kung kaya't hinayaan ko na lamang muna. Isa pa, engaged pa lang naman kami, eh, hindi pa naman kami ikakasal. At kung saan man ang punta no'n ay hindi ko alam. Kaya bahala na lang, bahala na. Panandalian. Oo, panandalian lang naman 'yon, panandalian lang ang lahat. Hindi 'yon aabot sa gano'n, hindi. That thing will fall into something which is opposite to my expectation. It will not gonna happen... never. "Angelique, sigurado ka bang pipiliin mo talaga siya? Ang isang tulad niya? Please, puwede bang ako na lang? Ako na lang, Angelique. Kapag ako ang pinili mo, magiging maganda ang buhay mo, magiging maayos ang buhay ng pamilya mo. Ibibigay ko sa 'yo ang lahat, lahat-lahat, Angelique." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, sinundan ko 'yon ng tingin at sandaling natahimik, iniisip ang kanyang sinabi. Para ngayong nagro-roller coaster ang isip ko. Because it's like, he's offering something that is tempting to accept. Tila naghalo-halo muli sa utak ko ang mga bagay-bagay, dumagdag sa isipin ko ang sinabi niya at patuloy ako no'ng ginugulo, na para bang hindi 'yon matatahimik na siya ring hindi magpapatahimik sa akin kapag wala akong ginawang aksyon. Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong nalito bigla ngayon. Lalong nagulo ang utak ko at hindi ko alam kung paano lahat 'yon ibabalik sa pagkakasunod-sunod. Ngunit bakit ko nga ba 'yon iisipin? Bakit ko 'yon hahayaang guluin ako? Ano ba ang tunay kong gusto? Ayokong na sanang isipin pa, intindinhin pa pero anong magagawa ko, ginugulo talaga ako no'n? Hindi ko maiwasang isipin, hindi. "H-Harold, ano ba 'yang mga pinagsasasabi mo? At bakit mo ba ginagawa 'to?" Hinawi ko ang mga kamay niya at bahagyang dumistansya sa kanya. Kunwareng inayos ko ang sarili dahil may mga nakatingin sa amin, baka kung ano ang isipin nila, mahirap na. "Angelique, I love you, you know that, right? Kaya nga nandito pa rin ako, eh, kasi hinihintay kita. Hindi ba, gusto mong umayos ang buhay niyo? Gusto mong makaahon sa hirap? This is it, Angelique, kapag ako ang pinili mo, ibibigay ko lahat ng gusto mo, kahit ano... kahit ano, Angelique." Kasaganaan, kaayusan, 'yon ang gusto ko, lahat ng sinabi niya ay gusto ko. Ngunit bakit niya sinasabi sa akin ang mga 'yon? Ano ba talagang gusto niya? O alam ko naman ang pinupunto niya at iniiwasan ko lang? "A-aalis na ako." Yumuko ako at hindi na siya tinignan pa. Nang tinalikuran ko na siya ay nag-umpisa na rin akong maglakad. Ngunit hindi pa man ako nakakailang hakbang nang humarang siya sa dinaraan ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at bumuntong hininga. "Kailangan ko nang umalis, Harold," mahinahong sabi ko. Naglakad muli ako pero pinigil niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko. "Please, Ange—" "Angelique." Harold didn't continue what he was going to say when a familiar voice came. And then I just suddenly felt someone grabbed my waist in a possessive way. Mabilis na lumipat ang tingin ko sa taong humila sa akin palayo kay Harold, at bumungad nga sa akin ang mukha ni Noah, ang maamo niyang mukha ngunit ngayon ay parang isang mabangis na hayop na ano mang oras ay makakapanakit na. Pero nang dahil sa gulat ko na nandito siya ngayon, hindi ako agad nakapagsalita, walang ano mang salita ang namutawi sa aking bibig. Bumaba lamang ang aking tingin sa kamay niyang nakapulupot sa aking baywang, doon natuon ang atensyon ko at hindi ko maalis ang tingin ro'n. Ang higpit-higpit ng hawak niya, animong sinisigaw no'n sa lahat na may nagmamay-ari sa akin at 'yon ay walang iba kung hindi siya. "Hmm..." Nang marinig ko ang pagtikhim ni Harold ay doon pa lamang bumalik ang atensyon ko sa kanilang dalawa. "N-Noah, alis na tayo," sabi ko at handa na siyang hilahin, pero ni hindi man lang siya natinag sa kinatatayuan niya nang sinubukan ko. Deretso lamang itong nakatingin kay Harold. "May pinag-usapan lang kami, pare," Harold explained. Pero hindi pa rin ito kumikibo at matalim pa rin ang tingin kay Harold. Napakagat na lamang ako sa labi ko. At nilukuban bigla ng kaba dahil sa mga tinging 'yon ni Noah, para kasing ano mang oras ay manunutok na siya, eh, parang handa na niyang sugurin si Harold kung hindi ko lamang hawak ang isa niyang kamay. "Noah, Noah," ilang beses kong tinawag ang pangalan niya para sa akin mabaling ang atensyon niya at akala ko ay hindi na niya ako lilingunin pa, nilingon niya ako ngunit masama ang kanyang mga tingin. Alam na alam ko na ang gano'ng itsura niya. Nakita niya kaming magkasama ni Harold, alam niyang may gusto siya sa akin kaya sigurado akong galit siya at nagseselos. Ayaw niya kasi akong lumalapit sa kanya, nakakaramdam daw siya ng inis at ayaw niya talaga akong nakikipag-usap sa iba, lalo na sa mga 'di niya kasundo at kakilala. "Umalis na tayo," walang emosyon niyang sinabi saka pinagsiklop ang aming mga kamay at hinila na ako paalis. Ni hindi na ako nakapag-paalam pa kay Harold dahil sa sobrang bilis niyang maglakad. Halos 'ata kaladkarin niya ako paalis doon. Hiningal tuloy ako nang tumigil kami saglit sa isang tabi para maghintay ng Jeep. Binitawan niya ang kamay ko at dumungaw-dungaw para pumara ng masasakyan. Ako naman ay sinusundan lamang siya ng tingin. Nabahala ako bigla. Hindi siya kumikibo, hindi niya ako kinikibo. "Noah." Nilapitan ko siya pero hindi pa rin siya nagsasalita, hindi pa rin niya ako pinapansin. Alam ko na ang ganitong pananahimik niya, galit pa rin siya, pero hindi siya 'yong tao na kapag galit ay naninigaw, nakikipag-away o nakikipagsagutan, mas gusto niyang maging tahimik na lamang kaysa may masabi siyang hindi maganda, ayaw niya kasing makasakit ng damdamin ng iba. He preferred to be silent than to talk while he's mad because of something. "Wala lang 'yong nakita mo, may sinabi lang siya," paliwanag ko. 'Yon na lamang ang sinabi ko para hindi na siya mag-isip pa ng mga kung ano-ano, ayokong mag-away kami, dahil nang huling away namin ay hindi ko alam sa sarili ko pero sobra akong naapektuhan. Sumikip ang dibdib ko nang ilang araw niya akong hindi pinansin. Kaya sa kagustuhan kong magkaayos kami ay sinuyo ko siya, lumambot naman agad siya sa akin at naging okay kami pagkatapos. Kaya ayoko nang maulit pa 'yon, baka may maramdaman na naman ako na kung ano sa dibdib ko kaya't gusto ko nang maayos 'to ngayon. Saka, ayoko nang madagdagan pa ang mga isipin ko. Dumagdag na nga ang mga sinabi ni Harold kanina, ayoko naman nang dagdagan pa 'tong sa amin. Kung maayos pa naman, sa abot ng makakaya ko ay aayusin ko. "Wala? Anong pinag-usapan niyo? Ba't ka niya pinuntahan? Ginugulo ka ba niya, huh? Sabihin mo sa akin, ginugulo ka ba ng lalaking 'yon, Angelique?" mahinahon pero mariin ang bawat pagbitaw niya ng mga salita. "U-uhmm... W-wala, wala." Umiling-iling ako, pilit na kinukumbinsi siya sa aking paliwanag. "May sinabi lang talaga siya, 'yon lang," pagpapatuloy ko pa. Sandali siyang hindi nagsalita, parang bang inuusisa niya ako nang sandaling 'yon kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Tumigil ang isang Jeep sa harapan namin kaya sabay kaming napalingon doon. Nakita ko ang pagbuntong hininga niya bago niya muli hawakan ang kamay ko at hinila na papasok sa loob. Nang maupo kami ay nakita ko na maaliwalas na ang mukha niya. Hindi na siguro siya galit kaya naman wala sa sariling napangiti ako nang maramdaman ang saya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD