Chapter 2
BLUSH
HEAVN'S POV
First day of school year na ngayon. I'm currently driving my car on my way to school. Nang makarating ako nag-park ako agad at bumaba na. Naglakad na ako papasok sa school. Kung titingnan mo mula sa labas ang school na 'to, halatang malaki siya. Pagpasok ko namangha ako sa lawak at laki ng school na 'to. At sa sobrang pagkamangha ko hindi sinasadyang mabangga ako sa pader. Ang sakit tuloy ng noo ko. Paano ba naman nagkapader dito!? Wala naman 'to kanina ah, tsk!
I heard a tsk kaya nag-angat ako ng tingin. Hindi pala pader ang nabangga ko, kundi gwapo--este tao. At nagulat rin ako sa kung sino ang nabangga ko.
"Sky?/Heavn?" sabay naming patanong na sabi.
'Grabe naman pala ang tigas ng katawan nito.'
"We meet again." sabay uli naming sabi kaya napangiti kami.
"Are you okay?" tanong naman niya sa akin ng makabawi.
"Yeah! Grabe naman kasi ang tigas ng katawan mo." sabi ko sa kaniya. Natawa naman siya.
"Well!" mayabang na sabi niya.
"Akala ko tuloy pader ka." nakangisi kong sabi, nang-aasar.
"Grabe ka naman sa 'kin!" natawa naman ako dahil sa sinabi niya pati na rin sa mukha niya, habang sinasabi yun. "By the way, how's your foot? Hindi na ba talaga masakit?"
"Nope. Ikaw talaga.. 'diba sabi ko naman sa 'yo hindi na." Napansin ko naman yung dalawang lalaki na papunta sa direksiyon namin.
"Ehem. Ky, sino ba 'yang kausap mo at napapangiti ka?" sabi ng isang bagong dating. Isa siya sa dalawang lalaki na napansin ko kanina, nasa tabi niya naman yung kasama niya. Mukhang kaibigan niya 'tong mga 'to. Nagtaka naman ako sa sinabi ng kaibigan niya.
"What do you mean?" tanong ko sa nagsabi nun.
"Napaka-cold kasi nito ni Ky kaya--"
"Enough, Ty!" cold na pagputol ni Sky sa sasabihin nito. Ayan, naging cold na nga siya.
"By the way, Miss. I'm Tyler." sabi nung nagsalita kanina.
"I'm Kaizer." sabi nung kasama ni Tyler.
"I'm Heavn. Nice meeting you all." sabi ko naman sa kanila.
"It's also nice meeting you, Heavn." sabi ni Kaizer. "Parehas pala kayong langit." Pabirong dagdag pa niya.
"Oo nga, Ky. Hindi kaya..." Pabitin na sabi ni Tyler, nang-aasar.
"What?" Cold na tanong nito. Binigyan naman siya ni Tyler ng mapang-asar na ngiti na sinuklian nito ng isang masamang tingin at bumaling na sa 'kin.
"Sky, alis na 'ko ah. Hahanapin ko pa kasi yung room ko." sabi ko sa kaniya at bumaling na sa kaibigan niya. "Sige, bye sa inyo. Nice meeting you ulit." sabi ko sa kanila ng nakangiti.
"Samahan na kita." narinig kong sabi ni Sky kaya lumingon ako sa kaniya.
"Hindi na, Sky. Thank you na lang.." sabi ko sa kaniya ng nakangiti.
Naglakad na ako para umalis. Kumaway na lang ako sa kaniya.
Pumunta na ako sa Bulletin Board para tingnan kung anong section ko. Pagkatapos ay dumaan muna ako sa locker at after nun hinanap ko na kung saan ang room ko. Nahanap ko naman yun agad kaya pumasok na ako at naghanap ng upuan. Nang makahanap na ako ay umupo ako agad at hinintay na dumating yung Prof. Napansin ko naman ang dalawang babae na palapit sa 'kin.
"Hi! Transferee ka?" tanong nung isang babae ng makalapit sa 'kin.
"Uhm.. Yeah!"
"By the way, I'm Nathalie Gwyneth." sabi nung nagtanong sa 'kin kanina.
"Ako naman si Shine Alexis." sabi nung kasama niya.
"I'm Heavn. Nice meeting you." sabi ko naman sa kanila.
"Ang cute ng name mo, Heavn. Pwede ba kaming makipagkaibigan?" tanong ni Lexie. Lexie na lang tawag ko kay Alexis, para maikli lang.
"Oo naman." natutuwa kong sabi.
"Hi girls! Pwede maki-join? Hi! Transferee ka ba? Anong name mo?" sabi nung isang girl na lumapit sa 'min.
"I'm Heavn. And you are?" sabi ko sa kaniya.
"I'm Elijah Chen. But you can call me Chenz para maikli lang. Nice meeting you, Heavn. Ang cute ng name mo." sabi niya naman.
"Thank you!" sabi ko sa kaniya ng nakangiti.
"Pero, mas cute ka." sabi ulit niya.
"Anong cute? Ang ganda kaya niya!" sabi naman ni Lexie. Nakakatuwa naman sila masiyadong honest. Haha, charr lang.
"Sus! H'wag niyo na nga akong bolahin." Sabi ko sa kanila.
"We're serious kaya. Totoo yun. Right, Gwenz?" sabi naman ni Chenz.
"Yeah." sabi naman ni Gwenz with thumbs up.
"Hehe. Thank you, girls! Kayo rin naman, eh." Sabi ko sa kanila. At totoo yun. Ang gaganda nila.
"Naks!"
Napansin naman namin na dumating na yung Prof., kaya umayos na kami ng upo.
First day of school kaya nagpakilala muna kaming lahat. Si Gwenz na yung nagpapakilala sa unahan.
"Hello guys! I'm Shine Alexis Blaine. 17 years of age. Hope we could be friends." pakilala niya sabay wink.
"Nathalie Gwyneth Kinsley is the name. 17." maikling pakilala naman ni Gwenz.
"Elijah Chen Garnett. 17 years." pakilala ni Chenz.
Nang turn ko na, tumayo na ako at naglakad papunta sa unahan. Magpapakilala na sana ako ng may kumatok sa pintuan. Lumapit naman si Prof. doon at binuksan yung pinto. Pagbukas ng pinto nagulat ako. Sila Sky. Classmate ko pala sila. Galing naman, marami na agad akong kilala na classmate ko.
"Sorry, ma'am. We're late." sabi ni Kaizer.
"It's okay. Come in." sabi naman ni Prof.
Napansin naman ako ni Kaizer.
"So, we're classmates pala." sabi niya sa 'kin. Nginitian ko lang siya.
"Hi, Heavn." bati ni Tyler sa 'kin. Nginitian ko lang din siya.
"You know each other?" tanong ni Prof. samin.
"Yes, ma'am." sagot nila Kaizer at Tyler. Si Sky nakatingin lang sa 'kin habang nakangiti. Nginitian ko din siya.
"Oh, that's good. So, Miss. Introduce yourself." baling ni ma'am sa 'kin.
"Hello guys. Heavn Crystal Carter is the name. 17. Please be nice to me." pakilala ko habang nakangiti. Pagkatapos kong magpakilala, umupo na ako. Sunod namang nagpakilala sina Sky. Una si Kaizer.
"I'm Kaizer Blythe Carson. 17." maikling pakilala ni Kaizer. Pansin ko lang halos parehas lang sila ng pagpapakilala ni Gwenz. Hindi kaya magkatuluyan sila!? Hihi, advance lang. In fairness, bagay sila.
"Hello, Classmates. Tyler Dwayne Echarri. 17 years." masiglang pakilala niya.
"Skyler Ice Scott. 17." cold na pakilala ni Sky. Napatulala naman ako. Skyler Ice? Ice? Hindi kaya!? Pero imposible. Sabi niya noon pa lang siya nakakapunta sa secret garden. And baka, magkapangalan lang talaga sila.
"Hey!" bati ni Sky na nagpabalik sa 'kin sa realidad. Hindi ko napansin na nakaupo na pala siya sa tabi ko. Tumingin naman ako sa kaniya. Napansin ko na katabi niya pala si Tyler. Ako kasi sa tabi ng bintana. Then katabi naman ni Tyler si Lexie. Next is si Gwenz, then si Kaizer and si Chenz. May isa pang upuan sa tabi ni Chenz na walang nakaupo.
"Hey!" bati ko rin sa kaniya.
"Are you okay? Bakit ka natulala?"
"Huh? Uh- wala lng. May naalala lang ako."
"Hm.. You sure?"
"Yeah!" sabi ko sabay thumbs up.
Hindi na kami nag-usap pagkatapos nun. Nag-discuss na kasi si Prof. After some hours break time na. Inayos ko na yung mga gamit ko then, tumayo na ako at lumapit kay na Gwenz.
"Girls, let's go na. Punta tayo sa Cafeteria." aya ni Lexie.
"Alright. Let's go." sabi ko sa kanila.
"Girls, sabay na kayo sa 'min." aya sa 'min ni Tyler.
"Hindi na, Ty. Nakakahiya naman sa inyo." sabi ko sa kaniya.
"No. It's alright. C'mon. Sabay ka na samin, Crystal." sabi naman ni Sky. Nagulat naman ako sa tinawag niya sa 'kin. Si Ice lang yung tumatawag sa 'kin nun. Feeling ko bumilis na naman yung t***k ng puso ko. Basta talaga may kinalaman kay Ice, bumibilis yung t***k ng puso ko. Pero hindi naman siya si Ice. I mean, hindi siya si Ice na first love ko.
He snap his fingers in front of my face that made me back to reality. Natulala na naman pala ako.
"Uhm.. O-Okay. S-Sige. Sabay na kami." pautal-utal na sabi ko sa kanya. "Okay lang ba, Girls?" tanong ko kay na Gwenz.
"Of course!/Sure!/No problem!" sabay-sabay nilang sabi. Hindi naman sila excited noh. Sabagay, sila ang Campus Heartthrob ng school. Bakit ko alam? Narinig ko kanina ng dumating sila. Pagpasok kasi nila nagbulungan yung mga girls na classmates namin pero hindi ko na lang pinansin.
Okay. Back to reality na tayo. Baka matulala na naman ako eh. So, ayun, naglakad na kami papunta sa Cafeteria. Habang naglalakad kami naririnig ko yung mga tili nila. Nakakabingi!
"Kyaaaaaaah.."
"You're so handsome, Sky."
"Waaaaaaa, ang gwapo talaga ni Kaizer."
"Kyaaaaa, tama ka pero mas gwapo si Tyler."
"No, mas gwapo si Sky, kyaaaaa."
"Kahit na ang cold niya.. crush ko pa rin siya."
"Ang gwapo niya talaga.."
"Bakit kaya wala si Stan!?"
"Oo nga, noh.."
"Absent siguro siya."
"First day pa naman.. wala tuloy akong inspiration."
"Ano ka ba!? Anjan naman si Kaizer.. 'diba crush mo rin siya!?"
"Sabagay.."
"Kyaaaaaa.. ang gwapo niya talaga."
"Yieeeeeee.. lahat naman sila gwapo."
"Right! Pero mas gwapo pa rin si Skyler."
Ilan lang yan sa mga naririnig kong tili nila. Meron rin akong naririnig na bulungan o parinig na kesyo, bakit namin sila kasama?, Sino kami?, Kaano-ano namin sila? And blah blah blah. Tss. Ano naman kung kasama namin sila? Pare-pareho naman kaming tao. Psh!
"Crystal?" narinig kong tawag sa 'kin ng katabi ko.
"Why?"
"Are you sure, you're okay?"
"Yeah! Why?"
"Kanina kasi, napapansin ko na palagi kang natutulala. D' you have a problem?" tanong niya sa 'kin, kaya lumingon ako sa kaniya. Paglingon ko, hindi sinasadyang maglapit ang mukha namin. And again, for the second time, on this day... I feel my heart beats faster than normal.. because of HIM. What's happening to my heart? Gosh!
Agad naman akong napalayo. Tumingin ako sa mata niya. His eyes. Why does it feel like I've seen it many times? I mean, the first time our eyes met, that's exactly the feeling that I felt on that time. I don't know why but.. I think I already seen it before.
"N-No! I don't have a problem. It's just that, meron lang talaga akong naalala."
"What is it? Don't worry, you can trust me."
"I-It's nothing. Anyways, bakit pala Crystal na ang tawag mo sa 'kin?" pag-iba ko sa usapan.
"Ah, that? Hm.. I don't know. I just want to call you Crystal. Yung Heavn kasi marami ng tumatawag sa 'yo nun, kaya Crystal ang tawag ko sa 'yo... para maiba naman. And I prefer calling you that." mahabang paliwanag niya.
"Hm.. okay. I'll call you Ice, then." sabi ko ng nakangiti.
"Okay!" sabi niya then smile.
"Kyaaaa, did you see that girls? Skyler did smile."
"Kyaaa, yeah, he looks more handsome when he smile."
"You're right, girl!"
Narinig kong tili ng mga babae nung ngumiti si Ice. Kaya ayun, balik na naman sya sa pagiging cold. Pansin ko lang na sakin ngumingiti siya, sa iba hindi. Then kapag may pumapansin sa ngiti niya, nagiging cold ulit siya.
Napansin ko naman na nandito na kami sa Cafeteria. Sumunod lang kami sa kanila. Meron daw kasi silang sariling table. Then, umupo na kami. Yung dalawang boys naman ang um-order. Libre daw nila eh. Swerte naman ng first day namin. Libre agad.
"Grabe! Ang o-OA ng mga tao dito. Nakita ka lang ngumiti. Halos magwala na sa kakatili." sabi ko sa katabi ko. Alam nyo na kung sino. Sino pa ba? Edi si... Ice. Natawa naman siya sa sinabi ko, pati na rin yung mga kaibigan ko. "Ayan na naman sila oh!" sabi ko ng magtitili na naman sila ng makitang tumawa si Ice.
"Alam mo kasi, Vn. Si Skyler, hindi yan ngumingiti. Kaya nga nagtataka kami, kung bakit ngumingiti yan, dati naman hindi. And, dati kasi, one time naging groupmates kami niyan. Kapag tinatanong ko, tango at iling lang ang sagot. Kapag magsasalita naman, ang iikli ng sinasabi." mahabang paliwanag ni Chenz. "Peace, Skyler." sabi ulit niya, sabay peace sign.
"Ang daldal mo, Chenz." sabi ni Gwenz.
"Hehe. Sorry naman." sabi ulit ni Chenz
"It's okay. It's true naman. And.. I'm just in a good mood today."
"Ganun!? Is it because of my friend beside you?" sabi ni Lexie, habang kumikindat-kindat pa sa 'kin. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Gosh! Baka mapansin nila.
"Stop it, Lexie! Ano ka ba!?" saway ko sa kaniya.
"May sakit ka ba? Bakit ang pula ng mukha mo?" tanong ni Ice sa 'kin, sabay lagay ng kamay sa noo ko, para i-check kung mainit ba 'ko. "Wala ka namang sakit, pero, bakit namumula ka?" sabi niya ng ma-check niya kung may sakit ako.
Lumayo naman ako agad. "Ah, W-Wala. M-Mainit lang kasi." pagdadahilan ko.
"Anong mainit? May aircon kaya!" sabi ni Chenz. Tumingin ako sa kaniya, nang-aasar yung mukha niya. Ibig sabihin napansin niya.
"Oo nga. Ang lakas-lakas pa nga eh. Baka naman..." pabitin na sabi ni Gwenz habang nakangisi. Aba! Nang-aasar na rin 'to ah. Nahawa na ata sa dalawa. Nag tinginan naman silang tatlo, sabay sabing...
"NAG-B-BLUSH KA!"
"Oh, guys. Here's our food. Let's eat na." Hays, thanks to Kaizer. Buti na lang dumating na sila. Wews!
Nag-start na kaming kumain. While we are eating Tyler started to talk.
"Anong meron dito kanina? Bakit parang meron akong narinig na NAG-B-BLUSH?" nakangising tanong niya at idiniin pa talaga yung salitang NAG-B-BLUSH. Akala ko naman tapos na. Hindi talaga sila titigil sa pang-aasar. Lalo lang akong namumula sa ginagawa nila eh.
"Oh, Ky. Anyare sa 'yo? Bakit namumula ka?" Isa pa itong si Kaizer. Akala ko ba tahimik 'to. Tumingin naman ako kay Ice, namumula nga siya. Napatingin din siya sa 'kin. Sabay naman kaming napaiwas ng tingin. Feeling ko lalo akong namula. Gosh! Ang cute niya! Ang cute niya mag-blush!
Kumuha naman sila ng Camera. Saan galing yun? Nevermind. Nagulat na lang ako when they take us a picture. Feeling ko mukha na akong kamatis sa sobrang pula ko, kaya napayuko na lang ako.
"Ayieeeee!/Ang cute niyo!/Bagay kayo!" komento nila habang tinitingnan yung mga picture namin.
"Hey! Delete it!" sabi ko sa kanila habang kinukuha yung Camera. Kinuha naman yun ni Ice sa kanila. Natahimik naman sila ng makita ang seryosong mukha ni Ice. Tiningnan niya rin yung mga picture. Hays! Siguro naman i-de-delete na niya yun. Ilang sandali lang binalik na niya yun sa kanila. Tahimik pa rin sila hanggang sa...
"Send it to me later." nakangising sabi niya and then wink at me. Kaya ayun inasar na naman kami. I thought i-de-delete na niya yun. Pero tiningnan niya lang pala.
Napuno ng asaran ang table namin habang kumakain. Buti nga nakakain pa 'ko eh. Hanggang sa matapos ay sabay-sabay uli kami na pumunta sa room. Ganun lang din nung lunch. Asaran, kuwentuhan, tapos sabay-sabay uli kami.
"Class. Dismiss." sabi ng Prof. namin.
Inayos ko na yung mga gamit ko, then nilagay ko na sa bag ko.
"Let's go, guys! Sabay uli kayo sa 'min." aya ni Tyler.
"Ano pa nga ba?" Kunwaring bored na sabi ko.
"Sus! Kinikikig ka lang eh." asar sa 'kin ni Tyler.
"Tigilan mo na nga yan." kunwaring inis na sabi ko kay Tyler. Tumalikod na ako at naglakad patungo sa pinto.
"Stop it, Ty! Tigilan mo na si Crystal." narinig kong sabi ni Ice at lumapit sa 'kin. " Hm.. I'm sorry sa mga pang-aasar ni Ty. Ganun lang talaga siya. I hope you're not mad." Sabi niya habang sinasabayan ako sa paglalakad, kaya nginitian ko siya.
"Ano ka ba? Hindi naman ako nagagalit ng walang valid reason. Kaya, don't worry.. hindi ako galit." Nakangiti pa ring sabi ko sa kaniya. "But, wait.." sabi ko ng may bigla ako'ng naalala.
"Why?"
"Bakit pala hindi mo dinelete yung mga pictures kanina?" Nakasimangot ko'ng sabi. Bigla naman niya'ng pinisil ang pisngi ko, kaya napangiwi ako.
"Ang cute mo kasi, eh.." mahinang sabi niya kaya hindi ko alam kung tama ba yung narinig ko.
"Ano?"
"Sabi ko, ang gwapo ko kasi dun. Ayaw mo nun? May kasama ka'ng gwapo sa picture?" Mayabang niya'ng sabi. Parang lumakas yung hangin dito, ah. Ang cute niya'ng magtagalog.
"Dun nga lang sa picture." Mapang-asar ko'ng sabi sa kaniya.
"Ahh.. So, inaamin mo na gwapo ako?" Nakangising sabi niya.
'Bakit ba ang cute niya? Huhu'
Kahit pa anong reaction or expression niya, gwapo pa rin siya. Napaiwas ako ng tingin ng maramdaman ko'ng uminit yung pisngi ko. Gosh!
"May sinabi ba 'ko?" Sabi ko habang nakatingin sa ibang direksiyon.
"Kakasabi mo lang, eh. You can't even look at me."
"Tss. H'wag ka nga mag-imagine. Wala ako'ng sinabi." Nakaiwas ang tingin na sabi ko.
"Really?" Sabi niya, kaya tumigil ako sa paglalakad at 'saka ako lumingon sa kaniya.
*TUG *DUG *TUG *DUG *TUG *DUG *TUG *DUG *TUG *DUG *TUG *DUG *TUG *DUG *TUG *DUG *TUG *DUG *TUG *DUG *TUG *DUG *TUG *DUG *TUG *DUG *TUG *DUG *TUG *DUG *TUG *DUG
Bumilis ang t***k puso ko nang paglingon ko.. sa pangalawang pagkakataon nagkalapit ang mukha namin. Sabay pa'ng nanlaki ang aming mga mata sa gulat nang muntikan nang magdikit ang aming mga labi, kaya sabay kaming umiwas ng tingin patungo sa magkaibang direksiyon. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. Napapikit na lamang ako ng mariin at 'saka huminga ng malalim.
'Ano ba'ng nangyayari sa 'kin? Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko?'
Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko patungo sa parking lot nang hindi siya nililingon. Pero, ramdam ko ang pagsunod niya. May naririnig din ako'ng mahihinang bulungan mula sa likod at sigurado ako na sila Lexi yun. Kaya't napapikit muli ako ng maisip ko na baka nakita nila yun.
"Crystal.. uhm.. about what happen.. Sorry sa--"
"It's okay. Forget it." Pagputol ko sa sasabihin niya.
"I'm really sorry. Hindi ko--"
"It's really okay. Don't worry." Pagputol ko'ng muli sa sinasabi niya, kaya napabuntong-hininga na lamang siya.
"Uhm.. do you have your car? If wala.. hatid na kita?" Tanong niya sa 'kin. Nakahinga naman ako ng maluwag nang iniba na niya ang usapan.
"Hm.. dala ko yung car ko, eh. Thank you na lang."
"Is that so? Sige. Sabay na lang tayo pauwi. Pareho naman tayo ng way."
"Okay!"
"Bye, guys! Take care." Paalam ko pa kay na Lexie at sa mga kaibigan ni Ice.
"Ikaw rin, Friend."
"Ingat kayo."
"Bye.."
"Kita kits na lang bukas.."
Paalam pa nila sa amin. Pagkatapos naming magpaalamanan ay pumunta na kami sa mga kotse namin at sumakay na. Binuksan ko na yung makina ng sasakyan ko at nag-drive na ako paalis. Nakasunod lang sa 'kin si Ice. Same way din si Chenz pero may bibilhin pa daw siya sa Mall, kaya pinauna na niya kami. Medyo malapit lang kasi ang Mall sa School.
"Bye, Crystal! See you!" nakangiting paalam niya sa 'kin ng makarating na sa tapat ng bahay ko.
Binuksan ko naman yung bintana ng car ko.
"See you din. Bye! Take care!" sabi ko sa kaniya. Ngumiti lang siya at kumaway sa 'kin. Ganun din ako. I close the window ng makita kong sinara na rin niya ang kaniya. Ipinasok ko na yung sasakyan ko sa garage namin para i-park, then pumasok na 'ko sa loob ng bahay namin. Nakita ko naman si mom and dad sa salas. Lumapit ako sa kanila.
"Mom! Dad!" bati ko sa kanila at nakipag-beso.
"How's school, sweetie?" tanong ni mom sa 'kin.
"Okay lang po, mom! Where's kuya po pala? Pumasok po ba siya? Hindi ko po kasi siya nakita." tanong ko sa kanila.
"May sakit kasi ang kuya mo, princess. Pero bukas, papasok na din siya." sagot naman ni Dad sa tanong ko.
"Magaling na po ba siya?"
"Yes, princess, don't worry."
"Ah, sige po, mom, dad. Akyat na po ako sa taas." sabi ko sa kanila at sinenyas ang taas.
"Okay, princess! I'll call you na lang kapag kakain na." sabi ni Mom sa 'kin.
"Okay, mom!" sabi ko at nginitian sila.
Umakyat na 'ko sa taas. Pagpasok ko sa kwarto ko, nagbihis agad ako at pumunta sa kwarto ni kuya para kumustahin. Mukhang magaling na nga si kuya. Nang makabalik ako sa kwarto ay umidlip lang ako sandali, while waiting for dinner. After some hours, tinawag na 'ko ni mom para kumain kaya bumaba na 'ko agad . Pagkatapos kumain ay nagkuwentuhan lang kami at kinumusta ang isa't isa and after that umakyat na 'ko sa taas at nahiga na.
Hindi ko alam pero napangiti ako ng maalala ko yung mga nangyari ngayong araw. Agad na nag-init ang mga pisngi ko ng maalala ang mga nangyari bago kami umuwi. Pero, agad ring nawala ang mga 'yon nang maalala ko si Ice, yung first love ko. Hindi ako pwedeng mahulog kay Skyler Ice. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinayaan ko siya na tawagin akong Crystal. While, In fact, I don't let anyone call me in that name. Because gusto ko si Ice lang ang tumawag sa 'kin nun. At hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko at tinawag ko siyang Ice. Simula ng makilala ko siya feeling ko kasama ko si Ice, na first love ko. Pero hindi ko siya pwedeng gamitin para makalimutan ko yung pagmamahal ko kay Ice na higit pa sa pagiging magkaibigan.