Chapter 26

1055 Words

Hindi alam ni Abby kung ano ang mararamdaman niya dahil sa libo-libong perang nasa harap niya. At sa tantya niya ay nasa isang milyon ito. Muntik na rin siyang mawalan ng balanse dahil biglang nangatog ang mga tuhod niya dahil dito. Ang pera kasing nasa harap niya ay dahil sa pag-depensa niya sa isang kriminal na dapat sana ay nabubulok na sa kulungan. Hindi siya nag-abogada para lamang sa ganito. Ang gusto lamang niya ay sumunod sa yapak ng kanyang Ama. Ang maging isang magaling na Defense Attorney na walang natatapakang tao. Pero sa nangyari ngayon ay parang nawalan siya ng karangalan dahil dito. "Ano pong gagawin natin sa pera na 'to, Attorney? Idi-deposito ko na po ba ito sa account niyo?" pukaw ni Star sa katinuan niya. Natulala na kasi siya dahil sa mga iniisip. Naninindig na rin a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD