Episode 1

953 Words
[Miranda's POV] Hindi ko alam, kung sadyang malas ako sa pag-ibig o talagang hindi itinakda sa akin ang magkaroon ng nobyong matino. Ganito na lang ba ang buhay ko? Palaging niloloko o di kaya naman ipinagpapalit sa iba.  Wala silang ginawa sa akin kung hindi saktan ang damdamin ko. Minahal ko naman  sila ng totoo, kahit ako na nga ang nagbibigay ng mga bagay sa mga nagiging boyfriend ko. Kapag anniversary namin, ako ang naghahanda ng date para i-celebrate ito. Pero sadyang kulang ang mga ginagawa kong effort, para manatili sila sa piling ko. Niloloko pa rin nila ako. Ang hindi ko lang talaga maibigay ang sarili ko. Kaya kong ibigay ang material na bagay, huwag lang ang puri kong pinakai-ingatan ko. Kaya siguro ako iniiwan dahil doon. Ang babaw naman ng dahilan nila kung ganoon. Isa lang masasabi ko sa kanila. Manloloko sila. Kung makaapi sila sa akin wagas. Bakit raw ako nag-iinarte?  Hindi naman raw ako kagandahan at wala akong K as in karapatan na magmalaki dahil hindi naman raw ako ka-seksihan. Mga bitter kasi at hindi nila nakuha ang V card ko. Magdusa sila, neknek nila.  Pero malas talaga ako. I'm single again. I ended up in my relationship with my last boyfriend. Ilang months na lang pala mag-trenta na ako. Napag-iwanan na nga ako ng mga ka batchmate ko noong college. May mga asawa at mga anak na sila. Ang mga anak nila nasa high school na.  Iyon ang mga classmate ko na maagang nagsipag-asawa. Samantalang ako wala pa. Nga-nga. Ano ba ang mali sa akin? Maganda naman ako. Period wala ng kasunod. Buti pa ang mga kapatid ko naunahan pa akong mag-asawa. May kanya-kanya na silang mga pamilya. Samantalang ako humihiling sana isang araw ma-meet ko na ang man of my dream. Pero kailan ba iyon? Mayroon kaya akong nagawang kasalanan noong nakaraan buhay ko at pinaparusahan ako ng diyos? Napabuntong hininga na lang ako. Iyon na lang kasi ang magagawa ko wala ng iba. Papasok pa lang ako sa bago kong trabaho. Nagresign na kasi ako sa dati kong trabaho sa maynila.  Kailangan ko kasing dito na lang sa probinsya mag-work at malapit lang para naman may makakasama ang mga magulang ko. Matatanda na rin naman sila. Ako na lang rin sa magkakapatid ang wala pang asawa. Hindi naman malayo sa lugar namin ang pinaka-city kung saan ako nagwowork. "Good morning Mira," napatingin ako sa harap ko. Nginitian ko ang bumati sa akin ang naging close ko dito sa work. Siya si Alehlie Devega. "Good morning din. Himala ang aga mo ngayon, ah?" lagi kasi nale-late ito, kung hindi naman sakto sa pagpasok sa work. "Siyempre naman, para naman masilayan ko ang boss nating hot at super guwapo. Grabe, Mira, nalaglag panty ko."  Napapailing na lang ako sa babaeng ito ang OA. kilig na kilig sa boss namin. Totoo naman makisig nga ang boss namin. Nakakahiyang humarap sa kanya dahil napakaguwapo niya.  "Tumahimik ka nga diyan baka marinig ka. Ang aga-aga puro ka kahalayan, "sabi ko "Ito naman si Manang, ang KJ ah? Nandiyan na ba si hotty boss?" tanong niya sa akin. "Oo, yata hindi ko sure kadarating ko lang din naman," sabi ko sa kanya.  Pumunta na ako sa cubicle ko. Kailangan ko pala tapusin ang mga paper na pinapa-encode sa akin ni Madam. Napatingin ako sa bumukas na pintuan ng department namin at pumasok ang hot at handsome naming boss.  Hindi ko maiwasan na titigan siya sa mata. Kulay blue ang kanyang mga mata. Ang matang iyon na kinababaliwan ng mga babaeng nagpapantasya ng palihim sa kanya.  Sa hindi sinasadya nagkatitigan kaming dalawa. Parang magnet ang kanyang tingin na hindi ko magawang umiwas. Diyos ko kahit ilang months na akong nagwo-work dito, naasiwa pa rin akong tingnan si Sir Drake. Nakakapanghina ng tuhod.  Ang guwapo na at ang hot hot pa niya. Kung nakakalaglag ng panty ang ibang poging lalaki. Si Sir Drake nakakawasak ng panty, isali mo pati ang bra. Napakagat ako ng labi sa na-imagine ko. Nai-imagine ko naman kasi na wala na akong panty ngayon.  Oh my god! Kakaiba naman kasi tumingin si Sir Drake, pailalim at nang-aarok. Ewan ko ba parang may something sa tingin niya sa akin. Or nagha-hallucinate lang ako or feelingera lang talaga ako.   Feeling ko napaka-sexy ko sa paningin niya. Hindi ko namalayan napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng kabog nito, may naramdaman akong kakaiba. Hindi ko maipaliwanag. "Good morning, Sir," bati ng mga kasama ko.  Ako naman ay naumid ang dila ko, dahil sa kaguwapuhan ni Sir. Palihim akong napahawak sa baywang ko kung intact pa ang panty ko. Oh, di ba maka-intact ako, feeling ko naman nawasak ang panty ko.  "Good morning everyone. Nandito na ba ang Supervisor niyo?" tanong nito kay Ahlehlie na nakatulala na.  "Sir, wala pa po siya. Baka parating na po iyon," napayuko ako ng dumapo ang tingin niya sa akin.  Bakit ba ang feelingera ako ngayon or matagal na akong ganoon. Binutingting ko ang mga papel na nasa lamesa ko. Nakaayos na iyon pero ginulo ko pa. Nate-tense ako sa boss naming hot.  Siniko ako ni Ahlelie. "Hoy bakit mo ba ginugulo ang mga papeles diyan sa table mo? Maayos na nga," bulong sa akin ni Ahlelie.  Palihim ko itong inirapan. "Paki mo ba," mataray na bulong ko.  "Ang taray, ha? If I know tense ang beauty mo. Nakatingin kasi si Sir Drake sa iyo, oh?" bulong nito.  Siyempre para masigurong nakatingin si Sir Drake sa akin. Sinulyapan ko ito. Laking dismaya ko dahil wala na roon ang boss naming pogi.  Biglang tumawa ng malakas si Ahlelie. Napasimangot ako dahil naloko ako. Ganoon naman yata palagi akong niloloko kagaya na lang ng mga ex-boyfriend ko. Nakakainis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD