Chapter 5

1610 Words
Matapos makapag-ayos ng sarili at maisaayos ang mga gamit na dadalhin ni Abby sa kanyang opisina ay agad na siyang lumabas ng kanyang silid. Napabuntonghininga pa siya habang sinasara ang pinto at nakatingin sa doorknob. Inaalala niya pa rin kasi ang asawa. Inangat niya ang tingin at lumingon sa paligid. At nang makita niya ang mga inihanda niya sa lamesa na nakatiwangwang pa rin ay lalo siyang nakaramdam ng lungkot. "Hindi niya man lang tinikman ang mga niluto ko," sambit niya sa sarili. "Malaki ba talaga ang tampo niya sa akin?" Mula sa tapat ng pinto ay dahan-dahan niyang inihakbang ang dalawang paa patungo sa dining table. Pagkatapos ay niligpit na lang ang mga pagkain na nasa lamesa. Hinugasan niya na rin ang mga plato ay inalis ang mga dekorasyon na inilagay niya sa dingding. Mangiyak-ngiyak pa siya habang nililigpit ng mag-isa ang dapat sana ay surpresa para sa asawa. "Jacob, alam ko na marami akong pagkukulang bilang asawa. But I do hope you can understand me. Despite everything, this is for our future." Tears slightly dripped from her eyes because of the sadness she felt. Pakiramdam niya ay napakalaking kasalanan ang nagawa niya. Nang matapos na siya sa kanyang ginawa ay pinahid niya ang kaunting luha na pumatak sa kanyang pisngi. Pagkatapos ay kinuha ang kanyang cellphone sa bag. "Hindi niya man lang naalalang mag-iwan ng mensahe," muli siyang nagpakawala ng buntonghininga at muling ibinalik ang cellphone sa bag. At ilang sandali lamang ay kinuha niya na rin ang susi ng kanyang kotse na nasa loob din ng bag. And after a minute, she finally left their house with sadness. Pagpasok ni Abby ng opisina ay nakasalubong niya ang kanyang secretary palabas ng pinto. "Good morning, Attorney!" bati ng secretary ni Abby. "Good morning, Star," tugon niya rin. Pagkatapos ay agad na siyang tumungo sa table niya at inilapag ang dalang bag. Inilatag niya na rin ang mga paperwork na dala niya. Pero hindi pa nga siya nakakaupo ay muling bumalik ang secretarya niya at may sinabi. "Ahm, attorney, someone wants to talk to you." "Who is that? All right, let them in." "Okay, Attorney." Matapos iyon ay tumalikod na ang kanyang secretarya at may pinapasok na isang babaeng may edad. And base on her appearance, she's not an ordinary women because of her looks. Mukha ring matapobre ang itsura niya at nakaangat ang isang kilay. "Hi, Attorney Abby Bustamante," agad na sambit nito kay Abby. "Hello, madam." Lumapit si Abby at kinamayan ang cliente. "Please have a set, Madam. What can i do for you?" Naupo naman kaagad ang ginang bago muling nagsalita. "Thank you, Attorney. I am, Cynthia Chui. I am here because i need a lawyer for my son. I heard that you are a good lawyer. Kaya ikaw na ang pinuntahan ko," wika nito. Napangiti naman si Abby sa sinabi ng babae. "Nakakataba naman ng puso. Thank you for choosing me, Madam Chui. By the way, what happened to your son, Madam Chui?" "Adrian Chui is his name. He was accused of rape and he was in jail. I know he couldn’t do that. I know my son and I believe what he say." Napalunok ng laway si Abby matapos marinig ang sinabi ni Madam Chui. Mahirap kasi ang kaso na idinudulog sa kanya ng kausap. At ngayon lang siya makakahawak ng ganitong kaso. Bahagya rin siyang natahimik habang nag-iisip. "Hindi madali ang kaso na kinakaharap ngayon ng anak niyo, Madam. But don't worry, Madam Chui. I'll do my best. Pag-aaralan ko ng mabuti ang kaso ng anak niyo." Natuwa naman si Madam Chui sa sinabi ni Attorney Abby. Malaki ang tiwala niya dito at alam niya na mapapawalang sala nito ang anak niya. "Thank you so much, Attorney. I know you can do it. Kaya nga ikaw ang nilapitan ko." "Thank you for your trust, Madam." "Can you find a way to get him out of jail, Attorney?" "The case of your son, Madam, is not a simple. Pero gagawin ko ang lahat para mailabas siya ng kulungan." "I get your point, Attorney. Handa rin akong magbayad kahit magkano mailabas lang sa kulungan ang anak ko. Hindi masamang tao ang anak ko. He doesn't deserve to be in jail. My poor son!" Lumandas ang lungkot mula sa mukha ni Madam Chui habang sinasabi ang mga bagay na iyon kay Abby. Kaya pagkatapos ng usapan nila ay agad na nag-impake ng gamit si Abby para puntahan ang anak ng kanyang cliente. Si Adrian Chui. Magandang pagkakataon rin para sa kanya na puntahan ang bagong cliente dahil nakakulong ito sa presento na pinagtatrabahuhan ni Jacob. Gusto niya rin kasing makausap ang asawa at makapagpaliwanag ng maayos dito. At ilang minuto lamang ay nakarating na siya. Naroon din ang kotse ni Jacob kaya alam niya na nasa loob ng presento ang asawa. Kinuha niya ang biniling pagkain sa restaurant na nadaanan niya kanina habang papunta siya at saka bumaba. Pasado alas-dyes na ng umaga kaya malamang ay gutom na ang asawa dahil hindi ito nag-almusal bago umalis. Nang makapasok na siya sa presento ay si Jacob muna ang hinanap niya. Subalit hindi niya ito makita. Kaya nagtanong na lamang siya kung nasaan ang asawa niya na agad namang tinuro ng mga pulis na naroon. Tinanong niya rin kung nasaan si Adrian Chui at nagpakilala na siya ang abogada ni Adrian. Subalit habang papalapit na siya ay nakita niya ang matalik na kaibigan ng asawa na si SPO1 Concepcion na mainit nakikipag-usap sa isang nakakulong. Sa palagay niya iyon ang kanyang cliente. Pinakinggan niya muna ito at nanatiling nakatayo sa hindi kalayuan. "Ang lakas naman ng loob mong manggahasa e, noh? Sarap mong pagpirapirasuhin, e!" singhal ni SPO1 Concepcion sa cliente ni Abby. Ngunit imbes na magsisi sa ginawa si Adrian ay tumawa pa ito na tila nang-iinsulto at tinalim ng tingin si SPO1 Concepcion na tila may pagbabanta. Tila wala rin ito sa katinuan. Pasinghot-singhot rin ito habang pangiwi-ngiwi ang nguso. "Kalma ka lang, Sir. Hindi naman ako magtatagal dito, e. Parating na ang abogado ko. At balita ko, magaling siya!" Matapos sabihin iyon ni Adrian ay muli na naman itong humalakhak ng tawa. "Kayo talagang mayayaman masyadong mataas ang tingin niyo sa sarili niyo. Alalahanin mo, hindi lahat ng bagay ay nabibili ng pera!" medyo napataas na ng boses si SPO1 Concepcion dahil sa pagkapikon sa kausap. Tumigil sa pagtawa ng nakakaloko si Adrian at tinitigan ng madiin ang pulis na kausap. "Diyan ka nagkakamali, Sir. Lahat ng bagay ay pera ang nagpapagalaw! Kaya 'wag na kayong umasa na mabubulok ako dito! Dahil hindi 'yun mangyayari!" pabalang na sagot nito kay SPO1 na may pang-iinis pa lalo. Subalit isang tinig ang bigla na lamang nagsalita mula sa mainit na pagtatalo nina Concepcion at Adrian. "Tama, marami ngang nagagawa ang pera, Mr. Chui. Pero alalahanin mo, makaligtas ka man sa batas ng tao, hindi pa rin ligtas sa batas ng diyos!" Sabay na napatingin sina Concepcion at Mr. Chui sa deriksyon ng tinig. "Ikaw pala, Pre! Kanina ka pa?" tanong ni SPO1 Concepcion sa kaibigan na si Jacob. "Kararating ko lang. Kumusta dito?" Ibinaling ni Jacob ang tingin sa lalaking nakakulong. Nakatiim rin ang kanyang bagang habang nakapako ang tingin kay Adrian Chui. "Ito, nakikipag-usap sa isang sira ulo. Sarap umbagin ng tao na 'to! Kung hindi lang labag sa batas ay tinuluyan ko na to, e. Ang mga taong tulad niya ay hindi na dapat nabubuhay!" "Hayaan mo na. 'Wag mo na lang kausapin. Saka kahit gaano pa kalaki ang pera niya, hindi na siya diyan makakalabas!" kalmadong usal ni Jacob at tinapik sa balikat ang kaibigan para mapakalma. Maski siya ay nanginginig na rin ang kamay sa galit pero pinipigilan niya lamang ang sarili. "Mga Sir! 'Wag niyo masyadong paasahin ang mga sarili niyo, ha! Baka hindi niyo kayanin kapag nailabas na ako ng abogado ko dito. Ay hindi pala, abogado, abogada!" binalingan ni Adrian ng nakakalukong tingin si Jacob na tila may gustong ipahiwatig. Pagkatapos ay muli na naman itong tumawa. Kaya nagkatinginan sina SPO1 Concepcion at si Jacob na kapwa may pagtataka sa sinabi ni Adrian. "Just like what i said. Makakalaya ako dahil balita ko magaling siya. Hindi na rin masama iyon dahil marami naman akong pera para bayaran siya ng malaki sa oras na mapalaya niya ako." Lalong uminit ang ulo ni SPO1 Concepcion. Pero si Jacob ay pinipilit pa ring ikalma ang sarili. "Marami kaming ebedensya sa 'yo, Mr. Chui. Kaya 'wag mo rin paasahin ang sarili mo na makakalaya ka dahil mapera ka!" sagot naman ni Jacob na may pagpipigil pa rin ng galit. "Well, let see what my money can do. Don't close your eyes. Baka magulat na lang kayo, wala na ako dito," dagdag pa nito na may tuno pa rin na pang-iinis sa dalawang pulis. "Aba'y. . . Magsasalita pa sana si SPO1 Concepcion ngunit may sumabat na sa kanila. "Tama na 'yan mga Sir. Kakausapin raw muna 'yan ng kanyang abogada. Kaya palabasin niyo na 'yan," sabat ni Col Garcia. "Sir!" sabay na sambit nina Concepcion at Jacob. Pagkatapos ay umayos sila ng tayo at nagsaludo kay Col Garcia. Nang marinig ni Mr. Chui ang sinabi ng bagong dating ay agad lumapad ang ngiti niya na wari mo'y nababaliw na. "See!" pagmamayabang pa ni Mr. Chui sa dalawang pulis na kausap. "And later on, i will be out of this f*****g jail!" Napailing-iling na lang si Jacob habang binubuksan ang silda. Pagkatapos ay pinusasan niya si Adrian Chui at ininahatid na sa kanyang abogada. Subalit ng makita ni Jacob kung sino ang abogada na hahawak sa kaso ni Adrian ay nanlaki ang kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD