"Ano ba… Fresha Salvador? Bakit mo naman iyon sinabi? Oh, ano ka tuloy? Sakit, 'no? Nag-expect ka rin, 'no? Haist! Don't expect much from that numb bastard kasi! Alam mo naman na manhid ang lalaking iyon!" Fresha muttered to herself as she looked at herself in the mirror. She washed herself yet again to reawaken her senses. "Focus, Fresha! Focus! Sa company ka muna mag-focus at 'wag kay Allen, okay!? Remember, may kinakaharap ka pang problema! You need to solve it na!" pagkukumbinse niya sa sarili. Bakas sa mga mata nito ang determinadong makapag-focus sa kumpanya niya, subalit siya ulit ay nainis nang maalala muli ang sinabi niya kanina.
Halos gusto na niya iumpog ang ulo sa kamaliang naibigkas ng kaniyang bibig. Ang tanging nais lamang niya kanina ay biruin ang kaibigan, ngunit hindi niya inaasahan na magiging seryoso ito. Ayaw niya kasi marinig ang sagot which she had been looking for for a long time from Allen's lips; it was the result of her cutting off his response earlier. She was afraid she would be hurt if he told the truth. Siya kasi ay naniniwala na hindi siya nito mahal.
Fresha sighed once more. Sinusubukang maging maayos ang sarili upang sa ganoon, sa pagharap niya sa binatang kaniyang napupusuan, hindi muli siya makagawa ng kamalian.
Sa katunayan niyan, matagal na siya may nararamdaman kay Allen. Nag-umpisa iyon noong tumuntong siya ng Grade 7. Ito rin ang dahilan kung bakit pinatigil niya ang kagustuhan ni Allen na mayakap siya sa tuwi-tuwina. Hindi na kaya ng kaniyang puso ang ginagawang pagyakap nito. Sa tuwing ginagawa nila iyon, halos mapagod na ang puso niya kakatakbo gawa ng kilig. To avoid aggravating her feelings, she decided to distance herself from him little by little, subalit nang lumaon, siya rin ay nagsisi sa kaniyang desisyon.
Many people admired and surrounded Allen when he was a high school student. His good looks, elegance, academic excellence — even in sports — and positive outlook captivate all people, both male and female. Due to his popularity, Fresha found it difficult to approach him. Bihira na rin sila magkita o magsama hindi tulad noon. Gusto man niyang bisitahin si Allen sa mansyon, palagi naman siya nauunahan ng hiya at ilang sa binata. Nais din niya magtapat ng damdamin sa matalik na kaibigan, pero siya ay natatakot na baka tanggihan nito ang kaniyang pag-ibig. Ayaw niya na magkamalat ang matagal nilang pagkakaibigan kaya sa huli, kinimkim niya sa sarili ang pagmamahal kay Allen.
"Kainis talaga! Siya ang may kasalanan nito kaya ako nagkakaganito! Kung hindi niya ako pinapakilig, hindi ako ma-fo-fall nang sobra! Buwiset iyon!" bulong sa sarili, muli siya huminga nang malalim. Nang naikalma na niya ang sarili, lumabas na siya sa banyo.
Sa paglabas, nakita niya si Allen na nakatalikod sa kaniya. Ito ay nagliligpit ng kanilang kinain at ininom kanina.
While he was busy, Fresha observed Allen's beautiful and large physique. She leans against the wall and nods. "What does it feel like when that huge muscles hugs me? What if… What if hindi kami nag-stop sa palagi niya nire-request sa akin noon? E 'di… araw-araw ko nayayakap ang abs niya, gano'n? Tsk! Such a bummer!" isip niya, saka siya umiling. Pagkatapos, siya ay naglakad papunta sa binata at tinusok ang tagiliran nito gamit ang hintuturo niya. Agad naman din siya nilingunan. "Uwi na ako. Hatid mo ako, ah." She gave him a small smile.
"Definitely. Hindi rin kita hahayaan na mag-drive na lasing," tugon niya habang nakakunot ang noo nito.
Napangiti muli ni Allen si Fresha. Sunod na umupo ang dalaga sa sofa upang hintayin si Allen. Nang matapos ang binata sa kaniyang ginagawa, umalis na sila at hinatid si Fresha.
Sa paghatid ni Allen kay Fresha, nagpaalam na rin ang binata rito.
"What's the rush? Parang nagmamadali ka? Aalis ka na hindi nagha-hi kanila mommy?" pagtataka ni Fresha.
"Huwag na. Gabi na rin, baka… nagpapahinga na rin sila," sagot niya. "I'll go first. See you then."
Bago pa aalis si Allen, lumabas ng bahay si Trisha Salvador, ang ina ni Fresha, na nagmamadali. "Sabi ko na nga ba at ikaw itong nakita ko kanina. Hi, John!" She smiled and raised her hands in greeting. She longed to hug Allen again.
Sinalubungan naman ni Allen si Trisha at nakipag-beso-beso. "Hello, Tita Trish… Gabi na po, tita. Baka mahamugan pa kayo," pag-aalala niya. Ganoon na lamang ang pangamba niya sa babae sapagkat kilala niya ito sa pagiging mahina ang kalusugan. Madaling magkasakit si Trisha at mas lalo pa ito lumala nang ipinanganak nito ang bunsong anak.
"Oo nga pala." Saka niya tinalukbong ang tila gintong balabal na nakasabit sa kaniyang mga balikat. "Na-excite kasi ako no'ng nakita ko ulit ang napaka-pogi mong mukha." Bahagya niya pinisil ang mga braso nito. Siya ay namangha sa kaniyang nakapa at muli niya ito pinisil-pisil. "Akalain mo nga naman… Kaya ka ba hindi bumibisita sa amin dahil busy ka mag-work out?" natatawa niyang sambit.
Tumawa at umiling lang ang binata sa kaniya.
"Mi, naman," saway ni Fresha sa kaniyang ina. "Bitawan mo na po si Allen, mi. Baka malamog katawan niyan kakapisil mo."
Tinarayan ni Trisha ang anak. "Alam mo… kontrabida ka sa kasiyahan ko. Ngayon na nga lang ako nakahawak ng kalaking muscles, pinagdadamot mo pa."
"Hala siya! Nagtampo na!?" Hindi siya makapaniwala sa asal bata ng kaniyang ina.
"Naku, John… 'Wag mo na lang pansinin ito, ah… Kumain ka na ba?"
"Actually… katatapos lang po namin mag-merienda."
"Oh? Merienda lang iyon, hindi hapunan. Tamang tama, naghain na ako ng hapunan natin. Sasamahan mo kami, ah, sa hapunan. Maliwanag ba?" Hinawakan niya nang mahigpit si Allen at tinitigan niya nang mariin na may ngiti sa labi. Nabasa ng binata ang nais na marinig ni Trisha sa kaniya kung kaya walang ano-ano siyang sumang ayon dito. Natuwa at kinilig si Trisha sa sinagot nito at saka niya hinila si Allen papasok sa kanilang bahay.
"My gosh, mi! I'm your child! Not him!" inis na wika ni Fresha nang iniwan siya ng ina sa labas.
Meanwhile, when they were in the middle of their dinner, Hilbert Salvador, Fresha's father, arrived, and he happily joined them.
"It's nice to have you here, John Allen. It's been a long time since we've seen you. So… what's the plan? Kailan na kasal ninyo ni Fresha?" he said this cheerfully as he cut his steak.
Sa kaniyang tanong, napaubo at nasamid sa kinakain si Fresha. Agad din siya uminom ng tubig. "Di!? What the hell!? Why did you say that!?"
Sa sobrang lakas ng sigaw ni Fresha, ang bunsong kapatid na si Francis na isang taon pa lang ay lubos na nagulat sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata nito na nakatitig sa ate na maya-maya pa ay pinagtawanan niya ito. Kasabay niyon ang pagwasiwas sa hawak na kutsara na may mga debris pa ng pagkain. Natuwa naman sina Trisha at Allen sa bata.
"Aba'y bakit? Hindi ba ito ang rason kaya nandito si John? Para hingin ang blessing namin na pakasalan ka? Honey?" Saka siya tumingin sa kaniyang asawa. "Mali ba ako?"
"Gosh… I hope not!" buntong hininga niyang tugon habang inaasikaso ang bunsong anak na si Francis. Binalin ni Trisha ang kaniyang atensyon kanina Allen at Fresha at tinaasan ng isang kilay.
"Mi! Di! I told you! We're just friends! Iyon lang! That's all!" depensa ni Fresha. Hindi pa rin naniniwala ang kaniyang mga magulang na kaibigan lamang ang relasyong meron sa kanila. "My gosh… Sabi na nga ba parang may something ako naamoy kanina no'ng kinaladkad mo po si Allen dito."
"Umm… Tita, tito? Please stop teasing us. You make Isha uncomfortable," singit ni Allen, saka siya tumingin sa dalaga upang iabot ang tissue. "May… something ka pa rito." Tinuro niya kay Fresha ang kanin na nakadikit sa tabi ng labi nito. Agad din siyang sinunod nito. Napansin niya ang pagkamula ng mga pisngi nito. "Cute," isip niya, siya ay tipid na ngumiti.
"Friends daw. Ay sus… Kami pa lokohin niyo," masungit na usap ni Trisha habang nakatingin sa dalawa na para bang naghaharutan sa harapan nila.
Napakamot naman ng batok si Hilbert, unsure whether his suspicions were right. Trisha looked at him and sneered. In her eyes, the husband seems like a cute puppy that is oblivious to everything. Trisha couldn't stop pinching Hilbert's cheek. Pagkatapos, she laughed at him.
He was hurt and shocked by what his wife did. He stroked his own cheek and asked, "What was that for?" habang nakanguso.
"Itong dalawa kasi na ito, nakakagigil," panggigigil niyang tugon na muli niya pinisil ang pisngi ni Hilbert. As a result, he screamed at maluha-luha siya sa ginagawa ng asawa. Kaniya muling pinagtawanan si Hilbert.
Because of the couple's romantic atmosphere, halos hindi makakain nang maayos si Fresha. Kahit araw-araw niya nakikita ang pagiging malambing ng magulang, hindi pa rin siya sanay. Uminom na lamang siya ng tubig.
Maya-maya pa ay bahagya siyang sumilip kay Allen. Nakita niya ang ngiti nito habang kumakain at pinapanood ang mag-asawa. Hindi niya mapigilan na humanga sa guwapong ngiti nito. Napalalim pa siya ng titig sa labi ni Allen habang ito ay kumakain. Allen's every move looks sexy to her, as if she wants to taste the young man's lips habang pinagmamasdan niya ito.
She returned to reality when she heard her little brother's loud giggles. She coughed to clear her throat so she could continue eating.
Malalim na rin ang gabi nang mapansin na nila ang oras. Masyado sila nalibang sa kuwentuhan at paglalaro na matagal-tagal ding hindi nila nagawa.
Nang oras na iyon, pilit na hindi pinapaalis ni Trisha si Allen. Subalit siya rin ay napapayag nang ginamitan ni Allen ng matatamis na salita at ngiti ito. Bahagyang kinilig ang ina na nauwi na naman sa pagpilit niya na ikasal na sina Fresha at Allen. Muling nainis si Fresha sa ina, ngunit kahit na ganoon, siya rin ay nasisiyahan sa pangungulit nito. Kaniya lamang tinatago ang tunay niyang damdamin. On the other hand, tanging ngiti at tawa lamang ang naging tugon ni Allen. Nang dahil doon, naisip ni Fresha na wala talagang nararamdaman ang kaibigan sa kaniya. Kumirot ang kaniyang dibdib.
"Okay na, mi. Uuwi na po si Allen. Sige na," pigil ni Fresha. Kaniyang hinawakan ang kamay ni Allen at hinila na ito papunta sa gate. Nang sila ay nakarating sa kotse, bumuntong siya ng hininga. "Ako na mag-so-sorry sa kulit ni mommy. Alam mo naman…"
He chuckled. "Yeah. She didn't change at all. Don't worry, it's fine. Sanay na rin ako sa pamilya mo. Ang mas nabigla ako ay kay Francis. Ang laki na niya. Ilang taon na ba ulit siya?"
"Magto-two na this next month. Attend ka sa birthday niya, ah. Lagot ka sa akin kapag 'di ka sumipot." She glared at him. Sumang-ayon si Allen sa kaniya na nananatili ang kaniyang ngiti. "Sige na, ba-bush na. Ingat ka," paalam niya at kinawayan niya ito. Siya ay nananatili sa labas hanggang sa tuluyan na nakaalis ang kotse ni Allen.
Sa pag-alis ng binata, napahawak siya sa kaniyang dibdib habang nakatingin sa direksyon na tinunguhan ni Allen. Nakaramdam siya ng paninikip sa dibdib nang maalala niya ang naging reaksyon nito kanina habang pinag-uusapan ang kasal.
"Wala talaga siyang balak, huh? Walang ka-react-react? Understandable naman since… since wala siyang feelings sa akin… Sa tagal ng friendship namin, hindi siya nakaramdam miski puppy love lang? Unlovable ba ako?" she whispered with a lonely tone. Bumalik na rin siya sa loob nang makaramdam siya ng lamig.
On the other hand, while Allen was driving, he received a call from his burner phone. Sa oras na nakatatanggap siya ng tawag mula doon, nag-iiba ang kaniyang timpla.
Mabilis niya itinabi ang kotse bago niya ito sagutin. Pagkapindot, "Boss, nahanap na po namin siya," ang kaniyang narinig. Isang lalaking may malalim na boses ang sumagot sa kaniya mula sa kabilang linya.
His poker face hasn't changed. He didn't say anything to the other man. Agad niya ito pinatayan at saka niya pinaharurot ang kotse papunta sa isang lugar na iilan lang ang nakakaalam at kayang makapasok. At sa oras na ikaw ay nakapasok, wala ka ng pagkakataon upang makalabas pa ng buhay.