Isang napakagandang ngiti ang ibinigay niya rito bago nila narinig ang tawag ng ina nito mula sa kung saan. “Oo nga pala ipapakilala ko nga pala sa`yo ang mga magulang ko.” Anito saka siya hinila. “Ang tagal din na panahon na ginusto ka nilang makilala pero dahil sa sitwasyon na kinasuungan natin noon sa palagay ko eto `yung tamang pagkakataon na makilala mo sila.” Hind niya tuloy mapigilang kabahan iilang beses pa lang niya kasi nakilala ang Hari at Reyna, sa mga pagkakataon na iyon ay madalas na ang kanyang ama lamang ang kumakausap sa mga ito. “Do you think they will like me?” nagaalangang taong niya habang hila-hila siya nito. Sa mga nasaksihan ng mga ito kanina hindi siya sigurado kung tatanggapin siya ng mga ito sa pinakita niyang galit kanina.

