Nang makabalik sina Jacob at Concepcion sa presinto ay dumiretso sila sa opisina ni Col Garcia. Bakas na bakas rito ang galit mula sa mga mata. "I'm sorry, General. Hindi namin napigilan ang paglaya ni Zion Chui," bungad agad ni Jacob nang makaharap na si Col Garcia at yumuko. Nahihiya kasi siya sa nangyari dahil ang asawa niya ang dahilan kung bakit iyon nakalaya. Bumuntonghinga si Col Garcia at tumayo saka humakbang papalapit kina Jacob at Concepcion. "Naiintindihan ko, Jacob, Concepcion. Pero hindi ibig sabihin na tinatanggap ko ng maluwag ang nangyari. Marami pa rin tayong hawak na ebedensya na nag-uugnay sa tao na iyon. Kaya umaasa ako na hindi kayo bibitaw at hindi kayo panghihinaan ng loob," mahinahong paliwanag nito sa dalawa. "Kasalanan ko ang lahat ng ito, General. Hindi ko

