MAY POV Tiningnan ako ng halimaw kong biyenan. At kinabahan ako sa mga mapanghusga nyang tingin sa akin. Nauurat ako sa kanya. Hindi ako boxer pero ang sarap sarap lang din nyang sapakin ngayon. Sana talaga ay mabilis lang si Denis sa kanyang pag uwi para hindi na talaga ako mahirapan pang makisama sa bruhang ito. "In fairness, kahit papaano naman ay tumino ang hitsura mo ngayon sa paningin ko. Pero wag mong isipin na isa itong puri or a compliment because clearly, it is not. Mas maganda pa rin si Sarah sa iyo. Milya milya ang agwat ninyong dalawa so dont assume na ikaw ang bagay para kay Denis. Noong una nga, ang akala ko ay muchacha ang pangalan mo at gold diggers ang apelyido mo!" Joke ba itong sinasabi nya sa akin kasi walang nakakatawa dito. Hindi naman ako umaasa na iko complime

