MAY POV Ouch! Tagos sa puso ko ang sakit ng sinabi niya. Si Denis kaya ang naka una sa akin. At di ko rin ginusto na maging isang babaeng bayaran, lalo na't mahirap lang ako at kaming mga mahihirap ay napag kaitan ng mga choices sa buhay. "Ang sakit niyo naman pong mag salita. Si Denis lang po ang lalaking naka table ko at wala nang iba. Siya lang din ang bukod tanging naka relasyon ko. Eh kung kasing yaman niyo nga lang po ako, di ko po papasukin ang ganung klaseng trabaho. High school lang din ang natapos ko," nag titimping sabi ko pa sa kanya. Sa totoo lang, gusto ko siyang sampalin sa kanyang magkabilang pisngi. Pero nirerespeto ko lang siya kagaya ng pag respeto ko sa asawa ko. "Aba at talagang sumasagot ka na ngayon ha! Dati tahimik na babae ka lang, lumalabas na talaga ang ba

