Sobrang pagtataka ko ng makauwi kami ng bahay, dahil pagdating namin ay hindi nakalock yung pinto ng bahay nakabukas narin ang ilaw sa loob. Kaya sobrang kinabahan ako ng maiisip kung baka may nanloob sa bahay namin. Kaya pinigilan ko yung mga anak ko bago pa sila tuluyang makapasok sa loob ng bahay. " What's happening, Mom? " inosenteng taning sa akin ni Clave. Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanila. " We have a visitors. " nakangiting makahulugan kung sabi sa kanya. Napangiti naman ako ng makuha kaagad ni Clave ang ibig kung sabihin. Dahilan para hawakan niya sa kamay ang kapatid niya at hinila ito papunta sa sasakyan ko. Tiningnan ko muna sandali ang mga anak ko, bago ako naglakas loob na pumasok sa loob ng bahay. Dahan-dahan akong pumasok at hindi gumawa ng ingay para hindi

