Kabanata Tatlumpu

1633 Words

“Pero, Mama, ayaw ko pong sumama sa palengke! Ang baho-baho roon at ayaw kong magtinda!” reklamo ni Joriz sa sinabi ni tita Marivic. Nagsalita naman si lola Nita, “Hindi naman kailangang sumama ni Joriz sa akin, Marivic. Kasama ko naman sina Adriel at Jessa.” Tinignan ako ni tita Marivic at bahagya niya akong pinanlakihan ng mga mata. “Pero malay mo lang, Ma, hindi makasama si Jessa at Adriel sa inyo. Puwede naman ang anak ko na samahan ka sa pagtitinda. Ngumiti nang pagkatamis-tamis si tita Marivic pagkatapos na sabihin iyon. Hindi ako umimik, ngunit alam ko kung ano ang ibig sabihin ni tita sa sinabi niyang iyon. Gustong-gusto niya na nga talaga kaming umalis dito. Lumunok ako ng isang beses nang maisip na gusto kong ipakita kay tita Marivic na hinding-hindi ako aalis dito sa bahay n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD