3. MUSE

2978 Words
Allen stayed in the mansion for a few days. During those days, Jin Jr. was trying to be close to his brother. Dahan-dahan niya ina-approach si Allen, nagbabakasakali na umayos ang kanilang pagsasama. Napuna iyon ng kaniyang kuya, subalit hindi na lamang niya masyadong pinagtuunan ng pansin ang kapatid since he got a lot of time to spend with their mother every time na ginagawa niya iyon. After a few days, Allen decided to continue the sculpting he had been putting off. He bid them farewell and returned to his workshop. "Sayang! Gusto ko pa mag-stay ka, kuya," nakangusong bulong ni Jin Jr. sa kapatid. Bahagyang napangiti si Allen dito at malakas niyang pinisil ang matangos nitong ilong. "Aray naman, kuya! Masakit!" reklamo niya. Agad din niya hinawakan ang namumulang ilong. "You said that as if I was going to another country. Diyan lang ako — ang lapit lang." "E kasi naman, kuya… Ayaw mo kasi magpapasok sa workshop mo. Kahit malapit, wala akong lakas na loob para, ano… you know, para puntahan ka." "It's good that you're aware, but… kung magpapaalam ka before entering my place, I might make an exception." He gave him a small smile. Muling nagningning ang mga kayumangging mata ng bunsong kapatid at aakmang yayakapin si Allen sa galak. Mabilis naman siya nabasa nito at iniwasan na muntikan na nito ikatumba. Nilingunan naman ni Jin Jr. ang kuya at ngumisi. His eyes showed a determination to hug his brother kung kaya inulit niya ang pag-atake. Ilang segundo rin silang naglalaro(?) sa labas ng mansyon. Natigilan lang sila nang bumalik na ang kanilang ina at sila ay sinaway. "Tumigil na nga kayo sa paglalaro ninyo! Haist! Para pa rin kayong mga bata!" "We're not playing, mom," Allen remarked. "Ewan sa inyo– oh, ito, Allen! Dalhin mo! Sapat na siguro iyan para 'di ka magutom!" usap ni Maxine, Thereafter, she gave her eldest son a large bag of her home-cooked meals. "M-Mom?" Napalunok siya, hindi niya matukoy kung makakaya ba niyang ubusin ang mga binigay, ganoon na rin ang lasa ng pagkain. "Nag-abala ka pa." "Aba, dapat lang! Hmph! Anyway, good luck ulit, anak... Always remember na nandito kami para suportahan ka sa pangarap mo… I love yo," malambing niyang wika habang hinahaplos ang mga braso nito. Allen let out a sigh of relief as he smiled lightly at his mother. When Jin Jr. noticed the lovely atmosphere, he took advantage of the opportunity to hug his brother. "Group hug!" he joyfully said at saka niya niyakap ang kaniyang pamilya. With a big bright smile on his face, he hugged the two people he loved and cared about the most. Binalikan naman siya ng yakap ng ina at hinalikan silang magkapatid. Sa pagkakataon iyon, tinanggap na ni Allen ang pagkatalo sa kapatid at binalikan din niya ito ng yakap. After a few seconds, bumitaw na ang kanilang ina, samantala nananatili pa ring nakayakap si Jin Jr. sa kuya na nakapikit. Maxine giggled softly at her children. She saw how much her two sons adored one another. Meanwhile, nakaramdam na ng yamot si Allen sa kapatid. Tinapik-tapik niya ito upang siya ay bitawan, pero tiningnan lamang siya nito at ngumisi. "Jin. Fajardo. Jr.," he sternly called. Bakas sa tono ng pananalita nito na siya ay nanggigigil sa ginagawa ng kapatid. Agad din siya nitong binitawan na nakangisi. Pagkatapos, umiling at kumaway na siya sa dalawa upang magpaalam. Kasunod niyon ay pumasok na siya sa kaniyang itim na kotse. Mahigit kalahating oras din ang binayahe niya para makarating sa kaniyang workshop. He eventually went straight to the kitchen to store his mother's home-cooked meals pagkapasok niya. As a result, he didn't even notice the woman who had been waiting for him on the long sofa. Nanatili namang tahimik ang babae habang pinagmamasdan si Allen hanggang sa magkasalubong ang kanilang mga mata. "I-Isha?" gulat na tawag ni Allen sa nakababatang kapatid. "It's nice naman na tanda mo pa ako," mataray niyang sambit, sabay siyang tumayo at dahan-dahan na naglakad palapit sa binata. "You didn't inform me about this, Allen. I'm just a little disappointed when I realized, late ko na nalaman ito. Ako na bestfriend mo, walang kaalam-alam about sa workshop and sa plano mo? My gosh…" Huminto na siya sa paglalakad nang nakalapit na siya sa binata. "I thought… nangako tayo na wala tayong secret sa isa't isa? Almost everything na nga nangyayari sa akin, na-she-share ko sa iyo, and then, this is how you repay me? Unbelievable." She raised her head to get a better look at Allen's face and glared at him. "I'm… sorry, Isha. Nawala sa isip ko. I was busy lately. Sorry," his excuse. She sighed. "Next time," saka niya pinindot ang ilong ng binata, "magsabi ka sa akin. Kung hindi ko pa tinanong si Tita Maxine about you, hindi ko pa ito malalaman." Nilihis na niya ang kaniyang tingin at muling pinagmasdan ang loob. "In fairness maganda ang napili mong place." Nag-umpisa na siyang maglakad upang maggala sa loob ng workshop. "Malawak ang loob, kasyang kasya talaga ang malaki mong artworks, especially that thing." Saka niya tinuro ang higanteng marmol na itim. Sa laki nito ay tila kasing taas at laki na ng puno ng akasya. "Mukhang… hindi basta-basta ang gagawin mo, ah. May ipapakita ka na naman bang pasabog sa amin just like you did last time? Nang dahil sa sobrang realistic and unique art style na pinakita mo noon, halos matanggalan ng mga panga ang judges sa iyo. What was your piece's title back then? I forgot kasi." Sunod niya ito nilingunan na nakangisi. "Dengel - a devil with a more benevolent heart than an angel," he quickly replied. "Oo nga pala. Dengel nga pala name niyon. Sa sobrang lame, nakalimutan ko agad." Then she chuckled after she mocked her friend. "Ewan ko ba kung ano ma-fi-feel ko that time since ginamit mo ang mukha ko sa artwork mo." He furrowed his eyebrows. "I asked you before if you could be my muse, and you agreed. I thought you liked it. I recall how happy you were no'ng nanalo ako at sinabi ko sa buong mundo na ikaw ang inspirasyon ko sa artwork ko." "Yeah, I admit I was happy. That is also a great achievement na nangyari sa isang tao. Because of that, you became famous all over the world, especially among women. I bet may fan club ka na rin." She smirked. "And besides, sino ba naman ang hindi magiging masaya sa ginawa mo? Nadamay ako sa kasikatan mo and because of that, nagka-gain ako ng support sa mga investor — naging smooth ang mga business transaction namin. But… I didn't think na gagawin mo akong devil, demonyo ka." Sinamaan niya ito ng tingin. "Inspiration my ass! Gusto mo lang ako inisin! Revenge mo iyon dahil hindi kita sinama noong nagkaroon ng team building ang company ko last time." "Hmm… More or less." Binigyan niya ang dalaga ng inosenteng ngiti na lalo pa nagpainis kay Fresha. Napabuntong na lamang siya ng hininga sa asal bata ni Allen. She didn't fully believe that using her face in artwork and turning into a devil for a big competition held in Italy was just retaliation of Allen for not allowing him to join in her company's team building in Boracay. "Asal bata pa rin," isip ni Fresha. "Kumain ka na ba?" pag-iibang usapan ni Allen. Huminga nang malalim si Fresha bago niya ito sagutin. "Yeah, kumain talaga ako para… samahan kitang uminom ng alak. How about you? Kumain ka na?" "'Uminom'? Wait, Isha. What do you mean by that?" pagtataka niya. He pondered whether he had invited his childhood friend to his place to drink alcohol, ngunit kahit anong pag-iisip niya, wala siyang maalala na ginawa niya iyon. "Yup! Iinom tayo. Kahit buwiset na buwiset ako sa iyo, sasamahan kita i-celebrate ang pagbubukod and also sa new career mo." Napansin naman niya na nananatiling tulala ang binata. "Ano pa tinutunganga mo? Bilisan mo na, Allen! Nangangati na lalamunan ko! Gusto ko na uminom!" Umupo siya sa pahabang sofa at hinihintay na kumilos ang binata. Sinunod ni Allen ang utos ng dalaga. Kinuha niya ang dalawang can of beers at kumuha na rin ng mangunguya. Pagkalapag niya sa mesa, tinaasan siya ng isang kilay ni Fresha. "What's that? Bakit dalawa lang kinuha mo?" she asked, snobbishly. "Tig-isa tayo," kibit-balikat niyang sagot. "Anong tig-isa? Gusto mo ba talaga tamaan, ha?" Bumuntong ng hininga ang dalaga. "Kumuha ka pa nang marami, magwawalwal tayo ngayon." Sunod niya kinuha ang isang lata ng alak at saka niya ito binuksan. "Isa lang, Isha. Ayokong malasing ka. Baka… pagalitan ako ng parents mo at ni Tita Erica 'pag nalaman niya about dito." "Hindi nila malalaman kung hindi ka magsusumbong. At bakit? May balak ka bang isumbong ako?" Inumpisahan na niyang inumin ang alak. He let out a sigh. "Tell me why you're trying to get drunk right now, Isha… About na naman ba ito sa company ninyo?" "Hmm… Nakuha mo!" Sabay niya ito kinindatan. Halos mahigit isang minuto rin siyang naging tahimik bago niya sabihin ang kaniyang saloobin. "The truth is… masyado ako nagmayabang sa kanila na kaya ko i-manage ang company. You can't blame me naman for acting that way, since I received a lot of compliments when we were still young dahil nga… genius(?) daw ako. Genius ako sa ganito, ganiyan, na… hindi ko namalayan na masyado lang pala ako advance sa kaedaran ko. "Pft! Genius my ass! Hindi talaga ako totally genius or… great na sinasabi nila to handle our company. And now, na nasa actual field na ako… Ewan na. Nakailang beses na akong pumalpak at last time pa nga, muntikan ko pa ma-bankrupt company namin. f**k! I almost lose it! Mabuti na lang, napapayag ko ang isang investor na mag-invest sa amin. "Whoo! Grabe… Grabe pala manampal ni reality, 'no? Sa lakas ng sampal, nagising ako sa katotohanan na… ang hina-hina ko pa… that I am not as competent as I had imagined." Nag-umpisa nang tumulo ang mga luha niya. "You know what, Allen? I actually want to quit, but… if I did that, my parents and Tita Erica would be truly disappointed in me. Ayokong… mangyari iyon. Ayokong ma-disappoint ko sila, Allen, and you know this… Nagbitaw na rin kasi ako ng pangako sa kanila. I'm sure… ma-o-offend ko sila kung bibigay na lang ako basta-basta." Uminom muli siya ng alak as she told her story. She exhaled a sigh of relief after she was done. She later felt his best friend's finger on her cheek, wiping her tears away. Fresha could tell Allen cared about her. "If you need help, just make a request, Isha. I will go out of my way to support you," malambing niyang usap habang dahan-dahan niya pinupunasan ang mga luha nito. "Pft! Ano naman ang gagawin mo? Gagawa ka ng sculpture sa company?" natatawa niyang sambit at saka siya umiling. "Nah… I got this! Nag-drama lang talaga ako kanina to, you know, release my stress. Sunod-sunod kasi ako binibigyan ng stress. Argh… Kapagod. Anyway, thank you pa rin for listening and comforting me," masaya niyang sambit at kinuha ang isa pang alak para inumin. "I acknowledge how strong you are, Isha. I also believe na… malalagpasan mo ang lahat ng mga problemang dumating sa iyo. Ikaw kaya ang isa sa pi~nakamalakas na babaeng nakilala ko. But if you think you can't handle it anymore, just say so. Handa naman akong tulungan ka." Muling napangiti at gumaan ang loob ng dalaga sa sinabi ni Allen. "And one more thing, akin iyan. I told you before, isa lang ang iinumin mo." She sneered. "Huh? Did you say something?" She opened the beer can while she pretended not to hear what Allen said. "Para kasing… may narinig akong something kaso lumabas lang sa kabila kong tainga." Saka na niya tinungga ang alak. Napahilot na lamang sa sentido si Allen nang dahil sa katigasan ng ulo ng dalaga. Sa maghapon na iyon, naging maayos at masaya ang kanilang maliit na selebrasyon. May kuwentuhan at kulitan na matagal-tagal din nila hindi nagawa dahil sa komplikado nilang schedule. "Hmm… Na-miss ko 'to. Iba na talaga kapag… tumatanda na," nakangiting wika ni Fresha. Kasakukuyan siyang nakasandal sa sofa at nakapikit na ang mga mata niya. Bakas sa kaniya na umeepekto na ang tama ng alak sa kaniya. "Parang dati… ang tanging ginagawa natin is, ano… laro lang. There's a time pa nga na napagalitan pa tayo ng parents natin dahil tumakas tayo para lang maglaro… Tanda mo pa ba iyon?" "Yeah… Grade 2 pa lang ako noon tapos ikaw, Grade 3 na. Kung sino pa ang matanda, siya pa ang pasimuno ng gulo," napapailing niyang tugon na kinatuwa ni Fresha. Gaya rin ng kaibigan, siya rin ay pahigang nakasandal sa sofa. "Ang tagal na pala nating magkasama… Ang tagal ko rin tiniis ang ugali mo," he jest. "Sira!" Mahina niyang sinuntok ang binata. "Pero aminin mo, masaya iyong ulit-ulitin… Masaya ring maging rebelde paminsan-minsan." Sabay silang tumawa. "Hmm… Kung hindi lang talaga kita kilala, baka isipin ko crush mo ako kaya palagi mo ako sinusundan. Aminin mo, love mo ako, 'no?" biro niya, saka siya bumingisngis at tumingin sa binata. Nilingunan naman ni Allen ang dalaga at seryoso niya itong tiningnan. Naging tahimik si Allen ng mga ilang segundo na nagpakaba sa dalaga. At nang aakmang sasagutin na niya ito ng "Hindi ko alam," bigla na lamang siya pinutol ni Fresha kung kaya tanging "Hin–" lang ang kaniyang nasabi. "Hay, naku! Naiihi na ako! Nasaan ba iyong ano mo, iyong CR?" pasigaw niyang tanong. Tinuro naman ni Allen kung saan iyon. Ningitian ni Fresha ang binata bilang pasasalamat at saka pumasok. Huminga nang malalim si Allen at sumandal muli sa sofa. Kaniyang pinag-iisipan ang nararamdaman niya sa dalaga. The truth is, he has had feelings for Fresha ever since, ngunit hindi niya matukoy kung pag-ibig nga maituturing ang kaniyang nararamdaman. He feels better and finds inner peace whenever he is with her. Tila ba si Fresha ang naging pahingahan ni Allen sa magulo at maingay niyang mundo. His feelings began when he entered Grade 2. That's also the time he reconnected with her. "Hi! Gusto mo candy?" alok ng batang nagngangalang Fresha sa isang batang lalaki na malungkot at tahimik na nakaupo sa tabi. Ang batang lalaki na iyon ay wala ng iba kung hindi siya. Tumingala si Allen upang makita ang babaeng lumapit sa kaniya. He recognized the girl after looking at her face for a long time. Even for a brief moment, he remembered Fresha when their families happened to meet at a restaurant noong matagal na panahon. Dahan-dahan niya kinuha ang candy. Kahit hindi mahilig sa matamis, kinuha pa rin niya iyon out of respect. "Oh no, Fresha! Stay away from him! He's a freak!" sigaw ng isang batang lalaki sa kaniya. Because of what the boy said, Allen was hurt and wanted to cry, but he just suppressed his feelings. He doesn't want to get into trouble at school in order to avoid upsetting his mother. Fresha noticed Allen's watery eyes and hurtful face. She frowned and glared at the boy who had insulted him. "Hoy! Ang bad mo! Ikaw kaya ang freak! Mas freak ka pa compare sa kaniya! Mas pogi pa nga siya kaysa sa iyo, eh! Baboy! Tabachingching! Bleh!" pabalik niyang insulto sa lalaki. Natawa ang mga nakarinig sa kaniya. Ginaya naman ng mga batang nakarinig ang pang-insulto ni Fresha sa bata at pinagtawanan na rin. Patakbong umalis ang bata nang dahil sa inis at hiyang naramdaman. Nang makita niya ang pag-alis nito, she felt relieved and winked at Allen. Nang mga oras na iyon, humanga si Allen kay Fresha at tila naging sisiw na siya sa batang babae na palagi nakasunod sa inahin. Ilang beses na rin siya pinagtanggol ni Fresha sa mga umaaway sa kaniya. Siya ay inaaway dahil sa kakaibang katahimikan at hindi approachable na tao. They became even closer when they attended Leslie's birthday, who is Allen's godmother; meanwhile, Leslie is in a relationship with Fresha's aunt, named Erica. That's the start na nakararamdam na si Allen kay Fresha. Bukod kasi sa palagian din na pagprotekta sa kaniya sa mga bully, siya rin ang palagi niya nasasandalan sa oras na hindi siya pinagtutuunan ng pansin ng kaniyang ina. Palagi siya tumatakbo kay Fresha at humihingi ng pabor kung maaari ba siyang makahingi ng yakap sa babae. Sa oras na siya ay malungkot o galit, ang mainit na yakap ni Fresha ang palagi niya hinahanap sa tuwi-tuwina. Walang ano-ano namang pinagbibigyan nito si Allen hanggang sa naging routine na nila ito. Huminto lamang sila nang tumuntong na si Fresha ng Grade 7. "Umm, Allen, ano kasi… P'wede bang stop na natin ito?" naiilang na request ni Fresha. "Ang alin?" He was dumbfounded. "Iyong– alam mo na. Iyong yakap-yakap natin. Ano kasi… I'm feeling weird na kasi kapag ginagawa natin iyon. Maybe noong maliliit pa lang tayo, okay pa, but now? I don't think na carry ko pa." Nais mang tumutol si Allen kay Fresha, pero ayaw niya na magalit ito sa kaniya. Ngumiti na lamang siya at sumang-ayon sa kagustuhan ng dalaga. Nasaksihan niya ang matamis nitong ngiti na nagpagaan ng pakiramdam ni Allen. "But, obviously, hindi pa rin magbabago ang friendship natin, okay? If need mo ng help to cope your sadness, I'm always here naman to help you. I'm your best friend, after all," masaya niyang sambit kay Allen at saka niya ito kininditan. Gaya ng sinabi noon ni Fresha, hindi nagbago ang kanilang relasyon. Naging magkaibigan pa rin sila nang buo hanggang sa kasalukuyan. "Love, huh? Love…" bulong ni Allen habang kasalukuyan siyang nakatingala. Kaniyang pinag-iisipan ang sinabi ni Fresha kung mahal ba niya ang dalaga habang pinagmamasdan ang mahabang elesi na umiikot sa kaniyang ceiling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD