Prologue

1522 Words
Today is a sunny rainy day. Ang g**o, diba? Ang sabi ng lola ko, kapag ganito ang panahon ay may kinakasal na tikbalang. I was so amused by that saying back then, how I was so amused by the word kasal. But not anymore. I release a deep breath. I was running in the hot rain, paano'y ang gagong tricycle na sinakyan ko kanina ay ibinababa ako pagkatapos maaninag ang mukha ko. Bwiset. Lahat nalang ng tao sa lugar na ito'y ayaw sa akin. Palibhasa'y mga inggit sa ganda ko! "HOY SAISSSSS!" Sigaw ng kaisa-isang taong kakampi ko sa lugar namin-ang Trese Dos. Ang lugar na ito ay may halos isang libong populasyon lamang kaya't halos lahat ay magkakakilala na. Kakatwa'y lahat sila'y kilala ako bilang bastos at tarandatado. Well, totoo nga naman kasi, Syx! Bastos at tarandatado ka talaga! "HOYYY!" Lumingon ako sa pinaggalingan ng sigaw at natanaw si Nami at ang kaniyang kunot na noo. Napatawa naman ako sa itsura nya. Panigurado'y nalaman na naman nito ang kalokohan ko kahapon. "Gaga ka, sinira mo raw ang net ng gym?!" Ang net na kaniyang tinutukoy ay ang net na pangvolleyball. Oo, sinira ko ito pero may dahilan ako, 'no! Bakas ang galit sa mukha ni Nami dahil buhay lang naman nyan ang isports na 'yon! Tsk! Kala mo'y pinapakain siya 'non. Ang sakit kaya sa braso ng larong iyan! "Uhm, dahil binastos ako ng coach n'yo?" Rason ko. Nanlaki agad ang mata nya at may pahawak pa sa bibig. Sus, OA talaga! "Sabi na nga ba't manyak yang coach na yan eh! Diba't kinuwento ko sayong nahuli ko yang nagjajakol noon sa gym?! Naku, i-report na natin yan para mapaltan na!" Kita ko pa ang pagtango tango nya na tila ba'y sumasangayon siya sa sarili. Napatawa naman ako. Palibhasa'y ayaw nya sa kaniyang pangit at mabahong coach. Nararamdaman n'ya raw kasi ang tinatago nitong baho, na hindi naman s'ya nagkamali. Talaga ngang mabaho ang coach na iyan mapapisikal o ugali man. "Na-report ko na. Napatalsik na yan kahapon pa." Nanlaki na naman ang mata nya. "Talaga?! Waaaa! Sa wakassssss hindi ko na makikita ang panot na iyan!" Sigaw pa nya na naging dahilan para pagtinginan kami. Nakarinig agad ako ng mga bulungan. "See?! I told you napatalsik yung coach ng volleyball because of Syx!" "I heard sinira rin daw ng Syx na yan ang net ng gym na'tin! Wala talagang hiya!" "Why not si Syx nalang ba ang patalsikin?" "Kasi mauuna ka bago ako." Sagot ko sa huling bulong na narinig ko. Nakita ko ang panlalamig sa mukha nito. Nagtulukan pa silang magkakaibigan bago mag-unahang tumakbo. "Tsk tsk tsk tsk. Mga chismosa nga naman! GAGO KAYO DAMI N'YO EBAS PITIKIN KO MGA c******s N'YO EH!" Sigaw ni Nami sa mga ito. Wag kayo, duwag ang isang yan. Matapang lang naman yan kapag nakalayo na ang mga kaaway o kaya'y nakatalikod. "Tara na nga, male-late na tayo!" Sabay hatak sa'kin nito. Nang marating namin ang room ay bulungan agad ang bumungad sa akin. Kumalat na pala talaga ang ginawa ko kahapon, ang kaibahan lang ay hindi nila alam kung bakit ko ginawa iyon. Tsk. Gan'yan naman talaga ang mga chismosa. Hindi ka pa ba sanay? "Walang first at second periodddd! Sa third period ay wala rin si ma'am pero papaltan s'ya ni Sir Jappp!" Sigaw ng pabibo sa room. Hindi yan class officer pero daig pa ang presidente sa paglaganap ng balita tungkol sa seksyon namin. Isa-isang tumayo ang mga kaklase ko at nagpuntahan sa mga tambayan nilang magkakaibigan. "Boringgggg! Tara na, Sais! Cut na!" Sigaw bigla ni Nami. Pinagtinginan kami ng iilang mga natirang kaklase pero inirapan lang nya ang mga ito. "Oh, rinig n'yo ko?! Sumbong n'yo na! D'yan naman kayo magaling, diba?!" Ani nito na may pa-sensyas pa sa kamay. "Ang ingay mo, Nami! Loko ka, maguguidance na naman tayo at ipapatawag parents mo. Malilintikan ka sa mga 'yon." "Bala na sila! Pagtapos nila 'kong ubusan ng ulam?! Eto mapapala nila, ang pagrerebelde ng inaakala nilang anghel na only dowther! WAHAHAHAHAHA!" Parang tanga pang ani nito. Napa-iling nalang ako sa kapilyuhan nya at iniwan s'ya roon. "H-hoy! T-teka naman! Ano ba't nagmamadali ka? Kating-kati ang puday?!" "Tangina mo. Hindi ako nag-shave." Biro ko pa na ikinatawa nito ng malakas. "Bilisan mo d'yan!" Sigaw ko rito. "Eto na, eto na! Saan ba kasi tayo?!" "Sa dati..." "Saaaaaaaaaaaaaannnnnnn?" "Sa dati nga..." "Sa dattttiiiiiiinggg?" "Sa santa..." "Sa santaaaaaaaa?" "Kay Santa Claus, putangina ka! Ipapabalot na rin kita roon para manahimik ka! Malamang sa Santa Cruz! Saan pa ba?! Gago ka! Dalian mo na d'yan!" Inis kong sabi na pinagtawanan lang ng gago. "Binibiro lang kita! Nagbabaka sakali lang naman po kasi akong sa iba naman po tayo pumunta! Aba'y memoryado ko na ata ang alikabok at bawat agiw ng Santa Cruz?!" Napataas ang kilay ko sa kanya. O.A. ka talaga, Nami! "Tss! Eto na ang huli, kapag wala... aishhh! Basta eto na ang huli!" Kamot ko pa sa ulo. Bwisit! Ubos na rin ang allowance ko kakabalik sa Santa Cruz. Kung sana'y may jeep papunta d'yan edi ayos sana, kaso ay wala kaya napipilitan kaming magtricycle. Na isang daan papunta at pabalik ang pamasahe! Mga sugapa sa pera! Palibhasa'y alam nilang mayaman ang lintek na Nami. "Oh, sandali muna! Pupunta lang ako kay Pae. May ibibigay siya sa'kin na galing kay tita." Si Pae ay kaibigan nya rin. Hindi ko sya ka-close dahil lalaki s'ya at may gusto sa akin. Ayoko sa kanya dahil pangit s'ya. "Hmm, sa gazeboo lang ako." Pagpapaalam ko. Nang makaalis siya ay saka ako dumeretso sa gazeboo ng school namin. Mayroong mga iilang tambay doon pero wala aking pakialam sa kanila. Naglabas agad ako ng yosi at nakita ko naman ang masamang tingin nila sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay at pinagmukhang dirty finger ang isang stick ng sigarilyo dahil inilagay ko ito sa gitna ng nakakuyom kong kamao. "Ampota, masunog sana ang baga n'ya! Tara na nga!" Ani ng isa at sabay sabay umalis ang mga tao roon. Magkakasama pala sila, sadyang may sari-sarili lang kalandian kaya't may sarili ring mundo. Psh, ang papanget naman! Limang minuto na akong naninigarilyo roon ngunit wala pa rin si Nami. Ang tagal! "I am pretty sure that you can see and read, Miss Julio." Napatalon naman ako sa kinauupuan ko ng marinig ang boses sa likod ko! Nang nilingon ko ito ay nakita ko ang talim ng mata ng Student Council President. Sinamaan ko ito ng tingin ngunit tinaasan n'ya lang ako ng kilay. Tangina, heto nanaman ang epal! "Ha?" Tanong ko. "What? Can't you see the no smoking sign, Miss? "HAAA! D'YAN KA NA, PAKYU!" Sabay karipas ko ng takbo. Laptrip ang mukha ng gago! Pano'y ibinuga ko lang naman ang usok ng sigarilyo ko sa mukha n'ya! HAHAHAHA! Bagay lang sa kanya! "Tignan na'tin kung hanggang saan ang tapang mo, Sais!" Tila mikropono nitong sigaw. Tsh! As if matatakot ako sayo, nerd! Hindi pa ako nakakalayo ng biglang magring ang cellphone ko. Tumatawag si Nami. "Sa'n ka na?" Tanong ko. "Yun na nga eh! N-nandito na k-ko sa kotse ni Kuya T-tyron." Napataas naman ang kilay ko. Si Tyron ay ang nakakatandang kapatid ni Pae. Kasalungat ni Pae, gwapo ang isang 'to kaya't 'd na nakakatakang baliw na baliw si Nami sa kanya. "Gaga ka, anong ginagawa mo d'yan?! Kala ko ba cut?!" "E-eh! Sorry na, Sais! Promise babawi ako! Pagpunta ko kasi sa classroom ni Pae eh nandon si Kuya Tyron para sunduin si Pae, kaso nga lang ay may research pa raw sila. Tapos ang gagong Pae nakalimutan ang ipinapabigay ni tita kaya eto pupunta kami sa bahay n-nila! Hehehe! Sorry na, ha?! Alam mo namang landi lang ang alam ko sa buh-putangina nandito na s'ya! Bye!" Sabay baba nito ng linya. Psh! Paasa! Manloloko! Gunggong! Pinagpalit ba naman ako sa lalaki?! Hmp! Hindi ko na iyon inisip pa at pumunta na sa gym. Meron kasing pinto dito na magdadala sa labas kaya eto ang ginagamit ng maraming studyante para nagcut. Buti nga ay walang nagsusumbong. Nang makalabas ay pumara agad ako ng tricycle. "Santa Cruz ho." Nakita ko ang pagtaas ng kilay n'ya. "Aba'y malayo ang Santa Cruz, hindi na kaya ng gasolina ko yan. Sa iba ka nalang." Sabay karipas nito ng takbo. Aba'y gago! Pumara ulit ako ng isa ngunit nanliliit lang ang mata nila sa akin at nilalampasan ako. Huhuhu! Nami! Inaaway nila 'ko! Bakit mo kasi ako iniwan! Alam ko naman. Kasalan ko ang galit na nararamdaman ng tao sa'kin sa lugar na 'to. But I didn't expect them to treat me like an outcast. A virus that needs to perish. Yes, I have done something horrible. But I thought they will understand. They are the people who has seen me grow, who knows me more than anyone, I didn't expect them to judge me so quickly. Gan'on nga siguro ang buhay. Kahit gaano ka pa kabuti buong buhay mo, sa oras na may isa kang nagawang pagkakamali ay kamumuhian ka na ng lahat. Just one fire and everything's gone. And I am my own arsonist End of Prologue.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD