In the past few days, naging busy yung schedule ko. Marami kasi akong inaasikaso sa darating na party ng anak ni Sir. At mabuti nalang naayos ko lahat, tinulongan din kasi ako ni Ma'am sa pag-aasikaso. Kaya medyo naging okay na ang lahat. At ngayong araw na ito gaganapin ang party dahil sa pagkakaalam ko ngayong araw na din dadating yung anak ni Sir.
" Wala ka bang balak magpahinga ngayon? " tanong sa akin ni Troy.
Nandito kasi ako sa pwesto niya, dito ko kasi makikita lahat ng mangyayari ngayong gabi. At isa pa, para may kausap din ako na kakilala ko. Yung iba ko kasing co-workers may kanya-kanyang ginagawa. Kaya mas mabuti ng dito nalang ako sa tabi ni Troy na talagang makakasundo ko.
" Ilang oras nalang dadating na yung anak ni Sir. Kaya kailangan kung siguraduhin na maayos na ang lahat. " sabi ko sa kanya.
Nagpaalam muna ako saglit kay Troy at pinuntahan yung mga bandalist na nasa gitna ng stage para kamustahin sila.
" Ate Clouie! " nakangiting sabi ni Hanz ng makita niya ako.
Ngumiti naman ako dito saka siya niyakap pagkalapit ko sa kanya.
" Kamusta? Maayos na ba ang lahat? " tanong ko sa kanya.
" Mas magiging maayos kung kasama ka namin Ate. " nakangisi nitong sabi sa akin.
" Oo nga Ate Clouie. Nakakamiss kang kasama. " sabi naman nong ka banda niya sa akin.
" Mga loko talaga kayo. Alam niyo namang may trabaho na ako ngayon. " nakangiting sabi ko sa kanila.
Isa si Hanz at ang mga kasama niya sa banda na nasa tabi ko nong mga panahon na kailangan ko ng katulong o kasama sa buhay habang pinagbubuntis ko ang kambal ko. Isang tawag ko lang sa kanila, agad silang dumadating sa bahay para tulongan ako. Kahit na may gig sila. At naging sobrang close din sila ng mga anak. Lalo na kay Hanz na talagang spoiled sa kanya ang kambal.
" Kailan ka dadalaw sa bahay? Hinahanap kana ng kambal sa akin. " tanong ko sa kanya
Napakamot naman siya sa ulo na para bang hindi alam kung ano ang isasagot.
" Sobrang busy kasi yung schedule namin Ate Clouie. Kaya hindi ko pa alam kung kailan ako makakadalaw sa inyo. Namimiss ko na nga rin sila eh. " sabi nito sa akin.
" Ganun ba. Pero make sure na makakadalaw ka sa amin ha. Kung hindi magtatampo ako sayo, lalo na yung kambal. " sabi ko na ikinatango niya naman.
Iniwan ko na sila doon at bumalik na sa pwesto ko kanina, dumating na daw kasi yung anak ni Sir.
Napatingin naman ako kay Troy na mukhang kababalik lang din na nakakunot na yung noo at parang hindi mapakali. Nilapitan ko siya at hinawakan yung balikat niya paharap sa akin para magrelax siya.
" Are you okay? " tanong ko sa kanya.
Napatingin naman siya sa akin. At doon ako nakaramdam ng kaba ng makita ko yung pag-alala sa mukha niya.
" We need to go. "
" Ha? Bakit? " kunot noo kung tanong sa kanya.
" Sinugod sa hospital si Claire. "
Pagkarinig ko non, ako na mismo ang humila sa kanya palabas ng function hall. Kinuha ko naman yung susi ng sasakyan kay Troy at pumasok sa driver set at pinatakbo ng mabilis pagkapasok ni Troy sa passenger set.
Habang nagmamaneho, ilang ulit kung dinadasal na sana walang mangyaring masama sa anak ko. Dahil kapag nagkataon, talagang hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Agad akong lumabas ng sasakyan pagkarating namin sa sinabing hospital. Saka tinanong sa nurse station kung ano ang room ng anak ko. Agad naman akong pumunta sa may room pagkalaman ko ng room number niya.
Kanina lang parang hindi ako makahinga ng maluwag sa sobrang pag-alala. At parang hihimatayin ako sa takot kapag may mangyaring masama sa anak ko. Pero pagkarating ko sa room niya, doon lang ako nakahinga ng maluwag ng makitang tumatawa ito habang kalaro niya yung kapatid niya at anak ni Troy.
" Mommy! " sigaw nito ng makita niya ako.
Ngumiti ako at agad na lumapit sa kanya saka siya niyakap ng sobrang higpit.
" Are you okay, Baby? Wala na bang masakit sayo? " tanong ko sa kanya.
" I'm okay now, Mommy. Magaling po kasi yung Doctor ko. " nakangiti nitong sabi sa akin.
Napangiti naman ako ng makitang maayos na yung kalagayan niya. Bumalik na kasi ying sigla niya eh. Hinalikan ko siya sa noo, ganun din sa kambal niya at maging sa anak ni Troy, bago ako umalis sa kama at lumapit sa mag-asawang Gallego. Lumapit naman sa akin si Lucy saka ako niyakap at hinalikan sa pisngi.
" Anong sabi ng Doctor? " tanong ko sa kanya.
Saglit naman itong tumahimik at ganun nalang ang gulat namin ni Troy ng tumulo na ang luha nito.
" Hey! Babe, are you okay? " nag-alalang tanong ni Troy. " May masakit ba sayo? " dagdag pa nito.
Kahit naman ako nag-alala sa kanya. Hindi kasi namin alam kung bakit bigla nalang itong umiyak. Yumakap naman ito kay Troy at doon niya pinagpatuloy ang iyak niya, saka ito nagsalita.
" I-I'm sorry Clouie. Its my fault, hindi ko naman alam na bawal si Claire sa peanut. Kaya talagang sobra talaga akong kinabahan ng makita siyang naghahabol ng hininga matapos niyang kainin yung sandwish na ginawa ko para sa kanila. Sorry talaga, Clouie. " umiiyak nitong sabi
Bigla naman akong nakaramdam ng kosensya ng marinig ko ang sinabi nito. Sinisisi niya tuloy ang sarili niya, kahit na hindi niya naman talaga kasalanan dahil aksidente lang yung nangyari.
" I'm sorry Clouie. I'm really sorry. " sabi pa nito sa akin.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay niya at nakangiting tumingin sa kanya.
" Dont say that, Lucy. Wala kang kasalanan sa nangyari. Its an accident. In fact, dapat nga ako magthank you sayo.Thank you dahil hindi mo pinabayaan ang mga anak ko. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan, Lucy. " sabi ko sa kanya.
Napangiti naman ako ng bumalik ang sigla sa mukha niya.
" Mom is right Tita. Its not your fault. And thank you dahil dinala mo kaagad ang kapatid ko sa hospital. At kung hindi dahil sayo, baka wala na po akong kapatid. Kaya thank you very much, Tita. " sabi naman ni Clave sa kanya.
Tumingin naman sa akin si Lucy na nginitian ko lang. Ngumiti naman ito saka lumapit kay Clave at niyakap ito ng mahigpit. Napangiti nalang kami ni Troy. At doon ko lang nalaman kung bakit naging emotional si Lucy, dahil buntis pala ito sa pangalawang anak nila. At masaya ako para sa kanila.
Hindi nagtagal sina Troy sa hospital, agad din naman silang nagpaalam sa akin na uuwi na sila ng masigurado ng mga ito na okay na ang kalagayan ni Claire.
Lumabas muna ako sa kwarto at hinayaan munang maglaro ang kambal. Kailangan ko kasing tawagan si Boss para ipaalam sa kanila ang nangyari kung bakit hindi ako nakapagpaalam sa kanila. Bigla akong napangiwi ng makita sa screen ng phone ko na nakakailang call na sila sa akin. Kaya naman ako na ang tumawag sa kanila. Pero unang ring palang nito ay sinagot kaagad nila ito.
" Thank God! At tumawag ka. " sabi nito na hatala sa boses niya na nag-alala siya. " Where are you, Clouie. Nakita kita kanina na nagmamadaling lumabas. Okay ka lang ba? Wala bang may nangyaring masaya sayo? "
Napapailang nalang ako sa sunod-sunod na tanong nito sa akin. Noon pa man ganito na siya sa akin.
" I'm sorry, Sir kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo. May nangyari lang kasi sa isa sa kambal ko. " sabi ko sa kanya.
Bigla akong napalunok ng marinig ko ang boses ng asawa ng Sir na mukhang inagaw pa yata ang phone kay Sir.
" What happened to them, Clouie? May nangyari bang masama sa kanila? Ayos lang ba ang kalagayan nila? Just please, tell me Clouie. " parang nagmamakaawa nitong sabi sa akin.
Humingi naman ako ng malalim bago ako nagsalita.
" They are okay, Ma'am. May nakain lang si Claire na bawal sa kanya kaya nandito siya ngayon sa hospital. Pero huwag po kayong mag-alala, Ma'am. Okay na po siya. " sabi ko naman sa kanya.
Kilala kasi ng mga ito ang mga anak ko, at sobrang malapit ito sa kanila. Kaya ganun nalang ang pag-alalang naramdaman ng marinig nila ang nangyari sa kambal.
" Are you sure, she is really okay? "
" Yes ma'am. "
" Kailangan mo ba ng tulong? Pupuntahan namin kayo dyan. " sabi pa nito.
" Huwag na po, Ma'am. Okay lang po kami dito. Besides pwede na po kaming lumabas bukas sabi ng Doctor. " sabi ko sa kanya.
Matapos naming mag-usap at magpaalam sa kanya. Pumasok na ako sa loob para kamustahin ang kambal at para naring linisin ang katawan nila at bihisan sila. Pagkatapos non ako naman ang nag-ayos. Nagpakuha kasi ako ng mga damit namin kay Troy, at kakadaan niya lang kanina dito para ibigay sa amin ang mga damit namin.
Pero sa totoo lang talagang nakaramdam ako ng takot para sa anak ko ng malaman kung nasa hospital sila. Bawal kasi sa kanya yung peanut, kaya talagang ingat na ingat ako sa mga kinakain niya o nila. May kasalanan din naman kasi ako eh, hindi ko sinabi kay Lucy kung ano ang bawal sa kanila. Talaga kasing naghahabol ng hininga si Claire kapag nakakain siya ng peanut. Namana niya kasi yun sa ama niya na bawal din sa peanut.