EPISODE 2

1591 Words
CHAPTER 2 "Mr. Levi, saan po kita ihahatid?" "Sa bahay po o sa condo niyo?" turan ng aking driver na si Denise — kuya Denise. "Uhm, gusto ko kumain muna... kumain ka na ba?" tanong ko sa kaniya, kasi minsan siya 'yong kasama ko kumain bago umuwi. "Hmm kanina po, kumain na po ako doon sa may lobby... may mga pagkain kasi ng mga security at driver doon." "Pero puwedi naman po kita sabayan," dagdag na sagot pa niya habang nakatingin sa may mirror ng sasakyan. "Okay that's good. Sa may pinaka malapit na restaurant tayo... sa madadaanan natin. Sobrang gutom na kasi ako," natatawa kong sabi sa kaniya habang hinahawakan ko ang tiyan ko. "Ah gano'n po ba, sige bibilisan ko na lang 'yong pag-drive." Tanging tango na lang ang isinagot ko sa kaniya. ---------- "Mr. Levi nandito na po tayo." Nagising na lang ako sa pagtawag at kalbit ni kuya Denise, dahil nakatulog na pala ako dala na rin siguro ng pagod ko. "Yea?" "Nandito na po tayo." "Ow okay, let's go." Humihikab at nag-uunat pa akong bumaba sa sasakyan ko, at inalalayan ako ni kuya Denise. By the way, I also have one more driver but since nandito na naman si lolo sa Pinas kaya siya muna ang nagdra-drive para kay lolo. Si lolo kasi marami siyang mga agendas at mga biglaang errands kaya kailangan talaga niya ng driver na palagi niyang kasama in case na may puntahan siya. Manong George, siya 'yong driver ko driver din pala namin, family driver. Matagal na siyang nagtratrabaho sa amin, bago pa ako makapunta rito sa Pilipinas ay driver na sila ng parents ko. Pero palaging nasa out of town ang parents ko dahil ito sa mga business trips. Kaya naman hindi ko rin sila laging nakakasama. Umuuwi na lang sila rito sa Pilipinas kapag done na lahat ng mga business nila sa ibang bansa. "Mr. Levi ito na po yung inorder niyo," napabalik na lang ako sa reyalidad nang magsalita si kuya Denise, dala-dala na niya 'yong mga pina-order ko. Ganito palagi, sa tuwing magkasama kami siya ang pinag-oorder ko, kasi ayaw ko namang pumila pa. "Umorder ka na ba ng food mo?" tanong ko sa kaniya, dahil cargo ko rin namang pakainin siya, dahil pinagsisilbihan niya rin ako. "Opo ito oh, gusto mong tikman?" tinuro at inilapit niya sa akin 'yong tray niya, dahil inaalok niya ako. "It's okay, eat it ... sa iyo na iyan and may foods din naman ako..." "Thanks anyway." "Ah Thank you rin sa pag-treat ng pagkain." "Yea," maikling sagot ko sa kaniya sabay tango. "Saan na po kita ihahatid pagkatapos nito?" tanong niya habang nasa kalagitnaan na kami ng pagkain. "Uhmm sa condo ko na lang siguro." "Sige, pinapatawag ka nga rin po pala ni Mr. Valentino sa bahay niya bukas." "Oh why? bakit daw?" "Hindi ko po alam, 'yon lang kasi 'yong sinabi niya sa akin. Baka may sasabihin o ipapagawa siya sa iyo," napapaisip na sagot niya sa akin. "Tawagan niyo na lang po ako kung sakaling magpapahatid kayo or may pupuntahan." "Yeah." "Flash report, isang grupo ng sindikato ay pinaghahanap. Matapos na may gawin na hindi maganda sa isang miyembro ng Fortano Company Corporation." "Lagot ka wala kang takas diyan, nagkakamali ka ng binabangga," natatawa kong saad mag-isa, matapos kong marinig ang balita sa radio ng sasakyan ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin sa akin si kuya Denise dahil sa sinabi ko, pero hindi na ko ito pinansin. Fortano Company Corporation, FCC for short. Sila lang naman ang isa sa mga kilalang kompanya pagdating business at wala silang pinapalagpas kapag may isang kumalaban sa kanila. Marami na ang kumalaban sa kanila, pero lahat ito ay pinatay nila. Marami na ang namatay at sa tuwing iimbistigahan ito ay hindi nagtatagal at nagsasarado rin ang mga kaso. Ni hindi nila mahanap ang totoong may kagagawan, because Fortano Company Corporation do their jobs pure as clean ultimo ni isang bakas ay walang makikita na sila ang may kagagawan. And one more thing, lagi nilang pinapalabas na accidents lang ang pagkamatay ng mga kumakalaban sa kanila. Gano'n sila kalinis magtrabaho halos pati 'yong mga detective ay walang makitang matibay na evidence. Kaya walang sino man ang may kayang magpabagsak o kumalaban sa kanila, dahil kilala rin silang mamamatay tao kayang-kaya nilang pumatay para lang maprotektahan ang mga pangalan nila. And if you will try to look with their criminal records, then maybe you'll the one who will be embarrass because it's definitely pristine. No dirt and pure, its looks like innocent and guiltless. Ilang oras ang nakalipas and we're now here at my condo. Minsan na lang ako mag-stay sa bahay namin since wala nga palagi roon sila mom and dad, kaya bumukod na ako rito. Dito na ako nag-i-stay sa condo dahil medyo malapit din ito sa Hospital na kung saan ako ay naka-assign. And besides mas gusto ko pa nga 'yong ganito, malayo ako sa ingay dahil ayaw ko 'yong maingay. Gusto ko 'yong mag-isa lang ako dahil nakakapag-isip ako nang maayos I mean I can have my own peace of mine, 'yong tipong walang gugulo sa iyo, 'yong makakapag-concentrate ka nang mas maayos at magagawa mo lahat ng gusto mo. "Sige po Mr. Levi, aalis na po ako. Sabihan mo na lang po ako kung sakaling may ipapagawa o pupuntahan at magpapahatid ka naman sakali." "Yeah, Thanks a lot. Drive safe." "Sige po, Thank you," saad niya bago sumakay na ng sasakyan at umalis. "Hey what's up, Black" "Did you missed your dad, ha?" tanong ko sa kaniya sabay buhat. Hinimas ko ang kaniyang ulo kaya't naman mas lalo niya ito kiniskis sa may braso ko. Sino si Black? Well siya lang naman ang alaga kong pusa. Bakit Black ang pangalan? Syempre obvious naman na color black siya, iyong balahibo niya. Black is a imported cat from Spain. Yes, I buy him in Spain. Okay here's some short story about Black, so a year ago noong nag-vacation kami sa Spain ay nag-visit kami sa isang pet shop dahil gustong bumili ni Lerio ng Parrot na galing doon sa Spain. Then ako naman ay wala talagang balak na bumili ng kahit na anong pet, but suddenly nakita ko noon si Black na nasa kulungan niya, and I can still remember na sobrang liit pa niya noon parang baby pa siya no'n, tapos sobrang itim talaga ng balahibo niya at isa pa sa mga kinaganda niya ay iyong color ng mata niya. Kaya 'yon binili ko na siya and thanks God buti na lang kasama ko pa rin siya hanggang ngayon. Male cat si Black ah. Pagkatapos kong laruin si Black ay dumeretso na ako sa walking closet ko para kumuha ng damit dahil maliligo na ako. "Hmm bakit kaya ako pinapatawag ni Mr. Valentino? para saan kaya 'yon?" saad ko habang kinakausap ko ang aking sarili, na ngayon ay nag-iisip ako habang nakababad ako sa bathtub. "Haysttt." "What the hell, maybe tungkol sa business na naman iyon!" "Bakit ba ako na lang palagi!" "Hindi ba puweding mamuhay na lang ako ng normal at hindi ko na iyon prinoproblema pa!" "HAYST!" Naiinis akong napakamot sa ulo ko dahil siguradong tungkol sa mga business na naman iyon, at sawang- sawa na ako tungkol sa bagay na iyon! Iyon lang naman kasi ang palaging dahilan na kung bakit ako pinapatawag ni Mr. Valentino. Nang matapos na ako maligo ay nagtungo na ako sa malaking kama ko upang mahiga at magpahinga na, pero bago ako matulog ay nag-che-check muna ako ng mga social media's ko pero kung wala namang mahalaga ay pinapatay ko na lang at pipilitin ang sarili kong matulog na. Ilang oras din akong nakatingin at nakatulala sa kisami ng aking kuwarto habang nag-iisip ng kung ano-ano I always have unsaid thoughts in my mind and I know it's already overflowing, but wala na naman akong magagawa kung hindi kimkimin na lang ito. Tulad nga ng sinabi ko ay gusto ko palaging mapag-isa, pero aaminin ko minsan ang hirap din kasi wala kang mapagsabihan at wala rin namang makakaintindi sa akin, at hindi rin nila ako maiintindihan. Binuhat ko si Black at nilagay sa ibabaw ng dibdib ko, dahil nasa tabi ko lang naman siya sa kama. "Meow" "Black?" "Meow" Tinitigan ko siya nang mabuti habang nakapatong siya sa may dibdib ko. "Alam mo ba ang daming laman ng isipan ko ngayon, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon... hindi ko maintindihan... hindi ko maintindihan ang sarili ko... hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko." "Basta ang alam ko lang ay natatakot ako... oo mukha lang akong malakas at matapang pero may mga bagay din na kinakatakutan ko... maraming bagay ang kinakatakutan ko pero siguro 'yong iba roon ay hindi ko pa alam, dahil hindi pa ako dumadating sa sitwasyon na gano'n" "Ang hirap Black... Ang sakit at ang hirap sobra," halos maluha kong sabi kay Black. "Good night, Black." "Sana maging maganda ang araw ko bukas... Sana maging maayos na... Sana maintindihan ko na... Sana." Inalis ko na si black sa dibdib ko, at bumalikwas na ako sabay ipinikit ang aking mga mata. Kahit pa paano nabawasan din ang bigat ng dibdib ko, dahil sa pagsabi ko kay Black ng mga nararamdaman ko. Halos si Black lang ang nakakaalam ng nararamdaman at mga sikreto ko, buti na lang hindi siya nakakapagsalita. Si Black lang 'yong palaging nandiyan at nakakausap ko, kaya sobrang mahalaga niya sa akin. —————————— AKOSI T.S.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD