1. KID

2222 Words
Sa isang magandang mansyon, may maririnig kang malakas na iyak ng isang bata. "Mommy! Waah! It h-h-hurts, Mommy! It hurts!" iyak ng batang nagngangalang John Allen. Siya ay umiiyak sa sakit nang aksidente niyang natapunan ang kaliwang braso ng kumukulong tubig. "Mommy, help! Masakit, Mommy!" But unfortunately, kahit ilang beses siyang humingi ng tulong sa ina, hindi pa rin siya nito pinapansin. Tulala lamang si Maxine; she was sitting in the living room, staring out the window and rubbing her large belly. Kahit nasa harapan lang niya ang umiiyak na anak, tila ba isa lamang itong multo — hindi nakikita, naririnig, o nararamdaman. Masyado siya kinain ng lungkot nang dahil sa pagpanaw ng kaniyang iniibig at ama ng mga anak niya. "M-Mommy! Help n-na po, p-p-please! Masakit na, M-Mommy! Mommy…!" pagsusumamo ng anak na lalo pa niya nilakasan ang iyak. Sa kabutihang palad, that day, dumalaw ang isa sa matalik na kaibigan ni Maxine, si Anne. She heard the child's cry just as she was about to open the door. When she heard Allen's cry, patakbo niya ito pinuntahan at inalam ang kalagayan nito. "Diyos ko po! Allen! Anong nangyari sa iyo!?" Nakita niya ang pamumula ng bata nang dahil sa patuloy nitong pag-iyak. Siya ay nataranta at umiyak na rin nang dahil sa nasaksihan. Napansin naman niya si Maxine. She became frustrated and yelled at her. "Ano ba, Maxine!? Gumising ka na nga! Napapabayaan mo na ang anak mo! May anak ka rin na dapat mong alagaan, ano ba!? What do you think Jin would say kapag nakita ka niyang pinapabayaan mo lang si Allen, ha!?" maiiyak-iyak niyang bulyaw sa kaibigan, subalit miski siya ay hindi siya pinansin. "Haist!" Hindi na niya pinilit pa si Maxine. Dali-dali niya dinala si Allen sa hospital to treat the child. After the doctor treated the boy's severe burn on his arm, nahimasmasan na rin ang bata and finally fell asleep. Pilit naman niyang hindi umiyak habang hinahaplos ang buhok ng natutulog na si Allen. Siya ay nasasaktan sa kalagayan ng mag-ina, lalo na sa bata. "Mommy! Mommy! Look! Drawing kita!" sabik na usap ni Allen habang pinapakita ang kaniyang ginuhit sa ina na tahimik na nakaupo sa kanilang hardin. Sa araw na iyon, dumating muli ang guro ng bata dahil homeschool si Allen sa kaniyang kinder. Bukod sa guro, nandoon din sa mansyon ang kapatid na si Mauie upang bantayan at alalayan ang bata. That day, Allen's teacher decided that once they finished their studies, they could draw anything. She knows exactly kung ano ang magpapaaliw sa bata since they've noticed how Allen is slowly becoming unmotivated and doesn't talk much anymore. Hindi na bibong bata tulad noon. After he drew his mother, he quickly went outside kung nasaan ang kaniyang ina. He was so thrilled noong ipakita ang kaniyang gawa sa ina. After a while, he suddenly jolted with joy when he saw her mother looked at him for the first time in a while. Akala niya na kakausapin at pupurihin muli siya sa kaniyang ginawa tulad ng dati, pero siya ay nabigo. Siya ay nasaktan kasabay ang pagtulo ng mga luha niya ang pagtayo at paglakad ni Maxine papunta sa gawi niya, ngunit nalagpasan lamang siya ng minamahal niyang ina. "Mommy… 'di mo na ba 'ko love?" he whispered while looking at his drawing. Pagkatapos ay niyakap niya ang papel dahil sa nararamdaman niyang lungkot. Sa mga gabing dumaan sa kaniyang buhay, bago siya matulog, siya ay palagi nagdadasal. "Papa Jesus, please make my mommy happy again. Gusto ko na siya maging happy para… laro na kami ni Mommy with my baby brother, baby sister Thea, lola, lolo, Tito Mau, Tita Ganda, Tita Leslie, Tita Anne, Tita Chloe, and… Tito Chris, and Dada. I promise, I will be a good boy. Please, please, please, Papa Jesus, make it happen. And… And please tell Daddy from heaven that Mommy and I always love him. Amen!" At saka siya nagmadaling humiga. Siya ay umaasa na sa paggising niya, matutupad ang nag-iisa at munti niyang hiling. Hanggang sa dumating ang isang gabing sinugod sa hospital si Maxine upang manganak. That fateful night, muling nagdasal si Allen at sa paggising, laking tuwa niya nang makitang natupad ang matagal na niyang hinihiling. When they went to the hospital, nakita niya muli ang ngiti ng kaniyang ina na matagal din niyang hindi nasilayan. He was grateful to God for granting his innocent and sole wish. Nang dahil doon, nakakausap at nahahagkan na rin niya ang ina, ngunit hindi pa rin tulad noon. As times goes by, napuna niya na mas pinagtutuunan ng pansin at inaalagaan ng kaniyang ina ang bunsong kapatid. Pinaliwanag naman ni Maxine sa kaniya kung bakit mas pinagtutuunan nito ng pansin ang bunso. Allen understood his mother's point, ngunit kahit na ganoon, siya pa rin ay nasasaktan sa hindi pantay na pagtrato ni Maxine sa kanilang dalawa. This is the reason why he presume na mas mahal pa ng ina ang kapatid compare to him. Napuna naman ni Barbara Gonzales, ang lola ni Allen, ang pagtamlay ng apo noong sila ay naglalaro sa mansyon. Sinundan niya ng tingin kung saan nakatingin ang apo at natukoy sa likod ng kalungkutan nito. "Allen, apo," she sweetly called his grandson, who also quickly looked at her, binigyan niya ito ng mainit na ngiti na sinuklian din siya ng ngiti, "gusto mong… maglaro tayo ng dinosaur ng Tito Mau mo at ni Lolo sa labas? Gusto mo magsuot tayo ng favourite costume mo ng dinosaur tapos… maglaro ulit tayo ng Godzilla-Godzilla? Ano sa tingin mo? Masaya, 'di ba?" suhestyon niya upang gumaan ang pakiramdam ng apo. Tahimik na umiling si Allen habang matamlay na nilalaro ang laruang kotse. Huminga nang malalim si Barbara at saka niya sinitsitan ang asawa na si Mario Gonzales. Agad napansin ng matanda ang asawa. Kaniya iyon pinuntahan. "Ano iyon?" pagtataka ni Mario. "Si Allen, malungkot na naman. 'Di siya ulit pinapansin ng mommy niya," buntong hiningang sagot ni Barbara sa asawa. "Kausapin mo nga ulit si Maxine. Baka… lumayo pa ang loob ni Allen sa kaniya– 'wag naman sana." Sinunod ng matanda ang asawa. Tinungo niya ang anak na sa mga oras na iyon, nilalaro ang sanggol na may malaking ngiti sa labi. He eventually sat beside Maxine at mahinahon niya ito pinagsabihan tungkol sa paano nito pakitunguhan ang panganay na anak. However, as a result of Mario's remarks, Maxine was peeved and defended her actions. "Binabantayan at inaalagaan ko po si Allen, Pa. Sa ngayon kasi, priority ko si Junior dahil baby pa lang siya. Mas kailangan niya ako and look! Nagbe-breastfeed pa po ako. At isa pa… hindi ko naman po sila kayang pagsabayin na alagaan. Nakakapagod din — napapagod din ako… Mabuti nga po kayo ni Mama, buo kayo at sinusuportahan niyo ang isa't isa noong pinapalaki ninyo kami ni Mauie. How about me? Ako na lang mag-isa, Pa. Ako na lang! Wala na– Wala na si…" Halos umiyak na si Maxine nang maalala muli na hindi na niya kasama sa kaniyang piling si Jin. Ganoon na rin na mag-isa na lang niya palalakihin ang mga anak na hindi kasama ang kanilang ama. She took a deep breath to control her emotions. "Kung pumunta lang po kayo para sumbatan ulit ako, mawalang galang na, ah… mas mabuti po na umalis na lang kayo. Hindi po kayo nakakatulong sa sitwasyon ko ngayon," inis niyang tugon. "Allen!" tawag niya sa anak na mabilis siyang nilingunan nito, bakas sa mukha ng bata na siya ay nagalak nang tinawag siya ng kaniyang ina, "Come here! Let's play na lang sa room mo." Saka siya tumayo at inilahad ang kamay. Walang ano-anong tumakbo si Allen papunta sa ina at kinikilig niyang inabot ito. Nananatili naman ang malaki niyang ngiti sa mukha habang nakatingala sa ina. Pagkatapos, dinala na siya sa silid upang doon nila ituloy ang naudlot nitong paglalaro. Meanwhile, Maxine's parents remained silent. Inintindi na lang nila ang anak. Sa mga oras na iyon, sila ay umuwi na maliban nga lang kay Mauie. Napagdesisyunan niyang manirahan kasama ang kapatid at sa dalawa niyang pamangkin upang sa ganoon, matulungan ang kaniyang ate. With the help of Mauie, unti-unti nagkakasigla ang dating malungkot na mansyon ng mag-ina. Subalit kahit na ganoon, hindi pa rin bumabalik ang dating sigla at saya ni Allen. Babalik lamang siya sa dati niyang kulay kung muli siya titingnan ng ina sa kung paano siya tingnan nito noon — full of love, kahit wala naman sa kanilang buhay ang kaniyang ama, nagawa pa rin nilang maging masaya. Nang tumungtong si Allen ng pitong taong gulang, nakiusap si Mauie sa kaniyang kapatid na huwag na i-homeschool ang pamangkin. Napansin niya kasi that his little nephew had become elusive to people at hindi na rin sociable as he used to be. He was greatly concerned about Allen's growth and development. Siya ay nakiusap sa kaniyang kapatid na um-attend ang pamangkin sa paaralan. When he finally got his sister's permission, gumaan ang kaniyang pakiramdam. Grade 1 pa lang noon si Allen nang unang beses siyang pumasok sa school. Sa una, siya ay natakot dahil na rin sa bagong environment, ngunit nang lumaon, nasanay din siya sa tulong na rin ng kaniyang tito. Hatid-sundo naman siya ng Tito Mauie niya at minsan naman ay nagha-hire ito ng taong maghahatid-sundo sa pamangkin niya sa oras na siya ay abala. Nang nasa school ang bata, kapansin-pansin ang pagiging tahimik ni Allen at hindi pakikihalubilo niya sa ibang mga bata. Nang dahil sa kaniyang ugali, maraming bata ang ayaw na makipaglaro o makipagkaibigan sa kaniya na ikinabahala ng guro niya. Magalang naman na inulat ng guro ang napuna kay Maxine. "Ah… Gano'n po ba? 'Di po ba, normal lang po ang pagiging shy ng isang bata? Ba't parang… pinapalala niyo naman? Dating po kasi sa akin, ginagawa niyong big deal ang pagiging tahimik ng anak ko." Even though Maxine was smiling, it was clear from her voice's tone na siya ay iritado sa ipinahayag ng guro. "Naku ho, misis. I didn't want to offend you ho. Ang akin lang ho, sinabi ko lang kung ano ang nakikita ko ho sa mga anak niyo upang sa gano'n, masolusyunan natin ito," malumanay niyang tugon na may ngiti sa labi. "Wow! Anong pinapahiwatig niya na 'para masolusyunan'? So she's saying na may diperensya ang anak ko, gano'n ba?" isip ni Maxine. Siya ay nagpipigil lamang ng galit sa gurong nasa harapan niya. "Gano'n po ba?" Bahagya siya ngumiti. "Thank you po, ma'am, sa pagiging concern(?) sa anak ko. Tanong ko lang po: iyong bang, umm… pagiging tahimik niya, malaki po ba ang naging epekto niyan sa grades ni Allen?" "As far as I know, hindi po. Actually, nangunguna po sa acads si John Allen," she rapidly answered. "How about naman po sa mga classmate niya? Iyong po bang pagiging tahimik niya, may nasasaktan at natatapakan siyang kaklase?" Sa pagkakataong iyon, natukoy ng guro kung ano ang pinupunto ni Maxine. Siya ay napalunok at nailang na tumingin dito. "It means po na wala… I think that's all. Thank you for your time and… understanding na rin, ma'am." Bahagya siya yumuko sa guro at saka naglakad palabas ng silid. Pagkasara ni Maxine ng pinto, huminga siya nang malalim at dahan-dahan din niya ibinuga to release her frustration. And then, tumingin siya kay Allen na tahimik siyang hinihintay sa labas habang nakaupo sa pahabang upuan sa hallway. "Tara na, anak." She gave him a warm smile. Her son cheerfully approached her and hugged her. Maxine was both surprised and pleased sa ginawa ni Allen. Binalikan naman niya ito ng yakap at halik sa ulo. "Anong gusto ng anak ko, hm? You want an ice cream ba? Iyong… vanilla para 'di masyadong matamis? Or something else?" tanong niya sa anak. Nag-isip nang malalim si Allen hanggang sa nakapagdesisyon na siya kung ano ang nais niyang matanggap sa ina. "I want Mommy's kiss and hug — lots of it." "Iyon lang? Aba! Kayang kayang ibigay iyan ni Mommy. Bibigyan kita ng so~brang dami kisses and hugs hanggang sa magsawa ka," natatawa niyang tugon sa anak na kasabay niyon, kiniliti niya ang tiyan at saka na niya ito niyayang umuwi. Nang gabing iyon magkatabi silang natulog. Labis na galak ang naramdaman ni Allen nang muli niya nakasama sa pagtulog ang ina na kahit siya ay tulog na, nananatili pa rin ang kaniyang ngiti sa mukha. At sa kasalukuyang panahon, nagising si Allen sa isang magandang panaginip — isang panaginip na kung saan magkasama at magkatabi silang natutulog ng kaniyang ina noong maliit pa lang siya. Kasalukuyan siyang nakahiga sa pahabang sofa sa sarili niyang workshop. A cozy place na kung saan niya ginagawa ang mga obra niya. Malawak at malaki rin ito na kasyang kasya ang mga kagamitan at mga gawa niya. Sa pagmulat niya, isang mabagal at malaking elesi na nakasabit sa kisame ang bumungad sa kaniya. Habang siya ay nagmumuni-muni, pinagmasdan niya ang mabagal nitong pag-ikot. After a couple of minutes, he stood up and went to an unfinished sculpture. When he got close, he looked at it with his head slightly tilted. Kapansin-pansin ang malaking pagkakahawig ng sculpture sa kaniyang ina. Sunod siyang ngumiti rito, hinaplos ang mukha nito pababa sa kamay. And then, he hugged that sculpture na may nararamdamang lungkot at sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD