Chapter 4

1141 Words
Pagkagising ni Jacob ay biglang bumalik sa kanyang alaala ang nangyari sa kanila ni Abby. Kaya't napatingin siya sa asawa na mahimbing pang natutulog. Pagkatapos ay malungkot niya itong pinagmasdan at tinitigan sa mukha. "Alam mo naman kung gaano kita kamahal, abby," bulong niya rito. "Pero sana maunawaan mo rin ako bilang isang lalaki." Hahawakan sana nito ang maamong mukha ng asawa ngunit hindi niya nagawa. Naikuyom na lamang nito ang kanyang kamao at napailing ng bahagya. Napasapo rin siya sa kanyang ulo dahil pakiramdam niya ay bigla itong sumakit. At ilang saglit lamang ay dahan-dahan na siyang bumangon at dumiretso sa banyo. Pagkatapos ay agad siyang naligo habang napapaisip pa rin sa mga nangyari. Nang matapos na siyang maligo ay agad na siyang nagbihis ng kanyang uniporme sa pagkapulis. Hindi niya na muling nilingon ang asawa dahil masama pa rin ang loob niya rito. At nang makalabas na siya ay napansin niya ang mga nakahanda sa ibabaw ng lamesa. Naisip niya na iyon ang handa para sana sa anniversary nila. Ngunit binalewala niya na lamang iyon dahil seryoso siya sa bagay na ikinasasama ng loob niya. May kirot man na nadarama ay pinilit niyang lakasan ang kalooban. Gusto niyang maramdaman ng asawa na hindi simpleng bagay ang hinihingi niya rito. Dahil iyon ang magbibigay sa kanila ng isang kumpletong pamilya. At iyon rin ang magiging dahilan ng matibay na pundasyon nila bilang mag-asawa. Napabuntong hininga na lamang siya habang iniisip ang bagay na iyon habang nakatingin sa lamesa. Bakas na bakas sa mga mata niya ang lungkot at pagkadismaya. "Makaalis na nga lang!" bulong nito at napangiti ng mapait sa mga iniisip. Hindi man lang nilapitan ni Jacob ang mga pagkain na inihanda ni Abby para sa anniversary nila. Tumalikod na agad ito at agad na tinungo ang pintuan. At nang makalabas na siya ay binuksan niya muna ang kanilang gate. Pagkatapos ay agad na pumasok sa kanyang sasakyan. Nang mailabas niya na ang sasakyan ay muli siyang bumaba at isinarado ang gate. Pabalik na ulit sana siya sa kanyang sasakyan nang may makaagaw ng atensyon niya. Kaya sandali muna siyang napatingin rito na may lungkot na nadarama. "Take care of yourself, baby, ha! Susunduin kita mamaya," sabi ng isang lalaki sa kanyang anak na babae na may edad walong taong gulang. Kapit bahay lang nila ito kaya naririnig niya ang usapan ng mag-ama. "Yes po, daddy. Hihintayin po kita," sagot naman ng bata at hinalikan sa pisngi ang ama. Napakalambing rin nito magsalita at napakaganda ng ngiti. Kaya hindi naiwasan ni Jacob ang mainggit sa nakikitang eksena. Nang makita niya na nakaalis na ang mag-ama ay nalungkot siya lalo. Gusto niya rin ang gano'n. Gusto niya ang bagay na may tumatawag sa kanya na Daddy. Pero paano? Ayaw pang pumayag ng asawa niya na magkaanak sila. Muli siyang nagpakawala ng isang malakas na buntonghininga bago sumakay ng sasakyan. Pagkatapos ay mabilis niya itong pinaharurot hanggang marating ang istasyon nila. Nang makababa na siya ng sasakyan ay nabungaran niya sa pintuan ang kaibigan niyang si SPO1 Concepcion. Kaya nakaramdam na naman siya ng hindi maganda. Naiinggit na rin kasi siya sa kaibigan dahil may tatlo na itong anak. "Hays, Jacob! Lahat na lang kinaiinggitan mo!" bulong niya sa sarili at napailing kasabay ang mapait na ngiti. Ihahakbang na sana niya ang kanyang mga paa nang maisarado niya na ang pintuan ng sasakyan ngunit isang tinig ang narinig niya mula sa likod. "Parang hindi yata maganda ang araw mo ngayon, ha! Ano bang nangyari?" Agad na nilingon ni Jacob ang lalaking nagsalita sa likuran niya. "Ikaw pala. Halata ba?" Napahawak si SPO1 Concepcion sa gilid ng baba na wari'y binabasa ang itsura ng kaibigan. "Oo pre, e. Ano ba kasi ang nangyari? Nag-away ba kayo ni Attorney Abby?" Napangiti si Jacob sa tanong ng kaibigan. Pagkatapos ay tinapik niya ito sa balikat at inihakbang ang mga paa. "Tara na. Sa loob ko na lang sasabihin," usal nito sa kaibigan habang napapangiti dahil sa pagiging tsismoso. Napakamot na lamang sa ulo si Concepcion habang nakatingin sa kaibigan na naglalakad na papasok sa kanilang opisina. "Ano? Hindi pumayag si Attorney na magkaroon na kayo ng anak?" "'Wag ka ngang sumigaw! Nakakahiya sa makakarinig," saway ni Jacob sa kaibigan nang sabihin na nito ang dahilan ng pagtatalo nila ni Abby. Napatapik naman sa bibig si Concepcion dahil sa inasta niya. "Pasensya na, Pre! Pero bakit raw? Walong taon naman na kayo, ha. Bakit ayaw niya pa?" pangungulit na tanong nito sa kaibigan at naupo pa sa ibabaw ng table ni Jacob. "Hindi ko alam. Basta ang sabi niya, hindi pa raw siya handa. Saka bumaba ka nga riyan sa mesa ko. Bakit d'yan ka na naupo? Kapag nakita ka diyan ni Col Garcia, yari ka!" "Sorry, sorry!" Agad itong umalis sa ibabaw ng table ni Jacob at tumayo na lamang habang hinihintay ang mga susunod na sasabihin ng kaibigan. "Hindi naman siguro makakaapekto sa trabaho niya kung magkakaroon na kayo ng anak, hindi ba? Bakit hindi siya pumayag?" muling tanong ni Concepcion sa kaibigan habang nag-aayos ng mga papeles sa drawer. Napatiim-bagang si Jacob dahil sa sinabi ng kaibigan. Hindi naman talaga makakaapekto sa trabaho ng asawa niya kung magkakaroon sila ng anak. Kaya sa inis niya ay naibagsak niya ang kinuhang mga dokumento sa ibabaw ng mesa niya na ikinagulat ng lahat. Maski si Concepcion ay nagulat sa ginawa ng kaibigan. Ngunit agad rin iyong napawi nang ngumiti si Jacob sa kanya. Ngiting aso. "Kung ayaw niya, sa iba ako gagawa!" biro niya sa kaibigan. "H-ha? Napakamot na lamang si Concepcion sa ulo. Naguguluhan na siya sa kaibigan niya. Hindi niya alam kung galit ba ito o hindi. "Ahmm, Pre! M-maiwan na muna kita, ha. M-may gagawin pa pala ako." Ngumiti ulit ng pilit si Jacob sa kaibigan bago niya ito sinagot. "Mabuti pa nga, Pre. Kasi marami pa akong gagawin rito, e." Matapos sabihin iyon ni Jacob ay agad na itong iniwan ni Concepcion. Napapailing na lamang siya sa kakulitan ng kaibigan. Subalit bago tuluyang lumabas ng opisina si Concepcion ay may sinabi pa ito sa kanya. "Pre, nga pala. May bagong bukas na bar malapit rito sa opisina natin. Balita ko magaganda ang mga chicks nila roon," pang-aalaska pa nito sa kaibigan. Muli na namang napailing si Jacob. "Ikaw talaga, puro ka chicks! Mamaya tubuan ka na ng pakpak diyan!" biro nito sa kaibigan habang napapangiti. Kahit si Concepcion ay natawa rin sa biro ni Jacob. "Mamaya, ha." muling paalala nito bago tuluyang lumabas ng pinto. Nang makalabas na ang kaibigan ay napakuyom ng kamao si Jacob. Hindi parin kasi mawala sa kanya ang sama ng loob. Ngunit kailangan niya muna iyong isang tabi dahil nasa trabaho siya. Napapansin na rin siya ng ibang mga kasamahan niya na kasama niya sa loob ng silid. "Papayag ka rin sa gusto ko, Abby!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD