Kabanata Dalawampu't Lima

1850 Words

“Jessa, katatapos mo lang magsampay?” Nilingon ko si lola Nita na siyang nagtanong noon. Binitiwan ko muna ang mga timbang magkapatong na dala ko dahil ipapasok ko na sa loob ng banyo. Kinuha ko ang dalang bayong ni lola, pati na rin ang payong niyang mahaba. “Hindi po natin mga damit ang nilabhan ko, ‘La. Kay Tito Arnel po ang mga iyon.” “Kay Arnel?” Kumunot ang noo ni lola. “Inutusan ka niyang maglaba?” Tumango ako. “Opo.” Magdidilim na nang matapos ako sa paglalaba, at naabutan pa ako nina lola Nita at Adriel sa kanilang pag-uwi. Si Adriel ay may dalang plastic sa likuran ni lola, manok yata ang laman noon. Hindi na tuloy ako nakapunta sa palengke at si Adriel na lang ang tumulong kay lola na magtinda. “Bumili kami ng manok ni Adriel.” Nilingon ni lola Nita ang kapatid ko na nauna

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD