WALA ring silbi ang under probation ni Rina kay Ave dahil eto na nga halos hindi na niya alam ang uunahin habang hinahanda na nila ang mga kakailanganin nila para sa nalalapit na kasal. Oo kasal katuladna lang ng sinabi nito sa kanya noon lamang nakaraang araw. Para tuloy siyang dinaanan ng bagyo sa dami ng mga bagay na kakailanganin niyang aprubahan. Oo dahil ang gunggong na si Ave ay hinanda na pala ang lahat at tanging mga minor changes na lang ang kailangan base sa gusto niya. Halatang planado na planado na ng loko ang lahat. Nakakahiya naman na magreklamo siya dahil kitang kita niya ang sabik sa mga mata ng magulang ni Ave na magpapakasal na ang binata hindi rin niya masisi ang mga ito dahiil napakatagal ng inantay ng mga ito para lamang maging maayos ang lahat. Pasalama

