Kabanata Dalawampu't Anim

1658 Words

“Ma, kulang pa ‘to.” “Wala ka bang natirang pera riyan sa iyo, Arnel? Iyan na lang kasi ang natira kong pera. Naipambayad ko na sa mga bayarin dito sa bahay.” Narinig ko ang mahinang pagreklamo ni tito Arnel mula rito sa kuwarto namin ni Adriel. Umaga na at kagigising ko lang habang ang kapatid ko ay tulog na tulog at nakanganga pa. Ngunit maya-maya lang ay kailangan ko na siyang gisingin dahil papasok pa kami sa eskuwelahan. “Ano ba naman ‘yan, Ma! Hindi ba sinabi ni Jessa sa inyo na kailangan ko ngayon ang pera? Hindi puwedeng magbigay na naman ako ng promisorry note dahil ginawa ko na iyon noong nakaraang semestre!” Napaigtad ako nang sumigaw si tito Arnel. “Walang nasabi sa akin si Jessa, Anak,” sagot ni lola. Umusbong ang kaba sa aking dibdib. “hindi ba’t may nakukuha ka namang p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD