Kabanata Apatnapu't Anim

1615 Words

“Bakit naman makikipag-away si Adriel?” sigaw ko. Nasa likuran ako ni Aston habang tumatakbo kami papunta sa kung nasaan ngayon ang kapatid ko. Medyo malayo na sa akin si Aston kaya naman kinailangan kong sumigaw. Sandali akong nilingon ng pinsan ko ngunit hindi pa rin siya tumigil sa pagtakbo kaya hindi rin ako tumigil. “Basta, Ate! Bilisan na lang natin!” Mas lalo pang bumilis ang pagtakbo ni Aston. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang lakas niya at ang tulin ng takbo niya dahil lumaki pa ang agwat ng layo niya sa akin ngayon. Huminto muna ako dahil nakaramdam na ako ng pagod. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang lumiko si Aston, hindi tuloy ako nakapagpahinga ng kahit ilang segundo lang dahil baka hindi ko na siya maabutan. “Ang tagal mo naman, Ate!” sigaw ni Aston at kumamot sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD