Chapter 1: Fool

1525 Words
Syx Point Of View Greens. All I can see is the color green. Trese Dos never failed to amazed me. It has the most beautiful scenery in town and I will never get tired of looking at it. I felt home whenever I see this green town. But the people in it despise me, and thus the reason why I felt like my home has become my own nightmare. Napabuntong hininga nalang ako.Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nanlumo. Hanep, dalawang oras na pala akong naghihintay ng masasakyan. Kung hindi lang talaga importante ang pupuntahan ko ay hindi naman ako magtatyagang manuyo ng mga tricycle driver dito. Huhu, bakit mo ba naman kasi ako iniwan Nami? Ayaw tuloy nila akong isakay. Kada punta ko sa Santa Cruz ng mag-isa ay never akong nakasakay ng maayos. Kapag si Nami naman ang kasama ko ay agad akong nakakasakay, kaso nga lang ay inooverprice naman ng mga tricycle driver ang presyo dahil ang pamilya lang naman ni Nami ang pinakamayaman sa syudad namin—ang Trese Dos. "Seems like the karma has done it's work, huh?" Napa-irap nalang ako sa ere ng marinig na naman ang nakaka-iritang boses na 'yon. He's Hidan, everyone. Our school's student council president and biggest nerd. He's running for valedictorian and has never failed an exam. Ni ang magkaroon ng isang pagkakamali imposible sa kanya! He's like the real life google who knows everything! But no, he's not the stereotype nerd. He doesn't wear a round glasses, his hair aren't messy, he doesn't carry books around, he doesn't have a brace and he doesn't look like a wimpy kid. He is a damn hotty who can make anyone drool. He has this pair of brown eyes that will surely captivate you, a thick eyebrows that will makes you jealous, a freaking red lips that will make you wants to kiss him, a high-bridged nose and a damn good body. For sure merong abs 'tong gagong 'to. But no, he's not my type. Why? Dahil epal s'ya! Lahat nalang ng ginagawa ko ay pinapakeelaman nya! Isang maling galaw ko lang ay nasa tabi ko na s'ya, pinagsasabihan ako which is so damn irritating. He is not my family nor friend. He's a stranger to me! Pero kung pagsibahan nya ko ay daig pa si Nami na s'yang pinakamalapit sa 'kin. He's a damn mystery to me! "Bakit ba kada galaw ko nalang ay pinapakeelaman mo, ha?" Inis na baling ko rito. Wag n'ya na sana kong inisin pa dahil mainit na ang ulo ko kakahintay ng masasakyan sa ilalim ng napaka-init na panahong 'to. "Because I'm the president of the student council and I felt responsible kapag nadudungisan ang pangalan ng school dahil lang sa isang matigas na ulong studyante kagaya mo." Tinignan ko s'ya ng masama ngunit nginitian n'ya lang ako ng may halong sarkismo. He then sat beside me and pull out his phone. Nagpipindot s'ya roon at ng matapos ay ibinalik n'ya na ito sa bulsa n'ya. Napakunot ang noo ko. Ang kapal ng mukhang tumabi sa akin! "Bakit ka ba tumatabi sa akin?! Kala ko ba ay dinudungisan ko ang pangalan ng school na iyong pinakamamahal, ha?!" Taas kilay kong tanong dito. "Sabihin nalang nating wala akong choice. Ayokong mangalay kakahintay sa sundo ko, Sais." Tss. Ayun pala ang kinalikot n'ya sa cellphone n'ya kanina. Nagpasundo siguro. Nerd talaga, hindi man lang kayang umuwi mag-isa! At teka, uuwi? Oras na ba ng uwian? Parang hindi pa naman, ah? May dalawang oras pa bago ang uwian. Ano kayang ginagawa ng gagong ito dito? Putcha! Wala ka dapat pake sa kanya, Sais! Wala! "Wala akong pake! Basta siguraduhin mo lang na wag didikit yang balat mo sa balat ko, ha?!" Ani ko sabay layo rito ng ilang pulgada lang naman. Ang bango n'ya eh, ang sarap amuyin. "If you say so." Parang walang pakeng ani naman nito. Bwisit! Napakawalang kwenta talaga ng lalaking ito. Ilang minuto pa ang lumipas at wala na kaming kibuan ng lalaki sa tabi ko, nang may dumaan biglang tricycle. Tumayo agad ako at sinubukan itong parahin ngunit tulad ng dati, nagtuloy-tuloy lang ito na parang hindi ako nakita. Napakamot nalang ako sa ulo at bumalik sa inuupan ko kanina. May dumaan ulit na tricycle kaya't pinara ko ito ulit, at hindi na naman ako pinansin! Okay, chill, Sais. Kaya mo yan! Kaunting tyaga pa! Babalik na sana ako sa kinauupuan ko ng mahagip ang tingin ng nerd sa tabi ko. Nakatagilid ang ulo nito sa akin habang kumukurap ng mabagal. Tila may gustong sabihin. "What?" tanong ko rito na kaniyang inilingan. Psh. Ilang minuto pa ang lumipas ng may humintong sasakyan sa harap namin. Nagliwanag agad ang mga mata ko. Sa wakas! Huhu, my effort has been paid off! Ito na ang sagot sa mga dasal ko! "Sir Hidan! Sasakay ka ba?! Aba'y dito ka na sa akin at bibigyan pa kita ng discount." Nakangiti pang aya nito sa lalaking nasa tabi ko. Wow, may special treatment? "Ay, hindi ho eh. Pero s'ya po ay kanina pa naghihintay." Baling nito sa akin. Napangiti agad ako. "Oho! Aba'y kanina pa nga ako naghihintay! Buti nalang po at mabait ka hindi tulad ng iba d'yan! Naku—" Naputol ang sasabihin ko ng magsalita ito. "A-ah, gan'on ho b-ba? Osige sir! L-larga na 'ko, ingat nalang h-ho!" Sabay karipas nito ng takbo sa tricycle n'ya. WHAT THE f**k WAS THAT?! Aba'y isa pang gago ang isang 'yon! "Tangina mo! Gago! Ma-flatan ka sana!" Sigaw ko rito. Ayoko na! Pagod na "kong manuyo sa mga gagong driver na ito! "Hey, Syx! Wag ka ngang magmura." "Wala kang pake! Bwiset! Magsama-sama kayo, tangina n'yo! Mga wala kayong kwenta! You all irritates me!" Sabay hablot ko sa bag ko at alis sa lugar na 'yon. "Bwisit, maflatan sana lahat kayo. Tapos masira yang sasakyan n'yo sa hindi mataong lugar! Tapos maubusan kayo ng gas sa gitna ng daan! Grr! Magsama-sam—h-hoy!" Hindi ko natuloy ang pangangausap sa sarili ng may humablot sa siko ko. "H-hoy! Diba sabi ko wag mong idikit yang balat mo sa balat ko?! Ano bang ginagawa mo, ha?! At bakit mo ba ko hinihila!?" "Just shut up and get in." Napatigil ako ng makita ang tila galit nyang mga mata. Ano bang nangyari rito? Napatingin naman ako sa tinutukoy n'yang 'get in'. Kotse iyon, panigurado'y sundo n'ya. At bakit naman ako sasakay sa sundo n'ya, aber? "I said get in, Syx." Mas madiin pa nitong ani, halatang galit na. Sabihin na nating na-intimidate ako kaya't napapasok agad. What?! No! I mean dahil pinilit nya 'ko! Oo, pinilit n'ya ko! Hmp! Ba't ba kasi s'ya nagalit? Nang nasa loob na ay tsaka ko lang na-realize ang ginawa ko! Hanep, ano bang ginagawa ko rito?! Hoy Sais, kailangan mong pumunta sa Santa Cruz! Bababa na sana ako ng biglang pumasok sa sasakyan si Hidan. "H-hoy! Ah—uhm, napasakay lang ako kasi p-pinilit mo 'ko, kaso nagbago na isip ko kaya b-bababa na ako, ha? Ikaw kasi eh, mapilit! Osya na, may pupuntahan pa 'kong importante—" "Santa Cruz, right? Doon ako nakatira. Sumabay ka na." Walang emosyon nitong sabi habang nakatingin sa labas ng bintana. Tila may bumabagabag. "Tara na ho, Mang Huwes." Sabi pa nito sa driver. Napakunot ang noo ko. Paano niya nalamang sa Santa Cruz ako? Stalker ko ba 'to? Omg! Nasa panganib na ba ang buhay ko?! Ang laki pa naman ng katawan ng isang 'to. Parang isang sapak nya lang ay tumba na 'ko! And what? Taga Santa Cruz s'ya? Eh bakit dito s'ya nag-aaral? May eskwelahan naman ang Santa Cruz, ah? Psh! Wala ka nga sabi dapat pake sa kanya, Sais! Wala! "What are you thinking?" Nakatagilid pa ang ulong tanong nito sa akin. "I-ikaw!" Wala sa sarili kong sabi. Nakita ko ang kaunting pagtaas ng kilay n'ya at pilyong ngiti. Shet! Anong iniisip n'ya?! Ma-feeling! "Ibig kong sabihin ay bakit alam mong sa Santa Cruz ako pupunta, ha?!" Napangiti naman s'ya. "Sa minsan minsan kong paglabas ng bahay ay ikaw palagi ang nakikita ko. Bakit nga ba ikaw nalang ng ikaw ang mukhang nakikita ko? Bakit lagi ka nalang nasa syudad namin, Sais? You're not from there, right?" Napatigil naman ako sa tanong n'ya. Bakit nga ba? Bakit nga ba ako laging nasa lugar na 'yon? Bakit nga ba kahit walang kasigaraduhan ay pinililit ko pa ring maniwala? Bakit nga ba pilit kong pinagmumukhang tanga ang sarili ko? Bakit nga ba kahit ilang beses kong gisingin ang sarili ko sa katotohanan ay pilit pa rin akong bumabalik sa panaginip kong puno ng kasinungalingan? I've been there so many times for what? For nothing. "Sorry, I shouldn't have asked that." Ani nito ng makita ang reaksyon ko, halatang na-guilty. As he should. He shouldn't stick his nose on someone's else life especially if he's just a mere stranger to that person, which is me. Hindi ko nalang s'ya pinansin pa at tumingin nalang sa labas. And to answer my own question, It's because promises are meant to comfort the fool. And I am the fool. End of Chapter One.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD