kabanata 8

2339 Words
Maaga akong nagising. Narinig ko kasi si nanay na naghahanda na ng mga kakanin para ilako sa palengke maya-maya. Hinayaan ko nalang din ang sarili ko gumising kahit ang totoo ay hindi naman talaga ako nakatulog masyado. Nawiweirduhan kasi ako kay kuya Anton. Tsaka, hindi ko talaga siya maintindihan. At nabagabag ako sa hindi ko alam na dahilan. Pinilig ko ang ulo ko. Marahil ay pinoprotektahan lang ako ni kuya. Ako lang naman ang babaeng kapatid niya diba? Bunso pa ako. Yun lang yon diba? Syempre! Gusto kong batukan ang sarili ko. Ano pa ba ang gusto ko? Kapatid ko siya.. Imposible naman.. Pumikit ako ng mariin. Kapatid ko si kuya diba? Naiisip ko palang ay kinikilabutan ako pero may bahagi sa akin na---- "Aga mo nagising," napatalon ako at napahawak sa dibdib ko ng lumabas si kuya Anton sa likod ko. Hindi ko gusto itong awkward na pakiramdam. Hindi ko dapat nararamdaman ito. Pero bakit nararamdaman ko? Nakapantalon siya pero walang pang itaas na damit. Ang buhok niya ay may bahagya pang tumutulong tubig. Halata na kakaligo lang niya. Umiwas ako ng tingin ng dumako ang mga mata ko sa katawan niyang lantad. Goodness! Maganda ang katawan ni kuya. Perpekto at maayos ang pagkakahulma. Hindi ako sigurado kung ano ang pinag-gagawa niya pero sigurado akong hindi siya mapapagiwanan, itabi mo man siya sa mga sikat na modelo. "Ok ka lang?" nagtama ang mga mata namin ni kuya. Bahagyang tumaas at kilay niya at halata ang multong ngisi sa kanyang labi. Lumunok ako at tumango. "Oo naman.." sagot ko. "Parang hindi naman," nakatingin pa din siya sa akin habang pinupunasan niya ang buhok niya. Umirap ako ng palihim.. Bored ba siya sa buhay niya? Bakit ako ang pinapahirapan niya. Ugh. At paano niya ako pinahirapan? Ako lang yata ang nagpapahirap sasarili ko. Kuya ko siya, end of story. Ano pinaglalaban ko? Nagkibit balikat nalang ako at nilagpasan siya. Kung ano ano ang nararamdaman ko nitong nakaraan sa pagiging mabait ni kuya. Nababaliw na yata ako. "Nay," malambing na salita ko. Pumwesto ako sa likuran niya at niyakap siya ng mahigpit. Miss na miss ko na ang nanay ko. "Ano nanaman ang kailangan mo, Astrid?" seryosong sabi niya kaya napanguso ako. Grabe naman si nanay. Bakit ang cold niya ngaun? May problema pa din ba siya? "Nay, naman e," nanatili akong nakayakap sa kanya."Miss lang kita, bakit ang sungit mo?" Bumuntong hininga si nanay at hinarap ako kaya napabitiw ako sa yakap sa kanya. "Pagod lang ako," tipid siyang ngumiti. Parang kinurot ang puso ko. Halata na ang katandaan dahil sa wrinkles ni nanay sa noo at sa gilid ng mata. Masyado na ba akong nalibang kila Bree? Nakalimutan ko naba ang pangarap ko para sa pamilya? Para kay nanay? Bakit pakiramdam ko naging kumportable ako sa pansamantalang sarap ng buhay na naiibibigay sa akin ni Bree? "Magpahinga ka muna, Nay.. Tignan mo ang itsura mo.. Para kanang zombie." salita ko. Tahimik pa din si nanay kaya lalo akong nabagabag. Kung nasa normal siya ay malamang kanina pa siya nagsasalita ng kung ano ano. Medyo rude pa naman siya kapag nakikipag biruan sa akin. Lumabas si kuya Anton na ayos na ayos na. Hindi manlang siya nilingon ni nanay kaya kumunot ang noo ko. May problema ba silang dalawa na hindi ko alam? Tumingin si kuya sa akin at bumaling ulit kay nanay na hindi talaga siya pinansin. Bumuntong hininga si kuya at lumapit kay nanay. "Nay, sabi ko sayo mananatili ako. Bakit ganyan ka pa din?" tila ba hirap na hirap si kuya. Mananatili? Aalis ba si kuya? Ano ang pinag-uusapan nila. Hindi ko sila maintindihan. "Sige na, Anton. Wag natin yan pag-usapan ngaun." tumingin si nanay sa akin. Pati tuloy si kuya ay napatingin sa akin. Napahilamos siya ng dalawang kamay niya sa mukha at tumango kay nanay kahit hindi naman ito nakatingin sa kanya. Hahalik sana si kuya sa ulo ni nanay pero umiwas si nanay. Nanatili akong nakatingin. May problema talaga sila. Ngaun ko lang nasigurado na may problema si nanay at kuya. Kung ano man iyon, malaki ang naging epekto nito kay nanay. Sa huli, inayos ko nalang ang sarili ko para pumasok. Ayoko na din kulitin si nanay dahil alam kong hindi niya ito sasabihin sa akin. Kung ano man iyon away nila ni kuya. Alam ko na dadating ang panahon ay malalaman ko lang din iyon. Sa ngaun, bibigyan ko sila ng space para maayos nila kung ano man ang problema nila. Sana lang ay hindi malala dahil nakikita ko na apektado talaga si nanay. Nakarating ako sa school na medyo late na. Naipit kasi ako sa traffic at hinintay ko pa na umalis si nanay kahit hindi niya ako pinansin. "Astrid!" nakangiti si Bree habang nakaupo sa dulong side kung saan nasa likod niya sila Betina. Nakataas ang kilay nila sa akin pero hindi ko nalang pinansin. "Bakit ngaun ka lang?" masayang masaya si Bree. Umupo ako sa tabi niya at inilapag ang bag ko sa desk. "Natraffic ako, e."sagot ko. Minsan hindi ko maiwasan kasi na mailang sa kanya. Masyado siyang maganda at iba sa akin kaya hindi ko mapigilan ang insecurities ko. Mabait siya, pero hindi ko naman maitatago na malayong malayo kaming dalawa. "Mayroon tayong retreat.. Alam mo naba?" tanong niya sa akin. Lalo akong nailang ng pumangalumbaba siya at tumitig sa akin. "Of course hindi niya alam.. How can she pay the bill huh? Duh!" singit ni Betina sa likod. Kumunot ang noo ni Bree at haharapin sana sila ng pigilan ko siya. "Kausap kita?" sagot ni Bree na halatang nagpipigil ng galit. Natawa ng bahagya si Betina at hinarap Claire. "Ikaw ang kausap ko diba girl? Bakit may epal?" umirap siya at hinawi ang buhok. "Stupid--" hindi na natuloy si Bree sa pagsugod ng hawakan ko ang braso niya. Tawa ng tawa si Betina kaya halata na inis na inis si Bree. "Wag mo na pansinin," salita ko. Wala naman siyang mapapala. Besides, baka dumami ang record namin kakaway nila. Syempre madadamay ako dahil hindi ko naman iiwan sa ere si Bree. I just want peace. At ayokong matanggal ang scholar ko at mapahiya sa lolo niya. "Such a good girl. Kainis ka." umirap si Bree. Hindi ko alam kung galit siya sa akin pero halata na iritable siya. Ano ba gagawin ko? Kahit matanggal siya sa scholar, she will still live a very well life. Pero ako? I badly need this. Tumahimik ako at bumuntong hininga. Sometimes hindi ko alam kung matutuwa ako or maiinis sa pagiging straight forward ni Bree. Pero on the other hand, gusto ko yung ugali niya. Makikita mo sa kanya kung masaya siya at ipapakita niya din seyo kapag galit or naiinis siya. "Hindi ko alam." sagot ko sa tanong 5 kanina. Totoo naman na hindi ko alam. Kelan ba iyon sinabi? Bakit di ko alam? "Okay," bumuntong hininga din siya. "Sorry for the atittude. Ayoko lang kasi na nagpapa-api ka." sagot niya. Napangiti ako ng bahagya. Palaban at matapang siya but she's the sweetest. "Don't worry about me.. As long as hindi ako sinasaktan physically.. I'm fine." sagot ko. "Bahala ka nga, ang bait bait mo.. Hayaan mo papatayuan kita ng rebulto." umirap ulit siya kaya natawa ako at nailing. Hindi kasi magaling magtagalog si Bree, so nakakatuwa kapag tagalog siya magsalita. Dumating na ang prof namin kaya natahimik ang lahat. Salita ng salita ang prof namin kaya lahat kami ay nakatingin sa harap. Minsan kasi bigla yan gagawa ng debate ng biglaan. Jist like now. "How can you say that you're a real woman?"biglang tanong niya. Ayan na naman siya. Walang nagsalita kaya ginawa niya ang usual na ginagawa niya. Bumubunot kasi siya ng dalawang tao na magbibigay ng opinyon o pananaw nila. "Ms. Dela Fuente and Ms. Dela Cruz, stand up." nagkatinginan kami ni Bree. Sigurado ba na kami ang nabunot? Lumunok ako ng maunang tumayo si Bree. Kabang kaba ako at mabagal na sumunod sa kanya. Nakakatakot pa dahil lahat sila ay tahimik at talagang literal na nakatingin sa amin. "Who will speak first?" tanong ng prof. Nagkatinginan ulit kami ni Bree. "Ako po." sagot ni Bree. Tumayo siya sa gitna at inayos ang straight at makintab niyang buhok. She's very confident and proud. Sabagay.. May K naman siya. Tumikhim muna siya at ngumiti. "Uh, for me, ma'am. You can say that you're a real woman if you have the brain, the beauty and money. We're on the 20th century now. You're succesful and real when you have those." sagot niya. Napatingin ako sa klase. Yung iba ay umiling at iba namam ay tumango. Ang prof naman namin ay nagtaas ng kilay at tumango. What now? Ngumiti si Bree at lumapit sa akin. "Your turn. Wag kang kabahan.." Ngumiti ako ng tipid at lumakad sa harap. The usual. They are staring at me like I did a crime. Goodness! "Ano po," halos magbuhol ang dila ko. Natawa pa sila Betina sa likod pero hindi ko pinansin. Tumingin sa kanila ang prof kaya natahimik sila. "Yes, Ms. Dela Cruz?" "Pwede po ba tagalog ma'am?" sagot ko. Pakiramdam ko kasi ay mas mapapaliwanag ko ang sagot ko kapag tagalog ito. Though I know it supposed to be english. Nagtawanan ang klase kaya tumayo ang prof at hinarap sila. Yumuko ako ng bahagya dahil nakaramdam ako ng hiya. "Go ahead Ms. Dela Cruz." Tumango ako. "Una, para sa akin.. Ang pagiging matagumpay ay hindi nababase kung matalino ka, maganda o maraming pera," napa- oooo ang klase sabay tingin kay Bree. Napatingin ako sa prof namin na bahagyang tumango. Sa itsura niya, parang intiresado siya sa sasabihin kaya nagkaroon ako ng bahagyang lakas ng loob. "Lahat naman kasi ng iyan natutunan at napapagtrabahuhan. Yung talino? Nananiniwala ako ng walang taong bobo. Mayroon lang talagang tao na mahina ang pang-intindi pero kapag naturuan ay matuto at magkakaroon ng talino. Ganda? Ginawa tayo ng diyos na mayroon iba't ibang ganda. Sa magkakaiba paraan nga lang--" "Parang wala ka naman non." sabat nila Betina kaya sinamaan sila ng tingin ng prof. Nagpatuloy ako at hindi sila pinansin. "Tsaka, yung iba ganda peke nalang because of how hightech our world now. I still want the natural beauty at ang ganda, kumukupas at naluluma sa pagtanda ng panahon. Pera? Everyone can earn money. Money can earn through hard working." huminga ako ng malim. "Pagiging totoong babae ay sa kung paano ka aakto bilang babae, bilang tao. You should know how to respect other people. Ano man ang estado nila sa buhay. You should have a heart to everyone. Most of all, giving all of you when someday you'll build your family of your own.. Para po kasi akin, pamilya lagi ang una. Having simple life and taking care of your family. Do the responsibility and love your family unconditionally. Being a real woman not only revolves around material things. Being a woman is having a heart." Natihimik ang klase. Pati ang prof namin ang natahimik kaya kinabahan ako. Hanggang.. Nagulat ako ng isa isa silang nagpalakpakan. May sumigaw pa na pang Ms. Universe ang sagot ko. Hindi ko alam kung tatakbo ako o magtatago pero nanatili akong nakatayo. Napangiti ako sa prof namin na may ngisi sa labi habang pumapalakpak."Very well said, Ms. Dela Cruz." salita niya kaya napangiti ako at nakahinga ng maluwag. Lumapit ako kay Bree na tahimik at tulala. Hinila ko siya. Nagpahila naman siya sa akin hanggang makarating kami sa upuan namin. "Ayan kasi, porke may pera akala naman niya kung sino na siya. God! Si Astrid tinalo ka?" parinig ni Betina. Natigilan ako. What? Tinalo? Dama ko na bahgyang nanginig si Bree at kumuyom ang kamao. "Okay, this is the best debate ever. God job! You may all go now."salita ng prof sabay alis. "Ang galing mo, Astrid.." bati ng mga kaklase ko na dumadaan. Hindi ako makasagot. Puro ngiti o tango lang ang nagawa ko dahil nabobother ako kay Bree na tahimik lang. Wala nang tao sa room kundi kami lang ni Bree. Hindi ko alam how will I approach her dahil tahimik lang siya. "Why are you two still here?" napatingin ako kay Rajan na bigla nalang dumating. Hindi ako nagsalita at ganoon din si Bree. Masyado siyang tahimik kaya nababahala talaga ako. May nagawa ba ako? Tumingin sa akin si Rajan at tinuro si Bree. Nagtataka siguro kung bakit tahimik. Umiling ako at nagkibit balikat. "I got humiliated.." mahinang salita niya tsaka mabilis tumayo at lumabas ng room. Ano daw? Para akong napako at hindi nakagalaw.. Kumunot ang noo ni Raj pero hindi din siya gumalaw. "What happened?" tanong niya. Hindi ako nakasagot dahil kahit ako ay hindi ko alam. Napahiya siya? Paano? Dahil sa debate kanina? "Nagdebate kaming dalawa kanina and then--" "Your answer was better than her I bet?" ngumisi si Rajan habang umiiling. No! Hinding hindi ko sasabihin yon. We're just having debate. Magkaiba kami ng opinyon. Yun lang yon. Hindi ko alam na didibdibin iyon ni Bree. "I think you need to follow her," Kumunot ang noo niya. "Pinapaalis muna ako?" "Hindi tama na kasama kita dito, she needs you.." muntik pa ako madulas. Ayoko malaman niya na alam kong hindi talaga sila ni Bree. "But I want you." seryosong salita niya. Natahimik ako. Bahagyang bumilis ang t***k ng puso ko. Bakit ginagawa sakin ito ni Rajan? Masama ang loob sa akin ni Bree. At ayokong lumaki iyon dahil sa ginagawa ni Rajan. I will never let our friendship be ruined by some guy. Kahit crush ko si Rajan at gustong gusto ko kiligin. I still value Bree's feelings. "Stop, Raj. Go follow her." salita ko hindi makatingin. Nag-igting ang panga niya. "I followed her and wasted three years of my life, Astrid! I'm done with that when I met you.. I won't follow her even if you say so. Because right now.. I want to stand for what I really want.. At ikaw yon." salita niya tsaka ako tinalikuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD