2. PAST

2733 Words
Buong araw din namalagi si Allen sa kaniyang workshop para tapusin ang mga gawa niya. Sa limang araw din na pagtatrabaho, nakalikha siya ng human-sized female sculpture out of a combination of black and gold marble. He carefully covered it with a clean, black blanket para hindi kapitan ng kahit anong dumi. After that, he showered and dressed before heading to the mansion. Sa kaniyang pag-uwi, siya ay tumungo sa isang silid sa first floor. Tiyak niya na maabutan niya roon ang kaniyang ina. Sa pagpasok, hindi nga siya nagkamali. He clarified that inside that room, his mother was there, sitting in the center while painting. He approached her slowly and gave her a quick peck on the cheek. "Hi, mom," he cheerfully greeted. "Kaloka! Ginulat mo naman ako," natatawa niyang usap. Umiling na lamang siya at binalik ang tuon sa kaniyang ginagawa. "Kumusta naman ang mga obra mo? Okay naman ba? Hindi ka naman ba nagkaroon ng problema?" "Okay naman, mom. Since kaka-start ko pa lang last week, medyo… hindi ko pa masyado gamay ang paggawa. Pero may natapos na rin akong isa. If you want, you can check it out." Bakas sa kaniyang mukha ang pagkasabik nang siya ay nagkuwento. "Sure! Siguraduhin mo na maganda iyan, ah, tulad dati o higit pa… Magtatampo talaga ako kapag hindi," biro niya at saka siya bumungisngis. "Maiba nga tayo… About sa college mo… Sure ka na ba na ayaw mo itong ituloy? Sayang naman kasi kung hihinto ka." Siya ay huminto sa kaniyang pagpinta at nilingunan niya ang anak na may pangamba. "Don't worry, mom. I got this. Nag-aral lang naman ako para magkaroon ako ng knowledge and also skill sa sculpting. And since… sinabi na rin ng prof ko na wala na siyang matuturo sa akin because your son, me, is a genius, I decided na mag-stop." "Lokong bata. Nasabihan ka lang ng genius… naging arogante ka na." Siya ay umiling at natawa muli. "Manang mana ka talaga sa pinagmanahan mo." "Maybe…?" He chuckled. "And besides, mom, matagal ko rin ito pinag-isipan. Gusto ko kasi sundan ang yapak mo. I want to become famous and have a gallery where I can display my sculptures just like you did. And I'm certain… this is the right time to make it happen. Promise me na nandoon ka sa oras na natupad ko ang pangarap ko, okay?" "Of course naman, anak. Promise ko iyan sa iyo," masaya niyang tugon. Allen exhaled a sigh of relief as he heard his mom's answer. Sa tuwing kasama at nakakausap niya ang pinakamamahal niyang ina, sobra-sobrang saya ang nararamdaman niya. However, that happiness vanished when his younger brother came home. Napansin ni Allen ang paglihis ng tingin ng ina sa kaniya at mas lalong lumaki ang ngiti nito kumpara kanina nang makita ang bunsong kapatid. "Jin!" masayang tawag nito sa bunsong kapatid na nasa likuran niya. Maxine dashed to her son, who was standing right in front of the room's door. "Hay, naku, oh-oh! Tingnan mo, pawis na pawis ka na! Pinupunasan mo ba mga pawis mo, ha? Baka nagpapatuyo ka lang ng pawis, ah! Naku naman! Kahit kailan talaga, oh-oh!" pag-aalala niya rito habang pinupunasan ang likuran ng anak. "Mi, naman… 'Di na ako baby. Kaya ko na sarili ko," inis na reklamo ni Jin Jr. sa kaniyang ina. Pilit naman niya iniiwas ang sarili sa ina. Subalit patuloy naman siya pinupunasan nito na lalong nagpayamot sa kaniya. Jin Fajardo Jr. is the youngest son of Jin Fajardo and Maxine Gonzales. Isa siyang high school student and he is famous at his school for being an exceptional soccer player kung kaya pawis na pawis at halos gabihin na rin siyang umuwi dahil na rin sa palagian nilang pag-eensayo. Nang dahil doon, labis na nangamba si Maxine sa kaniyang anak, lalo na kapag uuwi ito. Sa kaniyang pag-aalala, naisipan niyang mag-hire ng driver para dito. At first, tutol si Jin Jr. sa kagustuhan ng ina na may maghatid-sundo sa kaniya. Agaw atensyon din kasi ang pagkakaroon ng driver sa kaniyang paaralan, ngunit hindi naman niya kayang salungatin ang ina. Sa huli ay napilitan siyang ihatid-sundo ng kaniyang driver saan man siyang magtungo at halos bantay-sarado rin siya nito. Bukod sa pagiging driver, Mr. Warren, his driver, also serves as his bodyguard at palagi rin nito inuulat ang mga activity ni Jin Jr. sa kaniyang amo. Halos masakal na rin siya sa pagiging mahigpit nito, ngunit wala naman siyang lakas na loob upang suwayin si Maxine. Subalit sa kabila ng kaniyang nararamdaman, nakaramdam din siya ng kaginhawaan nang nagkaroon siya ng bodyguard. He got an assurance that he would be safe at all times, particularly when he was with Allen. That is because he is terrified of his brother. Nag-start ang pagkatakot niya noong sila ay maliliit pa lamang. Five years old pa lang noon si Jin Jr. samantala ten years old naman si Allen nang tinangkang paslangin ni Allen ang kapatid. Noong mga panahon na iyon, niyaya ni Allen ang kapatid na maglaro sa bundok na malapit sa mansyon na kanilang tinitirhan. Agad na sumama si Jin Jr. sa kuya at sobra pa niya noong masaya sapagkat unang beses siyang niyaya ng kapatid na maglaro. Lubos na mahal ni Jin Jr. ang kapatid na si Allen at nais niya makipaglaro rito. Halos ginawa na niya ang lahat upang pansinin at makipaglaro siya sa kapatid, ngunit palagi siya nito tinataboy. At noong niyaya siya for the first time, labis na galak ang naramdaman niya na kahit pinagbawalan sila ng kanilang ina na huwag maglaro sa bundok na iyon, agad siyang sumama. As they walked towards the mountain, the innocent Jin Jr. was oblivious of his fate at the time. "Junior, halika… May ipapakita ako sa iyo," Allen joyfully invited his younger brother. Siya ay nakatayo noon sa gilid ng cliff at nakangiti niya inilahad ang kamay. "Okay, kuya!" Sa sobrang sabik, patakbo niya inabot ang kamay ni Allen. Nang makarating ang kapatid sa kaniya, siya ay ngumisi at tumingin sa ilalim ng bangin. "Junior, do you love your Kuya?" Mabilis na tumango ang kapatid na ikinangiti niya. "Then… puwede mo bang kunin iyon sa akin?" Sabay turo sa isang bulaklak na kulay pula sa gilid ng bangin na malayo-layo sa kinatatayuan nila. "The truth is… that's my favourite flower. I'm planning to display it in my room, pero… although I want to get it, the problem is hindi ko naman ito maabot," malungkot niyang saad. Nang dahil sa narinig, nagningning ang mga maliliit na mata ng paslit. Siya ay nagkaroon ng pagkakataon upang makuha ang loob ng minamahal niyang kuya sa pamamagitan ng pagkuha ng bulaklak sa gilid ng bangin. "'Wag ka worry, kuya! Ako kukuha ng flower para happy ka!" he eagerly said at nagmadaling dumungaw upang abutin ang bulaklak. Siya ay determinadong makuha ang bulaklak upang sa ganoon, maging masaya ang kaniyang kapatid. Nang mga oras din niyon, hindi na napigilan ni Allen ang hindi ngumiti. He smiled mischievously, and then he pushed his younger brother off the cliff. Sa huling sandali bago tuluyang mahulog si Jin Jr., nasaksihan niya ang nakakatakot na ngiti ng kuya na tunay siyang nangilabot. That smile is the last thing he saw bago siya tuluyang mahulog at mawalan ng malay. Sa kaniyang paggising, una niyang nasilayan ang ina at mga taong malalapit sa kaniya na lumuluha sa saya nang makita siyang gising. Siya ay umiyak at nais na sabihin ang salitang "Mommy," ng mga oras na iyon, ngunit tanging mahinang ungol at pagpatak lang ng luha ang nagawa niya nang dahil na rin sa ilang araw niyang walang malay. Sa mga araw na iyon, natuyo ang lalamunan niya na nagresulta ng hindi niya pagsalita. "Junior… mabuti at maayos ka na." Isang tinig na nagpatindig ng mga balahibo ng paslit. Halos hindi siya makahinga nang maayos noong makita niya ang kaniyang kuya na nakangiti at tila umiiyak sa saya. Subalit kahit ito ay nakangiti, naramdaman niya ang ngiti na iyon ay isang peke lamang upang takpan ang tunay nitong nararamdaman. Sunod din siya niyakap nang mahigpit at siya ay binulungan. "Mahal mo si Kuya, right? If you truly love me, you will remain silent. Hindi mo sasabihin ang totoong nangyari, maliwanag ba?" diin niya na may tonong pagbabanta. Pagkasabi ay inalis na niya ang kaniyang yakap sa kapatid. "I love you, Junior, I'm so grateful that you're okay." At saka niya ito hinalikan sa pisngi. Siya ay tumango na may naramdamang takot. Kahit alam niya na muntikan na siyang mapaslang ng kapatid, sinunod pa rin niya ang kaniyang kuya gawa ng pagmamahal niya rito. Ganoon kalaki ang pagmamahal ni Jin Jr. kay Allen na nananatili pa rin hanggang sa kasalukuyang panahon. Mga ilang sandali pa ay napatingin si Jin Jr. sa direksyon ni Allen. Halos hindi siya makahinga at namutla rin siya nang makita niya ang panganay na kapatid gawa ng takot. Takot sa maaari nitong gawin sa kaniya, lalo na't nakita niya muli ang panlilisik ng mga mata nito na halos mapatay na siya ng mga tingin nito. Mabilis naman niya nabasa ang kuya — ang dahilan ng nakakatakot na tingin nito — kung kaya mabilis siyang lumayo sa ina at nagpaalam. "Sige na, mi! A-Akyat na ako… Papalit na ako ng damit!" May halong kaba siyang nagpaalam at saka kumaripas ng takbo. "Problema ng batang iyon? Ba't bigla na lang namutla? Baka naman pagod at puyat kaka-soccer niya. Mas mabuti siguro kung bawasan na niya ang soccer-soccer na iyan," buntong hininga niyang sambit. Kasunod niyon ay nilingunan niya si Allen. Sa oras na iyon, isang inosenteng ngiti ang nakita niya sa anak. "Anak, kumain ka na ba?" "Not yet." "Halata naman… Parang namayat ka nga, eh. Magtapat ka nga sa akin, sa almost one week kang wala rito, kumakain ka naman ba? Baka puro sculpting-sculpting na lang ang inaatupag mo at hindi ka na kumakain, ah… Sinasabi ko sa iyo: kapag napabayaan mo ang kalusugan mo dahil diyan– naku! Tigilan mo na iyan. Imbes na mag-sculpting, ikaw na lang mag-manage ng mga business ng Dad mo. Doon, nakaupo ka lang at nagtitipa ka lang kumpara diyan na parang nagkakayod ka ng bato," inis niyang usap. Naglakad palapit si Allen sa kaniyang ina at saka niya ito niyakap na may ngiti sa labi. "Si Mommy naman, oh… Nila-lang mo ang pag-manage ng business? Hindi basta-basta ang trabaho na iyon, mom. Mas nanaisin ko pa ang 'pagkayod sa bato' compare sa maging CEO," paliwanag niya. "Mas lalo lang ako mamamayat if I take control all of his business, mom. And besides, what's the point of hiring managers and CEOs kung gusto ko rin pala i-manage ang business ni Dad?" After he said his point, he kissed his mom on the cheek. "'I love you' lang naman ang sasabihin mo, mom, ang dami mo pa sinabi." Saka siya naglakad patungo sa kusina. "Ako na magluluto. Gusto ko kasi masarap ang hapunan natin." "Aba! So sinasabi mo na 'di ako masarap magluto, gano'n ba, ha!? Ikaw talaga… Pareho kayo ng ama mo!" Sa inis ay padabog niya sinundan ang anak at umupo sa tapat ng counter. Kahit siya ay nainis dito, pinanood at hinayaan niya si Allen na magluto. Inaamin naman din niya na mas magaling at masarap na magluto ang panganay na anak kumpara sa kaniya. At isa pa, na-miss din niya ang luto ng anak na matagal-tagal ding wala sa kaniyang piling dahil sa pangarap nitong maging famous sculptor. Bago magluto si Allen, hinubad nito ang suot na gray jacket at nilapag sa tabi. Napalunok at nailang ang ina nang makita niya ang malaking paso sa braso nito. Muli bumalik sa kaniyang alaala ang kapabayaan na ginawa niya noon kay Allen. Mabilis din niya nilihis ang tingin, kasabay niyon ang pagkìrot ng kaniyang dibdib. Napahawak siya sa dibdib niya at pinilit na ngumiti sa harap ng anak upang takpan ang nararamdamang sakit. On the other hand, napansin ni Allen si Maxine. Nang makita muli ang naging reaksyon nito, siya ay nasiyahan. Tinago lamang niya ang nadaramang saya sa ina. As a matter of fact, he wanted to remind his mother of her bad and unequal treatment of him. He also wanted his mother to feel bad about what she had done in the past para pansinin at alagaan siya nito sa kasalukuyan. That's why gustong gusto niya pinapakita ang braso niya. Nang matapos si Allen sa kaniyang pagluto, hinanda naman ni Maxine ang mesa. Nakaupo na si Allen at handa na saluhan ang ina nang bigla siyang inutusan nito na tawagin na ang kaniyang kapatid. Siya ay ngumiti at sinunod si Maxine. Pagpasok sa silid ng kapatid, halos lumabas ang kaluluwa ni Jin Jr. sa katawan nang makita niya ang Kuya Allen niya. Katatapos lamang siya noon mag-shower at siya ay nagbibihis ng damit when his older brother walked into the room. He automatically shut his mouth and couldn't look his brother in the eyes properly. Bumuntong ng hininga si Allen. "Will you please stop doing that? Mapapansin ka ni Mom diyan sa ginagawa mo," seryoso niyang usap at sinamaan niya ito ng tingin. "I-Ikaw kasi, kuya… P-P-Palagi mo kasi ako tinitingnan n-nang masama! Syempre m-matatakot ako sa iyo!" reklamo niya. Hindi na niya sinagot pa ang bunsong kapatid, niyaya na niya itong bumaba upang sabay na silang kumain. Bago pa lang siya aalis, muli siya nagsalita. "I just want to make it clear to you, pinagsisihan ko… ang ginawa ko sa iyo noon. I was so young and dumb at the time, I didn't think deeply about my actions back then." "I know, kuya… Matagal na kita pinatawad. Na…unawaan ko rin why you did that," mahina niyang tugon na may halong pangamba habang pinaglalaruan ang sariling mga kamay. Sinilip ni Allen ang kapatid at nakita ang mannerism na namana sa ina sa tuwing kinakabahan ito. Kahit malaki ang pagkakahawig sa itsura ng kapatid sa kanilang ama, ang ugali at kilos nito ay malaking malaki ang pagkakahawig sa kanilang ina. Isa rin ito sa kaniyang dahilan kung bakit mabilis nawala ang galit at selos niya sa kapatid. "K-Kuya…? Since pinagsisihan mo rin ang ginawa mo noon, umm… p-p'wede ko ba malaman kung… kung hindi mo na ako sasaktan ulit?" Siya ay napalunok at labis-labis ang bilis ng tíbok ng kaniyang puso nang tinanong niya ito. "I'm s-sorry for being rude, kuya, p-pero kasi… 'di ako mapalagay k-k-kung… kung uulitin mo ba ang ginawa mo sa akin noon o-o hindi. Until now kasi, ano… natatakot pa rin ako na baka s-s-sa…saktan mo ulit ako, kuya. Ayoko naman na mangyari iyon — ayoko kasing… kamuhian kita, kuya." Nilingunan ni Allen ang kapatid at pinagmasdan ito. Ilang segundo rin siyang tahimik na lalong nagpakaba kay Jin Jr. Hindi rin nagtagal, sinagot na rin niya ang bunsong kapatid. "No, I promise you that whatever happened to us no'ng maliliit pa lang tayo, that's the first and last time I will do that to you. After all, you're my brother — my only brother. And," he paused, bumuntong siya ng hininga, "thank you… for still loving and accepting me despite everything." His answer makes Jin Jr. relieved. Kasunod niyon, nilihis na niya ang tingin at hinawakan na ang doorknob. "I wish… kasing bait kita," bulong niya sa sarili. Siya ay napakunot ng noo. Pagkasabi, lumabas na siya ng silid at bumaba patungo sa kusina. "'Thank you'? Nag-thank you si Kuya? Shìt! First time ko marinig si Kuya na mag-thank you!" Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang marinig na nagpasalamat ang kapatid. Sa buong buhay niya, hindi man lamang niya narinig ang kapatid na magpasalamat miski sa kaniyang ina at sa mga kakilala nila. Sa katunayan niyan ay once in a blue moon lamang magpasalamat si Allen. Namana niya ang ugaling ito sa kaniyang ama na namayapa na. "Kung gano'n… Is this the sign na magiging okay din kami ni Kuya? If… If totoo nga iyon, dapat hindi na ako matakot sa kaniya. Nag-promise naman siya na hindi na niya ako sasaktan, and besides, after what happened before, hindi rin niya inulit iyon." Nang maisip na may malaking chance na maging maayos ang kanilang relasyon, siya ay nagalak at nasabik na mangyari iyon. Nagmadali naman siyang nagbihis at bumaba upang saluhan ang pamilya sa pagkain. At simula nang kanilang pag-uusap, desidido na siyang huwag takbuhan ang kuya. Unti-unti niya ia-approach ito hanggang sa tanggapin na siya nang buo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD