Episode 2

1136 Words
[Miranda's POV] "Miranda, tawag ka ni Madam, may papa-edit yata sa'yo," sabi ng ka officemate kong  si Erik. Tumayo ako para puntahan ang supervisor namin. Nang nasa tapat na ako ng office niya. Kumatok muna ako ng dalawang beses. "Come in," narinig kong sabi ni Madam. Iyan kasi ang gusto niyang itawag namin sa kanya. Ayaw niya ng Ma'am masyado na daw gamit na. Para maiba naman, Madam na lang ang tawag namin sa kanya. "Madam, pinapatawag niyo po ako?" pumasok na ako.  Sinenyasan niya akong umupo. " Here's the paper you need to edit. The boss need it by tomorrow morning. Paki-print na lang, then photo copy mo na din," tumango na lang ako.  Kinuha ko na ang mga folders at nagpaalam na lumabas.  Napabuntong hininga na lang ako. Hay, mapapasabak  na naman ako sa encoding nito. Ang dami nito, kailangan ko itong matapos bago mag-uwian. Baka mag-overtime ako pa nito.  Sa sobrang dami ng ginawa ko ngayon araw. Hindi ko na namalayan na uwian na pala. Napainat ako ng braso ko. Ang sakit ng likod at mas Lalo ang mga mata ko. Nakita kong nag-uuwian na ang mga iba kong ka opisina. Buti pa sila pauwi na. Ako mayroon pa akong gagwin. Well konti na lang naman ito. Kaya konting kembot pa.   "Hoy, Miranda, uwian na nandiyan ka pa. Mag-overtime ka ba?" tanong ni Alehlie sa akin. "Oo, eh, kailangan kong tapusin ito. Kailangan ito sa meeting ni boss bukas. Mauna ka ng umuwi. Kaunti na lang naman ito matatapos ko na," sabi ko sa kanya.  Napahikab ako dahil inaantok na din ako. Napahawak ako sa tiyan ko ng makaramdam ng pagkalam ng sikmura. Walanghiya naman buhay ito. Naduduling na ako sa harap ng monitor ng computer. Blurry na ang tingin ko sa bawat letter. "Okay, ingat ka na lang sa pag uwi, ha," nagpaalam na rin siya at lumabas na ng office.  Dahil sa gutom na ako at antok minadali kong tapusin ang ine-encode ko. Napasandal ako sa upuan ng matapos ko sa wakas. Salamat sa diyos! Aleluyah! Inilagay ko sa mga folder ang in-encode ko. Bukas ko na lang i-xerox. Agahan ko na lang ang pagpasok. Nagpasya akong pumunta ng C.R para umihi at mag-retouch ng mukha. Siguradong haggard na haggard ang face ko dahil sa stress sa trabaho ko ngayon. Para akong nakipaghabulan sa zombie. Hindi na yata ako tumayo mula kaninang lunch nang sinimulan ko ang  encoding. Ang dami naman kasi.  Napadaan ako sa office ng boss namin. Napatigil ang beauty ko ng may narinig akong ungol, hindi isa- mga ungol. Napahawak ako sa dibdib ko. Hala, baka may multo dito?  Dahil dakilang tsismosa ako sinilip ko ang loob ng office ni Sir Drake. Nakabukas ng kaunti ang pinto. Kaya malaya kong naitulak ng kaunti. Nanlaki ang mata ko dahil sa nasaksihan ko.  Napasandal ako sa pader at napatakip sa bibig ko. Oh my god! Ang boss kong hot at ang secretary niya may ginagawang milagro. Nakita ko kasi ang puwit ng Secretary ni Sir habang hinihimas niya ito. Likod lang nakikita ko habang ang babae nakaupo sa kandungan ni Sir. Hindi ko naman Makita ang mukha ng boss ko kasi nakatakip ang hubad na katawan ng Secretary niya.  I knew it may something sa kanila. Kung makatingin kasi ang babaeng iyon kay Sir Drake ang lagkit. Parang kalamay.  Tumalikod na ako. Ayokong makakita ng nag-aanuhan. Hindi ko keribels. My god grabe tambol ng dibdib ko. Feeling ko lalabas na sa ribcage ko. Ngayon lang ako nakakita ng angsesex.  Tumakbo ako sa C.R. at nilock ko ang pinto. Para akong may ginawang kasalanan sa lagay na ito. Nang mahimasmasan sa nakita. Marahan kong binuksan ang pinto ng C.R. at sumilip kung may tao sa labas. Nang masigurong wala naman nagmadali akong naglakad paalis.  Nakakahiya naman ang dalawang iyon. Wala silang delikadesa sa office pa ginagawa iyon? Nakahinga ako ng makalabas ng building. Diyos ko hindi ko akalaing makakakita ako ng scandal on the spot. Ang baboy talaga ng boss namin. Bumaba tuloy ang tingin ko sa kanya. Super crush ko pa naman siya. Parang ngayon hindi na yata. Habang naglalakad patungo sa paradahan ng sasakyan. Napatili ako ng may humawak sa kamay ko. "Ahh..." sigaw ko.  Napalingon ako sa humawak sa akin. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Sir Drake. Hala, paanong napunta si Sir dito? Nandoon lang siya nakikipaga-anuhan sa Secretary niya, ah?  Ano siya si The Flash? "S-Sir Drake, anong ginagawa niyo dito?" tanong ko.  Alam ko naman na pauwi na siya. Pero hindi ako makapaniwala na nandito siya. Ang bilis naman nilang natapos. My god Mira ano ba itong naiisip ko.  "Are you alright? Para ka kasing nakakita ng multo? May nangyari ba?" tanong nito.  Oo may nangyari. Na-witness ko lang naman ang karumaldumal na ginagawa niyo ng Secretary mo. Sabi ko sa isip lang . Hindi ko na lang isinatinig mabuko pa ako.  "Hindi ba kayo Sir galing sa office niyo?" lakas loob na tanong ko.  Gusto ko lang makasiguro. Nalukot ang noo ni Sir Drake sa tanong ko.  "No, kakagaling ko lang diyan sa isang restaurant may ka-meeting kasi ako. Why did you ask?" hala sino 'yung nakita kong kalampungan ng Secretary ni Sir? "Wala naman po Sir, akala ko po kasi galing kayo sa office niyo. Sige po Sir mauuna na po ako. Bye po." Tumalikod na ako upang pumunta sa abangan ng jeep.  "Ms. Miranda." Napahinto ako ng tinawag niya ang pangalan ko. Nagsimula na naman tumibok ng mabilis ang puso ko. Dahil kilala niya ako. My gosh alam niya ang name ko! "Sumabay ka na sa akin. Ihahatid na kita baka mahirapan kang sumakay." sabi nito.  Gusto ko sana magpakipot pa pero hindi na ako tumanggi. Masama tumanggi sa grasya. Kaya go lang ang beauty ko. Masisilayan ko pa ang kaguwapuhan ni Sir hotty. Napakagat ako ng labi.  Parang gusto kong umawit ng pasulyap sulyap.  Pasulyap-sulyap kat kunwari'y Patingin-tingin sa akin Di maintindihan ang ibig mong sabihin Kung mayro'ng pag-ibig ay Ipagtapat mo na sa akin Agad naman kitang sasagutin Napapangiti ako ng palihim. Kinagat ko ang labi ko para hindi umalpas ang ngiti sa labi ko. Napapalingon sa akin si Sir hotty. My gosh ang hot niya talaga!  Sinabi ko sa kanya ang way ng bahay namin. Iisang way lang pala ang dadaanan namin ni Sir papunta sa bahay niya. Narating namin ang bahay ng wala naman traffic. Bumaba na ako ng sasakyan niya.  "Sir, Salamat po sa paghatid. Nakakahiya naman po,"  Diyos ko ngayon pa ako nahiya naihatid na nga ako.  "It's okay. Goodnight Ms. Miranda" Sabi nito.  "Goodnight Sir" sabi ko with matching ipit ng buhok sa taynga ko.  Nginitian ako ni Sir at kinindatan pa ako. Napatulala ako sa ginawa niya. Hindi ko namalayang wala na pala siya sa harapan ko. Nakaalis na ang sasakyan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD