Kabanata Dalawampu't Walo

1278 Words

“Ayos ka lang ba talaga, Jessa, Apo?” Inilagay ni lola ang kaniyang mga palad sa aking magkabilang pisngi. Tumango ako. “Opo, ‘La. Okay nga lang po ako.” Tumitig na naman sa akin si lola nang matagal. Mukhang hindi niya pinaniniwalaan ang sinasabi ko kaya naman binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Kalauna’y bumuntonghininga si lola at ngumiti rin pabalik. Hinayaan niya na akong tulungan siya sa pagtitinda. Naging abala kami dahil maraming mga bumili kay lola bago dumating ang tanghali. Noong wala nang bumibili ay lumapit naman sa puwesto namin ang isa sa mga nagtitinda rin dito sa palengke. Hindi ko kabisado ang mga pangalan nila dahil maraming ka-close si lola Nita. Matagal na kasi siyang nagtitinda at siya ang itinuturing na lola ng lahat. “Napakaganda talaga nitong si Jessa,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD