Masamang tingin ang ipinukol sa akin ni Troy habang nilalapag niya sa mesa yung kaluluto lang na ulam. Tinaasan ko lang siya ng kilay, kaya mabilis akong lumayo sa mesa ng babatukan niya na sana ako. " Kahit kailan talaga napakatakaw mo! " inis na sabi nito sa akin. " Anong magagawa ko e ang sarap ng luto mo. " sabi ko sa kanya at patuloy na kinakain yung cheese cake na nasa kamay ko. Kanina pa kasi luto ang niluto niyang cheesecake na isa sa paborito kung mga dessert niya. Kaya pagdating ko sa bahay nila at matapos kung kamustahin yung mga anak ko at sina Tito. Agad akong pumunta dito sa kusina para kumain ng cheese cake na talagang paborito ko noon pa. Ang sarap kasing magluto ng kaibigan ko. " Mana talaga sayo ang mga anak mo. " sabi pa nito sa akin. " Malamang! Ina nila ako. " sab

