Karina’s POV “Thanks Mark. I really appreciate it.” Buong puso kong pasasalamat kay Mark. Kagaya ng ipinangako niya, he let me stay at his sister’s condo. Mahigit isang linggo din akong nagkaroon ng time na makapag-isip-isip. I enjoyed every single moment of being alone thinking and crying. Tapos na! Finally, natanggao ko ng hindi na talaga ako magagawang mahalin ni Ethan. Lalo na ngayon na nalaman niyang niloko ko lang siya. Nagkasundo na rin sa wakas ang isip at puso ko na tuluyan na siyang kalimutan. “You’re very much welcome. Ako nga ang dapat magpasalamat sa iyo. I received a text from Twinkle saying there were some establishments requesting for additional copies of our magazine. To think na kahapon lang naming iyon ni-release.”

