kabanata 7

2674 Words
"Ang galing mo naman," hindi ko maiwasan na ngumiti ng purihin ako ni tito Luther habang gumagawa ako ng turon na specialty ni nanay. Nilalagyan kasi ito ng macapuno kaya mas naging malasa at masarap. Yun nga lang, dahil mahal ang macapuno ay hindi nilalagay ni nanay para itinda lang. Ginagawa niya ito kapag may special na okasyon sa bahay. "Hindi naman po ito mahirap gawin, madali lang po." nahihiyang sagot ko habang nilalagay ang naluto ko sa isang pinggan. "No, believe me, at your age? I find it amusing.. Bree didn't even know how to cut a banana.." naiiling na salita habang malaki ang ngiti. Wow! Kitang kita sa mukha ni tito Luther ang pagmamahal niya kay Bree kahit wala itong alam gawin na kahit anong gawain bahay. Isa pa, gustong gusto kong tumingala para pigilan ang pag-agos ng dugo sa ilong sa pag-eenglish nila. Kailangan ba talaga english magsalita? Baka maging anemic na ako kung sila ang kausap ko araw araw. "Kaya niya din po ito," ngumiti ako at nilapag sa harap niya ang turon na naluto ko. "Kung susubukan niya po." sagot ko. Titig na titig ako kay tita Sasha na marahan pang hinihipan ang turon na nagawa ko. Pigil na pigil ako sa paghinga. Natatakot kasi ako na baka hindi sila masarapan. Kung ikukumpara mo naman kasi ang gawa ko sa nakakain nila? Walang wala ito. The only difference is, buong puso ko ang binigay ko sa paghahanda at pagluluto niyan. "I guess, but knowing Bree? She doesn't even have a single a fiber to do the kitchen stuffs. Ang alam lang naman non ay mag make-up at shopping." Si Kaio. Bigla nalang siyang lumabas sa likod ni tito Luther. Minsan nakakagulat din iyan eh, bigla bigla nalang sumusulpot. "Lucas, she can do whatever she want." si tito Luther na pinagtatanggol pa si Bree. Kaio rolled his eyes at tumabi kay tita Sasha. "Whatever dad.. Si Bree naman ang mahihirapan. And goodluck to her future husband." nagkibit balikat siya sabay subo ng turon. Natigilan ako ng magkatinginan sila ni tita Sasha. Kumunot ang noo ni tito Luther habang nakatingin sa dalawa. Ako naman ay natigilin din. May mali ba sa ginawa ko? Hindi ba masarap? Bakit ganyan ang titigan ni tita Sasha at Kaio? "What?" si tito Luther ang bumasag sa katahimikan. Nanatili ang titig ko sa kanila dahil sa kaba. Bakit ganoon ang reaksyon nila? "Ganitong ganito yung dinadala sa ating turon ni tito Blake." manghang mangha si Kaio habang patuloy ang pagnguya. Blake? Sino naman iyon? Napatingin si tito Luther kay tita Sasha ng kunot ang noo. Umiwas siya ng tingin at sumubo ulit ng isa. "Don't look at me like that, Luther. Si Lucas ang nagbanggit kay Blake." umirap pa siya at kumagat ulit.. "Not me." nagkibit balikat siya at nagpatuloy kumain. Nag igting ang panga ni tito Luther na bumaling kay Blake. "Oh--cmon, dad. Tito Blake was gone, move on move on din... At totoo naman na kalasa ng turon niya ang ginawa ni Astrid." kibit balikat niya. Huminga ako ng malalim. Kahit hindi ko sila naiintindihan.. Somehow, nakahinga ako dahil nagustuhan nila ang gawa ko. I don't know what's wrong with me pero gustong gusto kong pagsilbihan sila.. Like, I want to please them. Kung tatanungin ako kung bakit? Even me, hindi ko kayang masagot. The only fact here is magaan ang loob ko sa kanila. Like I'm their family. Pinilig ko ang ulo ko sa mga naiisip ko. I know it's not good. Pero may parte pa din sa sarili ko na hindi mapigilan ang nararamdaman ko para sa pamilya ni Bree. I feel like they're my family too. "Sino ang na-miss niyo?" sabay sabay kaming napatingin sa pumasok sa kitchen. Isang magandang babae at dalawang lalaki ang nasa likod niya. Hindi ko inakala na ganito kaganda ang lahi ni Bree. Like, God made them with so much effort. "Kristele," si tita Sasha, mabilis siyang tumayo at malaki ang ngiti na lumapit sa babae. "Draco, Darton," si tito Luther naman ay lumapit sa dalawang lalaki sa likod niya. "Did you buy the new Iphone for me, tita?" bungad ni Kaio sabay halik sa pisngi ng babae. The girl rolled her eyes dramatically. Iniabot niya kay Kaoi ang isang paper bag na may design na apple. "Yes!" halos mapatalon si Kaio. "You're the best." tsaka siya humalik sa pisngi nito. "Thank you, tita.." si Kaio. "No prob, Kai." sagot nung babae. Napatingin sa akin yung babae na nanlalaki ang mga mata kaya napaatras ako. "Is that you, Bree?" lumawak ang ngiti niya sabay lakad papalit sa akin. Kabang kaba ako. Bakit Bree ang tawag niya sa akin? Hindi ako makasagot. Ni hindi nga ako makailing sa sobrang kaba. "Dalaga kana," sagot naman nung dalawang lalaki na napatingin na din sa akin. Magsasalita na sana si tita Sasha ng mabilis na nagsalita yung si tita Kristele. "What the heck are you wearing?" lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko sabay baling kaliwa at kanan. She's pretty, but she's prettier when she's closer. "Kung kelan ka nagdalaga tsaka ka naging ganyan. And your hair, OMG! super dry na siya. Bakit ang dugyot mo?" Tumaas ang kilay niya sa akin. "A-ano po.." "Anong ano po?" pagalit na salita niya. Hinila niya ang kamay ko kaya lalo akong kinabahan. "Teka--" hindi pa natatapos ang sasabihin ko ng barahin niya na naman ako. Grabe naman ang tita ni Bree. Super ganda nga, para naman armalite kapag nagsalita. "Don't teka- teka me, Bree, ha" dama ko ang iritasyon sa boses niya kaya napabuntong hininga nalang ako. Natigilan lang siya ng nakatingin sa amin ang lahat. "Whut?" iritableng tanong niya sa kanila. Natawa si tita Sasha at maraham umiling. "You've been gone for three years, sis. She's not, Bree." umiling ulit siya. "Whut?" gulat na gulat siya. "For real?" tanong nung isang lalake habang titig sa akin na kunot ang noo. Napatingin siya kay tito Luther sabay balik sa akin. Tumango si tito Luther at nagkibit balikat. "No way!" bumaling ulit sa akin si tita Kristele at sinuri ako mula ulo hanggang paa. "Si Bree ka diba? Tanong niya sa akin. Natawa na ng tuluyan si tita Sasha at Kaio. Umiling ako at yumuko sa sobrang hiya. Marahan niyang binitawan ang kamay ko. "But--" Naputol ang sasabihin niya ng biglang lumabas si Bree kasama si Rajan. "Gosh! Tita Kristele!" nagtitili si Bree at tinakbo ang pagitan nila ni tita Kristele. Kumunot ang noo ni tita Kristele habang palapit si Bree. "Ang weird.." bulong niya. Pagdating ni Bree sa harap niya ay ngumiti ito ng bahagya. "Hi tita, how was your flight?" ngiting ngiti si Bree sa tita niya. Tipid ulit ngumiti si tita Kristele at bumaling sa akin. "Oh-- by the way she's my bestfriend.. Astrid." pakilala niya sa akin. "Hello po.." medyo nahihiya pa ako. "That's explain kaya magkahawig kayo?" sagot ni tita Kristele. Magkahawig? Saan banda? Nakikita ba niya ang huge difference namin ni Bree? "No.. the girl kinda look like Luther.." natatawang sagot nung isang lalake. "Really?" sagot ni Bree na nakangiti. "Baka may anak ka na hindi mo sinasabi sa amin dude?" natatawang salita ng isa ang lalake. "What the f**k, Draco?" naiiling na natatawang salita ni tito Luther sa kanya. I find it weird.. Hindi ito ang unang may nagsabi na kamukha ko si tito Luther. Even mister Simon na bestfriend niya ay ganyan din ang reaksyon ng makita ako. May resemblance ba talaga kami? Bakit hindi ko makita? And hello? Duling ba sila o bulag? "Enough, tara sa living room." pagputol ni tita Sasha sa usapan. She looked at me with apologetic eyes. Ngumiti ako para ipaalam na ayos lang ako. Lumapit si Bree kay Rajan. "Wait lang, babe, huh?" sagot niya dito. Blangko lang ang mukha ni Rajan na tumango sa kanya. So what to do? Wala pa ang lolo ni Bree. Ano kaya ang ipapagawa non sa akin? At bakit wala pa siya? "Wait, Astrid.. Raj will entertain you.." ngumiti siya at kumindat. Oh**** bakit kailangan kay Rajan ako maiwan? Di ba pwede na isama nalang niya si Raj? I know myself that I have this sort of feelings for him. Hindi naman malalim, but still, mayroon. Hindi ako nagsalita hanggang makaalis si Bree. I can't look at Raj. Tumalikod ako at nagsimulang magligpit ng mga pinagkainan. Isang tikhim ang ginawa ni Raj kaya napapikit ako ng mariin. Bakit ang awkward? It shouldn't be right? Hindi naman alam ni Raj na may crush ako sa kanya. "Hindi mo trabaho yan," salita niya ng mailapag ko ang mga pinggan sa sink. Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya. He's looking at me intently kaya napaiwas ako ng tingin. "Trabaho ko na din ito," simpleng sagot ko at nagpatuloy sa ginagawa. Nag-igting ang panga habang titig na titig pa din sa akin. Umiling si Raj at tumayo palapit sa akin. My heart beats eraticaly. Yung t***k na parang lalabas na ang puso ko sa dibdib ko. Kalma, Asrtid. "Put that down," he commanded. Puno ng authoridad ang bawat salita niya. He's not asking me, he's literally commanding me. "Pero--" nanginginig na sagot ko. "No but's," matigas na sagot niya. Para akong robot na tumango at marahan nilapag ang mga hawak kong baso. He smirked. "Why are you here?" humalukipkip siya sa harap ko. Pwede bang magpreno siya sa kakatingin sa akin? He's making my knee trembled. "Dahil sa lolo ni Bree.. Scholar niya ako diba?" sagot kong nauutal. Tumango siya at dinilaan ang labi niya kaya napaiwas ako ng tingin. Rajan is perfect, napakswerte ni Bree sa kanya. Pero kapag naiisip ko ang sinabi ni tita Sasha.. I want to ask him kung may feelings din ba siya kay Bree. Pero, ayokong manghimasok. Ayokong isipin niya na nangingialam ako sa buhay nila, niya. At wala naman talaga ako dapat pakialam diba? "I know, kaya nagtataka ako why you're doing that, scholar ka.. Hindi ka katulong." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Hindi naman sa ganon.. I just want to give back the favor they have given me. "It's my only way of saying my gratitude to them." Ngumiti si Rajan at tumaas ang kilay. He looks so amused. "You're really nice and humble, Astrid.." ngumiti siya. "That's why I like you.." natigilan si Raj. Ako naman ay napatingin sa kanya na laglag ang panga. Like? Ano daw? Nabibingi ba ako or assuming lang ako? that..maybe.. Umiling ako sa katangahan na naiisip ko. Paano ako magugustuhan ni Rajan? Compare to Bree, walang wala ako. Parang may dumaan anghel dahil wala nang kumibo sa aming dalawa. Nakahinga lang ako ng dumating si Bree. "So are you two good? Bakit ang tahimik niyo?" natawa siya ng bahagya. Ngumiti ako ng tipid. Si Rajan naman ay naging blangko ulit. I can't look at Bree's eyes. Feeling ko kasi ay niloko ko siya pero hindi naman. Ayoko nito. Ayoko ng nararamdaman ko.. Mabait si Bree sa akin.. I owe her what I have now.. "May naghahanap kay Astrid sa labas.." napatingin kami kay nanang Opel na bigla nalang pumasok. She was looking at me. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ayaw sa akin ng yaya ni Bree. Pakiramdam ko ay sinasaksak ako sa bawat tingin niya sa akin. "Sino daw?" si Bree. "Anton daw." sagot ni nanang Opel tsaka kami nilagpasan. Napatingin ako sa orasan nila, halos mag aalasais na pala pero hindi dumating ang lolo niya. "Who's Anton?" takang tanong ni Bree. "Kuya ko," sagot ko na hindi pa din makatingin sa kanya. "Aalis kana?" biglang sagot ni Raj. Napalunok ako at nagsimulang magpalpitate ulit ang puso. Kumunot ang noo ni Bree at nagbalik balik ang tingin sa amin. Lalo tuloy naging awkward. "Bree come here!" isang sigaw ang bumali sa pinaka awkward na pangyayari sa buhay ko. "Uh, uuwi nako." sagot ko na hindi pa din makatingin. "Bree!" sigaw ulit ng tita Kristele siguro niya. I never heard tita Sasha shout like that though. "Coming!" sigaw ni Bree. "Sorry, Raj, can you accompany her to the gate? Sasabihin ko nalang na uuwi kana.." ngumiti ulit si Bree kahit puno ng pagtataka ang mga mata niya. "Sure." simpleng sagot ni Rajan. "Take care, Astrid! See you at school." humalik si Astrid sa pisngi ko. Tumango lang ako ngumiti. Okay..here we go again.. Rajan and I? Goodness! "Susunduin ka pala.. I thought I can take you home." salita ni Raj habang naglalakad kami. Bakit ba ang layo ng gate mula sa bahay? The more time with Raj, the more awkwardness I felt. "Ah.. Oo, eh.." tipid na sagot ko. Ayokong magsalita masyado dahil ayokong magkamali. Minsan.. Medyo mali mali pa naman ang lumalabas sa bibig ko. Tanaw ko si kuya sa gate na matalim ang titig sa amin ni Raj. Lumunok ulit ako ng magtama ang mga mata namin. I don't get it. I've never been this close to kuya Anton. I never thought that he could be this protective to me. Dati naman kasi ay baliwala lang ako sa kanya. Madalas kung tignan niya ako ay para akong baso na kailangan ingatan dahil baka mabasag ako ano mang oras. But right now? His eyes were like daggers. "Kuya.." sagot ko ng makalapit sa kanya. Tumingin siya sa akin at bumalik ang tingin kay Raj. Blangko ang mukha ni Raj pero lumaban sa tingin ni kuya. Nakakatakot. Nakakatakot dahil para silang magsusuntukan any moment. "Lets go," malamig na salita ni kuya na matalim pa din ang titig sa akin. Tumango ako at hindi nagsalita. Kumakalabog na naman ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay may ginawa ako na hindi nagustuhan ni kuya. At totoo? Kakaiba at mas malakas ang kabog ng dibdib ko pag nagtatama ang mga mata namin kuya. Nag igting ang panga ni Raj nang bumaling ako sa kanya. Umamo ang mga mata niya at ngumiti sa akin. "See you at school then?" salita niya. Ngumiti ako at umiwas ng tingin. Pakiramdam ko kasi ay namula ang pisngi ko sa ngiti ni Rajan. Isang tikhim ang narinig ko kasabay ng paghila ni kuya sa kamay ko. Hindi na ako nakabaling kay Rajan. Mabilis ang naging byahe namin pauwi. Tahimik lang si kuya na halatang iritable ang itsura. Badtrip kaya siya? Madilim na ng makarating kami sa bahay. "Nay!" sigaw ko pero walang nagsalita. Marahil ay wala siya dito. Alam kong wala din si tatay at kuya Jigs. Madalas kasi ay madaling araw na sila umuuwi. "Ano mo iyon lalake na iyon, Astrid?" napatigil ako ng magsalita si kuya. His face was stern, tila ba pinaghalong galit at irita. Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa mga mata ni kuya. Kumunot ang noo ko ng makitaan ng pain ang mga mata niya though he looks tough. Unti unti siyang humakbang palapit sa akin.. Umatras ako pero napako ang likod ko sa pader hanggang nakalapit siya. Seriously? Rajan can make my heart beats so fast. But kuya Anton can make it beat even faster. Ikinulong niya ako gamit ang magkabilang braso niya. Galit pa din ang itsura niya habang nakatingin sa akin. "Do you like the guy?" matigas na naman ang ingles niya kaya namamangha ako. Parang hindi siya si kuya.. Parang ibang tao ang nasa harap ko. Lumunok ako at nag iwas ng tingin.. Hindi ko kayang sumabay sa tingin niya. Para akong nanlambot at nanghina. Hinawakan ni kuya ang baba ko at itinaas para magkatinginan kaming dalawa. Nag-igting ang panga niya, paulit ulit. "Feelings is like magic baby.. Sometimes it's illusion, so don't get tricked.." Ano daw? Bakit sinasabi ito sa akin ni kuya? Ano ibig niyang sabihin? At bakit ganito siya sa akin? "You understand baby?" lumambot ang boses niya. Bumaba ang tingin niya sa labi ko sabay iwas ng tingin. Nagpakawala siya ng mura at mabilis na tumalikod sa akin. "Naiintindihan mo ba ako, Astrid?" salita niya. Napasinghap ako at inahon ang sarili mula sa pagkakalunod. "Oo." sagot ko kahit hindi ko naman talaga siya maintindihan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD