Mula sa tahimik at malungkot na bahay nina Jacob at Abby ay mag-isang kumakain ng hapunan si Abby sa kusina. Pakiramdam niya ay bawat subo niya sa kanin ay hindi niya ito malunok ng maayos. Panay ang sulyap niya sa upuan ni Jacob habang in-imagine niya itong nakaupo at masiglang kumakain kasabay niya. "Jacob. . ." sambit niya sa pangalan nito habang nakikita ang imahenasyon ng asawa na sarap na sarap sa ulam na niluto niya. Napapangiti pa siya habang sunod-sunod na ang pagragasa ng masagana niyang luha. Hanggang sa hindi niya na namamalayan na unti-unti na palang umaangat ang isang palad niya para hawakan ang pisngi ng asawa mula sa imahenasyon niya. Ngunit nang hahawakan niya na ito ay nasagi niya ang baso mula sa lamesa kaya nalaglag ito sa semento at nabasag. Kaya biglang kinabog ng

