bc

Still Loving You

book_age18+
8.1K
FOLLOW
40.0K
READ
love-triangle
HE
heir/heiress
drama
bxg
mystery
loser
office/work place
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

Being a single mother is a huge responsibility and takes courage, like Clouie Santos, a single mother who was able to raise her children alone but also with the help of her friends. Despite the pain and hardships of the past, she still managed to get up for the sake of her children. But what if the man who gave her pain returned? Will she be able to escape the pain of the past?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Sobrang sakit sa dibdib ng makita mo yung taong mahal mo na may kahalikang iba. At ang mas masakit pa, kahit na alam niyang nandito ako patuloy niya paring hinahalikan yung babae. Para bang wala siyang pakialam kahit na nakikita ko siya mismo ng harap-harapan. Pero kahit na masakit nagawa ko paring lumapit sa kanya. " Pwede ba tayong mag-usap? " tanong ko dito Tumigil ito at saglit na tumingin sa akin. Pero parang nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko na muling hinalikan niya yung babae bago ito umalis at naglakad palabas ng bar. Pansin ko rin yung pagngisi sa akin nong babae bago ko siya sinundan palabas ng bar. Agad ko siyang nilapitan ng makita siyang nakatayo sa harap ng sasakyan niya habang may hawak na beer sa kamay. Hindi ko alam pero kinakabahan akong lumalapit sa kanya. " Galit kaba sa akin? May problema ba tayo? " tanong ko sa kanya gamit ang mahinang boses. Patuloy lang ito sa pag-inom at hindi ako pinansin na para bang wala lang ako dito. " Oy! Pansinin mo naman ako. Galit kaba sa akin? May ginawa ba akong mali? " Napaatras ako ng tiningnan niya ako ng masama. Hindi ko alam pero parang gusto kung tumakbo ngayon dahil sa takot sa kanya. " B-bakit ka g-ganyan makatingin sa akin? May mali ba akong ginawa sayo? Sab-Aah! " Napadaing ako ng marahas niya akong hinila papalapit sa kanya. At talagang ramdam ko yung sakit sa pagkakahawak niya. " Hindi mo alam kung ano ang ginawa mo? Diba dyan ka magaling! Ang manloko. " malamig na sabi nito sa akin. Pilit kung binabawi yung kamay ko sa pagkakahawak niya pero sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa akin. " A-ano ba ang pinagsasabi? Wala akong alam sa sinasabi mo. " Pero mas lalo akong napadaing ng mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak nito sa akin. " Huling-huli kana nagsisinungaling kapa? Diba pinagpupustahan niyo ako ng mga barkada mo. " sobrang lamig nitong sabi sa akin. Bigla akong naguluhan sa sinabi niya. Dahil sa totoo lang, wala talaga akong alam kung ano ang mga pinagsasabi niya. " Wala akong- " Nagulat ako at malapit ng matumba ng malakas niya akong tinulak. Kasabay non ang marahas na pagbitaw nito sa akin at ang pagsigaw nito. " Huwag kanang magsinungaling! Ganyan na ba ang nagagawa ng mga taong desperadang katulad mo?! Akala ko may pagkabaliw ka lang. Yun pala talagang may sira na ang utak mo.Your such a gold digger. " At doon tuluyan ng bumagsak ang luha ko. Hindi ko alam kung saan ang mas masakit. Yung sinabihan kung may sira sa utak o yung sinabihan kang gold digger? Siguro pareho lang. Dahil pinagbibintangan ka ng kung ano-ano na hindi mo alam kung ano ang nangyayari. " Ganya ba talaga ang tingin mo sa akin? " " Bakit hindi pa ba totoo? Kung alam ko lang na ganyan ka pala klaseng tao. Hindi na sana ako pumayag na makalapit ka sa akin. Nakakahiya ka! I'm glad na hindi kita nagustuhan, at wala akong balak na magustuhan o mahalin ka man lang! Nakakaawa ka. " sabi nito at iniwan akong mag-isa doon. Agad akong napahawak sa may sasakyan dahil pakiramdam ko matutumba ako. Hindi ko alam! Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyayari. Ang sakit, napakasakit! Dahil wala pa man, wala na akong pag-asa sa kanya. Ang mas masakit, hindi niya man lang ako binigyan ng pagkakataon o alamin kung ano ang nangyayari. Kung bakit siya nagagalit. Mukhang hindi kuna kailangan pang sabihin sa kanya kung ano ang importanteng dapat niyang malaman. Dahil alam kuna kung ano ang magiging resulta. Masakit man, pero dapat akong maging malakas para sa sarili ko at sa amin. *PRESENT* Napagising ako ng maramdaman kung may mga maliliit na kamay na hinihimas yung mukha ko at maging sa paa ko na kinikiliti pa. Nanatili akong nakapikit at nagkukunwaring natutulog parin, hanggang sa maramdaman kung pareho na nilang hinahalikan ang mukha ko at doon na ako kumilos. " Got you. " nakangiting sabi ko at sabay silang ikinulong sa mga bisig ko. At saka umikot para magpalit kami ng pwesto. " Makulit kayo ha. " nakangisi kung sabi sabay kiliti sa kanilang dalawa, dahila para tumawa sila. " Hahahaha! Mommy! Stop na po! Hahaha! " " Mommy! Hahaha! Mommy! " Kinikiliti ko silang pareho kasabay ng pagtawa ko. Ang sarap kasi nilang pagmasdan. Napatigil lang ako ng makita kung pareho na silang nanghihina. " Good morning my Angels. " nakangiting bati ko sa kanila at pareho silang hinalikan sa noo. Umalis na kami sa kama at lumabas ng kwarto saka pumunta sa kusina para ipagluto sila ng agahan. Nang matapos akong magluto pinagtimpla ko naman sila ng gatas nila at sabay na kaming kumain na tatlo. At pagkatapos naming kumain, pinaligo at inayusan kuna sila saka ko na rin inayusan ang sarili ko pagkatapos nila. " Mommy, faster! Malelate na po tayo. " rinig kung sigaw ng anak kung babae sa labas ng kwarto. Napapailing nalang ako habang nilalagay ko sa bag ko ang iba ko pang mga gamit saka lumabas ng kwarto. At bumungad sa akin ang nakabusangot na mukha ng anak ko. Napangiti nalang ako at umupo para magkapantay kaming dalawa. " Ang aga-aga nakasimangot ka. " sabi ko sa kanya. " Bakit kasi ang tagal mo Mom. " medyo inis nitong sabi sa akin. Hinawakan ko yung pisngi niya sabay pisil doon. Hindi naman malakas, mahina lang. Ayaw ko namang saktan yung anak ko no. " Kasi po, Baby. 6:55 palang ng umaga, at 8:00 pa po yung pasok natin. " nakangiting sabi ko sa kanya. Natigilan naman siya sa sinabi ko at mukhang napapaisip pa. At maya-maya malapad itong ngumiti sa akin. " Hehehe! Sorry po! Excited lang po kasi ako Mommy. " cute nitong sabi. Napangiti nalang ako saka binitawan na yung mukha niya. Baka kasi hindi ko mapigilan na diinan yung pagkakahawak ko sa pisngi niya, mamula pa. Nakagigil kasi. " Nasaan ang kuya mo? " tanong ko ng kanina ko pa napapansin na wala sa tabi niya ang Kuya niya. " Nasa baba po. Inuubos na naman yung yakult. " pagsusumbong nito sa akin. Napabuntong hininga nalang ako, at sabay kaming bumaba para puntahan yung kakambal niya na nasa kusina na naman. Pagpasok namin sa loob ng kusina, bigla akong napahilot sa batok ng makitang ilang bottle na ng yakult ang naubos niya. " Henzo Clave! " pagalit kung sabi, dahilan para tumingin siya sa akin. " M-mom. " utal nitong sabi at kita ko sa mukha niya yung takot na nakatingin sa akin. " How many times I told you na nakakasama ang sobrang raming pag-inom ng yakult. " seryuso kung sabi sa kanya. Pero bigla akong naguilty na makita kung mukhang na takot na takot siya at idagdag mo pa yung biglang paglungkot ng mukha niya. " I'm sorry, Mom. " nakayuko nitong sabi sa akin. Dumukwang naman ako ng kunti para magkapantay kaming dalawa. Inangat ko yung mukha niya para iharap sa akin, kasabay non ang pagngiti ko. " Son, hindi kita pinagbabawalan na uminom ng yakult. Pero ng makaubos ka ng sampung bote sa isang araw? Hindi na pwede sa akin yun, anak. 3 or 2 is enough. Naintindihan mo ba ako? " tanong ko na ikinatango niya naman. " Alam mo namang makakasama yan sa health mo diba. Kaya ipromise mo sa akin na hindi na muulit to. " sabi ko pa at sinalubong yung tingin ko. " I won't promise, Mom. " sabi nito. Napabuntong hininga nalang ako. Dahil kapag sinabi na nitong hindi niya maipapangako. Talagang hindi niya maipapangako ang isang bagay. Paano ba naman kasi, talagang paborito nito ang yakult na sadyang may pinagmanahan nga naman. Lagi ko siyang pinagsasabihan sa tuwing nahuhuli ko siyang marami ng iniinom. Kaya lang sadyang matigas talaga ang ulo ng anak ko. " Claire! " " Mom. " " Stop that! And clean your face, aalis na tayo. " sabi ko sa kanya. Ang aga-aga pero parang sasakit ang ulo ko sa kambal na to. Isa pa itong babae ko. Habang pinagsasabihan ko yung kuya niya, siya naman yung sige kain ng chocolate. Kung ang kuya niya ay paborito yung yakult, siya naman ay yung tsokolate. Hindi ko na siya pagsabihan dahil mukhang narinig niya naman kung ano ang sinabi ko sa Kuya niya. Kaya niligpit ko nalang yung pinagkainan nila at pinunasan yung mukha nila. Saka na kami lumabas ng bahay para sa pag-alis namin. Inayos ko muna yung pag-upo nilang dalawa bago ako pumunta sa driver seat para magmaneho. Matagal na itong sasakyan sa akin, hindi naman siya nagmumukhang luma dahil lagi ko itong nililinisan. At may tumutulong din sa akin para sa maintenance ng sasakyan ko. Kaya nagmumukhang bago parin siya kahit na sobrang matagal na ito sa akin. Nakarating ako sa school nila na walang sagabal sa pagmamaneho. Alam niyo na, kung minsan kasi traffic o hindi naman kaya may mangyayaring hindi maganda sa daan. Inalalayan ko silang makababa sa sasakyan pagkapark ko, at saka ibinigay sa kanila yung mga gamit. " Alagaan niyo yung isat-isa, okay. At umiwas sa gulo. " paalala ko sa kanya. Maluko kasi itong kambal ko at ang kulit pa lalo na si Claire. Kaya talagang hindi maiiwasan na mapapaaway silang dalawa. Pero alam ko naman na hindi sila gagawa na gulo kung walang dahilan. " Okay Mom. " nakangiting sabi sa akin ni Claire. Napatingin naman ako kay Clave na tahimik lang. Kaya napaayos siyang tayo ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. " Clave! " " I know, Mom. Dont worry, ako ng bahala kay Helliza. " sabi nito sa akin. Itong mga anak ko, parang mga matatanda na kung umasta, eh ang bata-bata pa nila. Hinalikan ko sila isa-isa sa pisngi bago ako nagpaalam na kanila na aalis na ako. Hindi kuna sila ihahatid sa room nila, dahil kailangan kung maging maaga sa company na pinagtratrabahuan ko. Marami kasi akong trabahong dapat tapusin ngayon lalo na at end of the month.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
40.7K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.5K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.1K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
69.7K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
246.5K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
93.3K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
50.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook