Chapter 2: Tupperware

739 Words
"Salamat." Ani ko pagkababa ng kotse ni Hidan. He just nod his head and leave. Hanep! Ang akward ng nangyari sa kotse! Ano ba naman kasi ang naisip ng lalaking 'yon at tinanong pa ako ng mga personal na bagay, eh hindi naman kami close. Ang akward tuloy ng katahimikan sa haba ng naging byahe namin! But nevertheless, mabuti na rin yon dahil ayoko na s'yang maka-usap pa. His whole existence just irritates me for an unknown reason. Nevermind him. Ayoko na s'yang isipan pa. Umupo nalang ako sa pwesto ko lagi kapag nandito sa Santa Cruz. Ang gazeboo na s'yang pinakasentro ng syudad. The place where all my foolishness started. Psh. Nilabas ko nalang ang cellphone at earphone atsaka nagpatugtog ng mga kanta. Pampapawi bored. I closed my eyes and banged my head as the music started to fill my ears. It's my favorite song. "Why do stars fall down from the sky everytime you walk by?" Pagsabay ko pa sa kanta. Napangiti ako. Then I am the stars who fall everytime I see you walked by, Astra. Dinilat ko ang aking mga mata at natanaw ang malaking bahay hindi kalayuan dito. That must be where he lived. Mayaman. Siguradong walang pinoproblema sa buhay to. Maitsura, matalino, mayaman, at buo ang pamilya. What a very lucky person for having such a responsible parents. Napa-iling nalang ako. I've been thinking of him every minute! Argh! I hate him! Stop crossing my mind, you damn president! Binuksan ko nalang ulit ang cellphone ko at nagscroll down sa mga iba't-ibang socmed. Hindi ako pala-post except sa twitter. Twitter is my coping mechanism kapag malungkot ako kaya't nandoon lahat ng kadramahan ko sa buhay. I didn't mind kung sino ang makakakita because I only have 8 followers. Hindi ko kilala yung pito habang si Nami naman yung isa. I clicked the feather icon and started typing my thoughts. 'Tangina ni Nami iniwan ako. Ang hirap tuloy sumakay, buti nalang may poging dumating, hindi ko nga lang type.' Then I click 'Tweet'. Pero hindi pa ako nasiyahan kaya't nagtweet pa 'ko ng isa. 'Hindi pala ako nakapaglunch, gutom na ko huhu~' Pagkatapos magtweet ay pinasok ko na ulit ang cellphone ko sa bag atsaka nagtuloy sa pakikinig. Ngunit ang sumunod na kanta ay nakaka-antok kaya't nakatulog ako. Nagising ako ng maramdaman ang kati sa binti ko. Oh no! Gabi na! Kaya pala nilalamok na ko rito. Tsk. Tatayo't uuwi na sana ako ng makita ko ang plastic sa harapan. Ano 'to? Wala naman sigurong masama kung titignan ko, diba? Ah basta! Nasa harapan ko kaya't may karapatan akong tignan! Nanlaki ang mata ko ng makita ang mga tupperware! Pero mas nanlaki ang mata ko pagkatapos marinig ang kala mong mga sawa kong tiyan! Nakakahiya! Buti nalang ay mag-isa ako dito. Puno ang tupperware ng iba't-ibang ulam at ang isa namang pinakamalaki ay puno ng kanin. Akin ba 'to? Kung akin ito, sino namang magbibigay? Tila nasagot ang mga katanungan ko ng may nahablot ang kamay kong papel. 'Eat. Kanina ka pa d'yan and I bet you didn't eat lunch. And no I'm not concerned, nakakaawa ka lang habang natutulog na hawak ang tiyan.' Napakunot agad ang noo ko sa nabasa. Girl?! Agh! I really hate him! Paniguradong sa kaniya galing 'to! And what?! Nakakaawa?! I don't need his pity! Ang gagong 'yon! Iiwan ko na sana ang mga pagkain 'don but my stomach says otherwise. Bwisit! Bwisit! Bwisit! Fine! Kesa naman masayang ang effort niya, edi kakainin ko na! Masama rin ang tumanggi sa grasya! Baka malasin ako! Oo tama! Takot lang talaga akong malasin. Lalong nagwala ang mga acido ko sa tyan ng buksan ko ang tupperware. Ang babango! Did he cooked this? Asa! Wala naman atang alam yon sa mga gawaing bahay. "Aghh, ang sarap!" Sigaw ko ng matapos kumain. It's delicious! Siguro'y may cook sila kaya ganito kasarap ang pagkain. Inayos ko ang mga pinagkainan ko at naghintay pa ng kaunti, umaasang darating s'ya. Minutes passed by and as usual, I got home disappointed. Napabuntong hininga nalang ako bago lumundag sa kama. I am so tired of being tired. But I still smile. Meron pang bukas, Sais. Maybe tomorrow. Maybe. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at hinayaan ang sariling lamunin ng kadiliman. End of Chapter 2. A/N: short update! but I swear this will be the first and last time na 1k words pababa ang isusulat ko >.<
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD