CHAPTER 10 Pagkatapos naming kunin ang mga gamit ko na kumalat sa loob ng classroom ay umupo muna ako para pakalmahin ang sarili ko, alam ko kung sino ang may kagagawan nito at si Erika ito. Hinding-hindi gagawin ng ibang kaklase koi to dahil wala naman akong ginawang masama sa kanila. Tahimik lang si Eldrian, si Louie naman ay abala sa kaniyang cellphone at nag-uusap naman kami ni Franzen tungkol kay Erika. “Talagang hindi titigil ‘yan,” ani Franzen. “Ewan ko ba kung ano ang problema niya sa akin, hindi ko naman siya inaano,” paliwanag ko naman. Ako na nga ang umiiwas pero pilit pa rin talaga niya akong ginagalit, gusto talaga niyang makatikim sa akin. Pasalamat talaga siya at may kauntin

