CHAPTER 11 FRANZEN’S POV. Bago ako pumasok ay dumaan muna ako sa bahay nila Louie, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Tatlong araw na niya akong hindi pinapansin, at tatlong araw na rin kaming hindi naguusap, name-miss ko na siya. Nami-miss ko na ang boses, ingay at ang pangungutya niya sa akin. Bakit kaya bigla siyang nagbago, bakit bigla niya na lang akong hindi pinapansin. Hindi naman siya nagsasabi ng nararamdaman niya sa akin, biglaan na lang siyang dumistansya sa amin. “Hello, magandang umaga tita si Louie andyan pa ba?” “Ay Franzen umalis na, pero baka maabutan mo kakaalis lang nun,” sagot ng mama ni Louie. “Ay sige po,” nagpaalam na ako at dali-da

