EPISODE 1

1247 Words
CHAPTER 1 "Ting!" tunog ng elevator nang makarating na ito sa patutunguhan ko. "Good Afternoon po, Mr. Levi." Bungad na bati sa akin ng mga empleyado rito sa company, at sabay tumungo sila ng konti bilang pagbibigay galang sa akin. Tanging tango lang ang isinagot ko sa kanila at nagpatuloy na akong pumunta sa office room ko. "Mr. Levi, Mr. Levi," nagmamadaling pumunta sa akin si Ms. Maze at may mga dala pa itong mga files. Huminto ako sa may pintuan ng office room ko para hintayin kung ano man ang sasabihin niya. "Ni-rescheduled nila Mrs. and Mr. Lopez 'yong time para sa meeting, sa kadahilanan daw na bigla sila nagkaroon ng urgent errand. Kaya mga 3:30 PM na lang daw itutuloy 'yong meeting." "Ayos lang naman sa iyo 'yon 'di ba?" dagdag na tugon ni Ms. Maze. "Ah okay, it's okay. Just call me and I'll be there kapag na ayos at nandiyan na sila, okay?" "Okay sige. Mag simula ka nang mag-ayos, and naka-ready na pala riyan yong coat mo..." lumapit pa siya sa akin at inamoy ako. "Palitan mo na 'yang damit mo, amoy alak," natatawang huling saad niya at bago tuluyan na siyang umalis. Kaya naman napaamoy na lang ako sa damit ko. "Amoy whiskey nga," natatawang saad ko sa isipan ko. 'Nandito pa rin pa pala 'yong amoy ng ininom ko kagabi.' At tuluyan ko nang binukasan ang pintuan ng office room ko at pumasok na sa loob. "Haysttt." Pabagsak kong inupo ang sarili ko sa swivel chair dito sa may desk ko. "Uhmm... ano ba naman 'yan nakakatamad kumilos," tugon ko mag-isa habang nag-uunat ng katawan. Inikot ko ang swivel chair ko sa may glass window na nasa likuran ko. "Ang ganda ng view... sana maging ganitong kaganda rin ang araw ko." Kinakausap ko na naman ang aking sarili. Nakatingin lang ako sa may glass window habang pinagmamasdan ang mga kalye at buildings. Itong office room ko na ito kasi ay malaki, plus may malaki ring glass window pero hindi ito transparent dahil ang nasa loob lang ng kuwarto na ito ang makakakita ng labas, hayst basta gano'n hindi ko alam ang tawag doon, basta kapag nasa labas ka ng window ko ay makikintab na salamin lang ang iyong makikita at hindi 'yong loob ng room ko na ito. Gets mo ba? "2:03 PM," pagkabasa ko sa relos ko ay tumayo na ako at muling nag-unat. Nagtungo na ako sa isa pang kuwarto rito office room ko, dahil nandoon ang closet at comfort room ko. Kinuha ko na ang coat at iba ko pang damit sa closet at pumunta na sa cr upang maligo, pero half bath lang siguro ang gagawin ko magbababad lang ako sa bathtub hanggang sa gustuhin ko nang umahon. ---------- "Mr. Levi?" "Mr. Levi?" Hindi ko namamalayan na naka-idlip na pala ako, nagising na lang ako sa pagtawag ni Ms. Maze na ngayon ay kinakatok na ang pintuan ng cr kung saan ako'y nakakababad ngayon. "Yea, why?" maikling tugon ko sabay nag-uunat ng katawan. "Sila Mrs. and Mr. Lopez ay nasa may ground floor na, kakarating lang nila pero may mga inaayos pang mga files bago mag-umpisa 'yong meeting." "Umahon ka na riyan at magbihis dahil ilang minutes na lang at maayos na ang lahat," dagdag na tugon niya. "Okay, sunod na lang ako," nagsimula na akong umahon at mag-ayos ---------- "Hey, Welcome and Good afternoon Mr. and Mrs. Lopez," bati ko sa kanila at nakipag-shake hands sa kanila dalawa. Here we go again, kailangan ko na naman maging cooperative sa mga associator ng pamilya namin. Kapag kasi hindi ko sila inintertain ay baka masermonan na naman ako nila dad, tapos magkakagulo na naman. And I'm already freaking suffocated tuwing gano'n ang nangyayari. Kada sermon, pasok sa tainga at labas naman sa kabila... gano'n na lang palagi at sino naman ang hindi maso-suffocate kapag gano'n na lang paulit-ulit. "So can we now proceed?" tanong ni Ms. Maze na nag-aassist sa kanilang dalawa sa amin. "Ow yes, let's go. Let's start the meeting," saad ni Mrs. Lopez. At nagpatuloy na kami pumunta sa meeting room. Habang nagme-meeting ay nakatulala lang ako, at sa tuwing may itatanong sila ay tanging ngiti at tango lang ang sinasagot ko. Tuwing may meeting ay hindi ko magawang makapag-focus, nakatingin lang ako sa isang parte at lumulutang na naman ang isipan ko. Hindi ko na ito mas lalo pang binibigyan pang pansin dahil alam ko namang nandiyan si Ms. Maze. Nasa isang malaking paikot na table kami. Nandito rin 'yong ibang stockholders at mga ilan-ilang empleyado, at syempre sila Mrs. and Mr. Lopez, si Ms. Maze at pati na rin ako. Sa may labas ng pintuan naman ng meeting room na ito ay may mga guwardiya at bodyguards na kasama at nakabantay. Kilala na mayaman kasi sila Mrs. and Mr. Lopez pagdating sa business, kaya gano'n na lang kabantay ang mga securities sa labas. "Okay... end of meeting. I hope we can enlarge more our businesses and plans," saad ni Mr. Lopez, dahil nagtatapos na ang mahabang meeting namin at wala naman ako naintindihan, siguro itatanong ko na lang ang nga bagay-bagay kay Ms. Maze. "4:51," tiningnan ko ang wristwatch ko na kumikinang at malalaman mo talaga na ito ay mamahalin. "Thank you for all of you... for cooperating with this meeting. Let's flourish each of our business. Thank you again," pagtatapos na bati ni Ms. Maze. Pagkatapos no'n ay isa-isa na naming niligpit ang mga files, sa tulong na rin ng mga assistant namin, at nagsilabasan na ang lahat. "Nagugutom ako," saad ko sa isipan ko dahil nararamdaman ko na ito ay kumukulo na. Mga biscuits at chips lang kasi ang kinain ko habang nag mi-meeting kanina, kaya naman ganito na lang ako nagutom simula kasi no'ng magising ako hanggang ngayon ay wala pa ako kinakain na kanin. "Ms. Maze, tapos na ba ang lahat?" pagtatawag ko sa kaniya dahil nagbabalak na akong umalis. Bago niya ako sinagot ay may tiningnan muna siyang folder at siguro mga schedule ito. "Uhm... 'yan lang ang nakalagay dito na meeting mo para sa ngayong araw... so ibig sabihin wala na." "Bakit aalis ka na ba?" "Yeah, kanina pa kasi ako nagugutom." "Okay sige, nandiyan na 'yong driver mo sa baba, magpahatid ka na sa kaniya. Dahil alam kong pagod ka na rin, magpahinga ka na." "Yeah ikaw rin, Thanks for today," huling sagot ko bago tuluyan nang umalis. Habang nasa may elevator ako ay naririnig kong nagbubulungan ang nga empleyado sa likuran ko. "Grabe ang suwerte naman ng magiging girlfriend niya." "Oo nga eh, kainggit." "Yiee ang guwapo talaga ni sir." Pero hindi ko na 'yon pinansin pa dahil sanay na naman ako sa mga gano'n. Oo ang suwerte nga siguro ng magiging girlfriend o magiging asawa ko. Dahil hindi lang ako guwapo ay may katalinuhan din, dahil natapos ko ang education ko kaya nga ako naging Doctor 'di ba. Bonus na 'yong pagiging mayaman ko at ng pamilya ko. Pero sa ngayon hindi pa ako interesado sa mga bagay na iyan. Ayos lang sa akin magkaroon ako ng girlfriend pero wala akong balak na seryosohin, siguro dahil na rin ito sa mga nakaraan ko. Sa mga nakaraan kong karelasyon pati na rin mismo sa mga nangyari sa past ko, baka nga hindi nila ako tanggapin kapag nalaman nila ang isa pangyayari sa mga nakaraan ko. "Will you accept my past, My Love?" —————————— AKOSI T.S.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD