Kabanata Dalawampu't Pito

1716 Words

Noong dumating ang recess, bumili kami ni Irish ng biskuwit at juice na nasa tetra pack. Parehas na parehas ang mga binili namin, nagkaiba lang sa flavor dahil mas gusto niya ang strawberry flavor noong biskuwit habang ang akin naman ay chocolate. Sa juice naman na binili namin ay mango flavor ang kaniya at ang akin naman ay apple. Madalas kaming parehas ng binibiling pagkain ngunit mag-iiba pagdating sa flavor dahil iyon ang napag-usapan namin. “Oh.” Ibinigay niya sa akin iyong isang bilog ng strawberry flavor niyang biskuwit. Tatlong bilog kasi ang laman noon. Tinanggap ko iyon at kumuha rin ng isang bilog sa aking biskuwit na chocolate flavor. Inabot ko ‘yon kay Irish. “Oh.” Ganoon ang palagi naming ginagawa, nagpapalitan kami ng flavor para parehas naming matikman ang mga binili na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD