Kabanata Tatlumpu't Isa

1574 Words

Isa pang malakas na tulak ang ginawa ni Joriz hanggang sa mawalan ako ng balance at matumba sa sahig. Sa pagbagsak ko, bumaliko ang aking kanang paa at nadaganan din iyon ng aking kaliwang paa. “Aw,” daing ko. Tinignan ko ang aking mga paa. Hindi ko muna iginalaw ang kanang paa ko dahil masakit pa rin iyon, ang akala ko ay mawawala rin ang sakit kapag lumipas na ang ilang minuto dahil ganoon naman ang nangyayari kapag nabangga ka o kaya ay nasugatan. Mawawala rin ang sakit ‘pag tumagal na ngunit ang nangyayari sa aking kanang paa ngayon ay hindi ganoon. Mas lalo lamang lumala ang sakit ng aking kanang paa. Para pang nag-iinit ang aking katawan at pakiramdam ko rin ay masusuka ako dahil sa sobrang sakit ng aking paa. “Joriz…” Nag-angat ako ng tingin kay Joriz at doon ko lang napansin na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD