MAY POV "Ano ka ba? Sige ako na ang bahala, nakaka hiya kasi kung lahat ng mga taong dadala sa bday mo may regalo tapos ako wala." "Ikaw, basta wag ka nang gumastos ng malaki. Anyway, tinatawag na ako dad, mamaya na lang tayo mag usap," sabi niya sabay patay ng tawag. Tila ay nag mamadali rin siya kaya hinayaan ko na lang siya. Di man lang kami nakapag i love you sa isa't isa. Binigay kong muli ang cellphone sa tita Mercy na naka simangot ngayon sa akin. "Hay nako! Ayusin mo ang magiging regalo mo sa anak ko ha? Ang gusto ko eh yung bonggang regalo. At isa pa, ang weird naman kung manghihingi ka ng pera tapos ireregalo mo rin sa kanya. Kung ako yan, baka itapon ko pa sa muka mo. Mag effort kang mag bigay ng regalo sa anak ko kasi ikaw ang asawa. And again, ayaw ko na bigyan mo ng kah

