Kabanata Apatnapu't Walo

1408 Words

“Mama naman, ‘di ba sabi ko magpahinga ka lang?” Nagkatinginan kaming dalawa ni Adriel nang marinig si tito Arnel na pagsabihan si lola. Makulit kasi si lola Nita at gusto na niyang tumayo kahit na nahihilo pa siya. Itinatanggi niyang nahihilo pa siya ngunit alam naming tatlo nina tito Arnel at Adriel na hindi pa rin maganda ang pakiramdam niya dahil makikita naman iyon sa kaniyang itsura. Medyo namumutla pa ang mukha ni lola ngayon kaya tama lang iyong sinabi ni tito Arnel na magpahinga muna siya. “Ayos naman na ako, anak,” sagot ni lola sa sinabi ni tito. Ayos na raw si lola, ngunit ang boses niya ay halatang nanghihina pa rin. Gusto lang talaga ni lola na gumalaw na dahil alam naming hindi siya sanay na nakahiga o nakaupo lang. Dahil ganito ang nangyari kay lola, nakita ko kung gaan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD